Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

I embrace the many colored beast


puerto rico is a fun place. maraming mga similar na characteristics ang lugar na ito sa pilipinas. dati rin silang sinakop ng mga kastila at naging colony sila ng amerika. in fact, hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sila kay unkyel sam. mixed race ng espanyol at african kaya mga tisoy rin silang tulad natin. maganda rin ang pag crossbreed kaya maraming kaakit-akit dito tulad ng sa pilipinas. mahilig din silang uminom, kumanta at sumayaw tulad nating mga pinoy. at mahilig din sila sa boksing. nakakatawa nga kasi yung mga ibang taga rito, mas alam pa ang stats ni manny pacquiao kaysa sa akin.

puerto rican: ah, you filipino?
ako: si senor.
puerto rican: you know manny pacquiao?
ako: he’s my next door neighbor in cotabato.

uuwi na ako ngayon pabalik kay jet. aga ko nga nagising dahil naihi ako sa sobrang excitement. nakunan ko tuloy ang bukang liwayway.

Supper-time and the barrio is dark

narito ako ngayon sa bayan ng san juan, isla ng puerto rico. accidental tourist na naman. medyo makakainis nga kasi weekend ang byahe. ayaw na ayaw kong umalis ng business trip ng saturday. pero gusto ng customer ng monday meeting kaya wala akong magawa.

Continue reading

Nemesis Hypothesis

ano kaya kung bigla na lang nag decide na umuwi sa pilipinas ng sabay-sabay ang lahat ng labingisang milyon na OFW na nakakalat ngayon sa kung saan saang singit ng mundo. babagsak siguro ang world economy, no? sa hong kong at singapore lang siguro, libo-libong mga manager ang hindi makakapasok sa opisina dahil walang mag-aalaga sa mga anak nila. 

Continue reading

In the middle of the desert waiting

nasa vegas ako nung thursday at friday, hindi para manood ng boksing ni pacquiao. may kinausap lang akong customer na isang sikat na hotel sa strip. tinanong ko sa engineer ng hotel kung gaano kalaki ang requirements nila sa kuryente. ang sabi sa akin eh yung energy requirements daw ng kanilang complex ay equivalent sa isang bayan na may 200,000 residents. bwakanginangyan, ang laki ‘no?

gusto ko ang las vegas dahil kahit saan ka pumunta ay puno ito ng mga pinoy. nagugulat nga yung mga kasama ko sa trabaho dahil ang dami ko raw kaibigan doon. hindi nila alam, puro mga kababayan lang ang mga katsikahan ko. malakas kasi ang pinoy radar ko at lahat ng makita ko sa kalye, casino at airport ay binabati ko at kinakausap. wala pa akong naka-encounter doon na pinoy na hindi ako pinansin. patunay lang na hindi parating tutuo na masama ang turing sa amerika ng mga pinoy sa kapwa pinoy.

Blood on the Tracks

nagpunta na naman ako sa lab nung tuesday para magpakuha ng dugo. oo virginia, it’s that time again. four times a year kasi ang check-up ko kay doc mary para sa aking diabetes. hopfully, maganda ang results ko this time. sa tingin ko naman ay ok dahil in shape ako at in fact, kakatakbo ko lang nga ng marathon last month. but you never know. pag dumating ka kasi ng middle age katulad ko, ang dami nang problema. pakiramdam ko minsan, para akong used car. may mga katok na sa makina kaya kailangan ng patuloy na maintenance.

ang dami ngang kinuha na dugo sa akin. gusto ko ngang humingi ng isang tasa kasi mayroong malapit na filipino store sa laboratory. pwede akong bumili ng puto para masarap ang merienda.

Oh the seas will split – A Ferry Tragedy Time Line

  1. customers buy cebu ferry ticket
  2. boards ship at north harbor
  3. big typhoon approaches
  4. captain asks boat owner – shall we still sail?
  5. owner asks how much will be lost if voyage is cancelled.
  6. accountant says – a large amount of money.
  7. owner tells captain to go ahead.
  8. Continue reading

Marlon Brando, Pocahontas and me

nakikinig ako ngayon sa “rust never sleeps” ni neil young. all of a sudden i’m 13 years old and its 1979 again. music is a fucking time machine. it’s funny how memory works – naalala ko pa rin ang mga lyrics ng kanta, even if i haven’t heard it in 29 years. huli ko itong pinakinggan, first year high school ako at malapit nang maghiwalay ang mga parents ko. sanay na sanay na rin akong magjakol nung panahong ‘yon at nagsisimula nang magkaroon ng interest ang opposite sex sa akin. i remember everything.

Continue reading

It’s rainin’ inside of the city

mga kailangan para maging successful na OFW:

simplicity
humility
loyalty
authenticity
courtesy
industry
at saka sense of humority.

self explanatory naman lahat pero kung mayroon kayong hindi naiintindihan diyan, sabihin niyo lang sa akin at magbibigay ako ng paliwanag na sobrang simple, kahit ako maiintindihan ko.