parang gusto ko nang maniwala sa premise ng superman. ie, na kapag sinuot na ni clark kent ang salamin niya, hindi na alam ng mga tangang taga metropolis na siya si superman. paano eh, sinuot ko lang yung astigmaporma kong salamin eh hindi na ako nakilala ni berto, yung kaopisina kong hilaw na noy-pi.
Category Archives: BUHAY OFW
astigmaporma
prayer room
nalaman ko lang ngayon na magkakaroon daw ng muslim prayer room dito sa opis. bigla tuloy akong napasigaw ng “putangina, i want a sleeping room for atheists”.
socks
i found the perfect dress socks in the streets of beijing in 2002. knock-offs really. now that they’ve disintegrated after 9 years of use, i’m in a conondrum. how the f*ck am i going to find that old woman who inserted the socks in my bag in exchange for a few bucks?
ayan, napa english tuloy ako.
Would you buy condoms if it were on sale?
Black like the night we fly in
pakiramdam ko, para akong bampira. pag dating ko galing ng trabaho, nakakatulog ako right after dinner. siguro, dala ng pagod sa pagbisikleta pauwi. ang problema ay nagigising ako sa madaling araw, pero wala naman akong magawa kaya ginagala ko ang bahay, nanonood ng TV o kaya (tanginangyan) napipilitan akong magtrabaho.
tapos umiiral pa ang pagka pinoy ko minsan. tulad ngayon: alas tres na ng madaling araw, antok na antok na ako pero ayoko pang matulog dahil gusto ko munang maligo. bakit ba kasi ang hilig ng mga pilipinong maligo? kahit nga halos hindi na natin makita ang mga titi natin sa sobrang lamig sa kalagitnaan ng winter, naliligo pa rin tayo.
weird.
Kuto, Kuto
sabi ni doc emer (oo virginia, tutuong doctor siya), yung mga taong may kuto raw ay malakas ang panlaban sa hika. samakatwid, yung mga taong may kuto ay malalakas ang mga baga (pero makakati naman ang ulo – you can’t win em all). bigla ko tuloy naisip na ang kuto at hika ay ang bagong tubig at langis. actually, medyo mas complicated pa diyan pero ang suma ay, pag nagmalinis ka masyado, mas malaki raw ang chance mong magkaroon ng sakit.
Bawal martilyohin ang bukas na delata
Image
Thank you Lord for my big mouth
inimbita kami ng pamilya nina ceci for thanksgiving. tulad ng ginawa nina eder at leah sa amin ni jet sa singapore, ang pamilya ni ceci ang umampon sa amin dito sa amerika at umalalay sa amin ni jet since coming off the boat 3 years ago. kaya nga pag may okasyon, tulad ng thanksgiving at pasko ay naroon kami sa kanila at nakikikain.
The Kare-Kare Chronicles, Part 4
actually, naka dalawang luto si eder ng kare-kare nung one week na dalaw nila ni leah sa amerika. una, rito sa california at ikalawa sa las vegas nung dinalaw namin ang kaibigan nilang si pareng egay. twice in one week – record ata ito sa akin para sa pagkain ng ox tail.
wala naman akong magawa kasi hindi ako nakakatanggi pag may nakaharap sa aking kare-kare at bagoong, kanin at malamig na sopdrink (preferably diet pepsi with lime) na may yelo. tao lang naman ako na may puso, damdamin at tiyan ng isang pinoy na sabik para sa pagkaing nakalakihan niya sa perlas ng silanganan.



