isa sa mga nami miss ko simula nung lumipat kami rito sa amerika ay ang mamalengke. puro kasi mga costco, grocery at supermarket ang makikita mo rito. mga malalaking tindahan na although malinis at efficient ay wala namang masyadong kaluluwa. tapos, hindi ka pa pwedeng makipag landian sa mga tindera at bawal din tumawad.
at ewan ko ba, mas gusto ko ata yung amoy ng bagong katay na baboy at yung mabagsik na lansa ng daing at tinapa. gusto ko rin napuputikan yung tsinelas ko habang naglalakad ng paikot ikot sa isang maingay, magulo at puno ng taong palengkeng pinoy.
Greetings from New York, Jay!
2nd day ng klase ko; on the way to my training center (na walking distance mula sa hotel ko), bumili ako ng saging (tingi) mula sa isang fruit stand on 57th Street para pang almusal. At least dito sa New York, uso ang bumenta ng prutas at gulay sa kalye kahit sa business district, samantalang sa L.A., kailangan mong dumayo pa ng farmers’ market o Latino neighborhood para ma-approximate ang palengke experience.
Dati kong pinupuntahan ang Monumento o Calaanan tuwing Sabado para bumili ng pang-ulam for the week. Doon ako natutong tumawad, at sa pagobserba ng mga tindera, natuto rin akong maglinis ng bangus at pumili ng sariwang galunggong. (Mayroon ding informal etiquette, gaya ng, huwag mo masyadong pipisilin ang kamatis pag nakatingin sa iyo ang tindera.) Minsan miss ko rin ang putik, but not so much.
hey classmate daisy.
nasa malaking mansanas ka pala. sayang nga, ngayon lang ako natutong magluto, kung kailan na walang palengke rito. ayain ko nga si jet na magpunta sa farmer’s market.
I agree. I still remember nung bata pa ako, kasama ako ni lolo mamili sa palengke. I can say na talagang fresh pa ung sa mga palengke habang puro frozen na dito sa mga supermarkets tulad sa Giant. Mas masarap pa rin talaga ung bagong katay at bagong hiwa na mga meats and bagong huling isda. Hay.. Totoo rin na walang kaluluwa sa mga supermarkets di tulad sa mga palengke. Hehehe.
lolo’s girl ka pala.
miss mo rin ba ang mga suki ng Mommy na walang bukambibig kundi ang pogi mo? hehehe π
oo mylab. pogi tawag sa akin dahil hindi raw kasi ako marunong tumawad.
kung sa pamamalengke, ang Kano kong asawa siyang hanep tumawad! Kaya wala pang nagsasabing pogi siya…:-)
sabihin mo huwag masyadong tumawad para maging pogi rin siya.
medyo matagal na din akong hindi namamalengke. anyway, nung namamalengke ako, di naman yata din pwede tumawad lalo na kapag isda or baboy ang bibilin. ang ginagawa ko ay nagrerequest akong dagdagan nila yung binili ko. π
kaya pala pogi ngayon ang tawag sakin..ngayon alam ko na..
Sa farmer’s market ba sa US pwedeng mag-haggle?
Dito sa London, maraming asian-dominated markets. Yung pinupuntahan ko sa east London, talaga naman pati putik at amoy kuhang-kuha. Parang talipapa.
π
hi unkyel!!! i said the same thing after so many moons of being away from isabela, pero pag uwi ko ang arte ko pala(kakahiya) …di ko nakayanan yung putik sa palengke…. luv the fresh produce, though.
pamamalengke…..pag dumarating ako sa pinas isa yan sa ginagawa ko agad at para ipagluto ang pamilya ko….sa grocery kasi nakababad na sa yelo o nasa freezer na ang fish or meat…..
nung bumukod ako sa mga magulang ko, ang alam ko lang eh bumili sa grocery. natuto akong pumunta sa palengke at kahit papano natuto na rin akong tumawad. yun nga lang, di ko pa rin nakuha yung pagiging pagiging saksakan ng kuripot ng nanay ko. LOL! π