Like the lion tears the flesh off of a man

dear unkyel batjay,

ano po ba ang mga do’s and dont’s ng summer season?

nagmamahal,
gentle reader

—————–

dear gentle reader,

magsuot ng rubber slippers at sandals para presko ang paa. pero pag nagsuot ka ng sandals, huwag ka namang mag medyas dahil ang sagwa sagwa nitong tingnan.

pag may nakikita nga akong taong naka sandals na may medyas, parang gusto kong mag hurumentado. sa tingin ko kasi ay mas masahol pa ito sa pag suot ng leather jacket sa maynila.

bakit ka pa nag sandals kung mag memedyas ka rin lang? para kang gagong customer sa restaurant na umorder ng lumpiang hubad na may side order na balat.

ingat,
unkyel batjay

30 thoughts on “Like the lion tears the flesh off of a man

  1. ang sandals and rubber slippers ay design for the summer , ang socks for the the shoes . dami sa pinas nyan naka sandals with socks , the so called baduys pag tipong rocker ka iyong lost song ni peyaps “summerwind” it can cool you down in the midst of a hot weather.sana marinig ko pa iyon … la na kasi si howlin dave na masigasig magpatugtog nun…

  2. Ano kaya ang pwedeng itawag sa mga taong naka brief na eh may boxers pa sa loob ng shorts nila sabay naka sandals na may medyas na de kolor? hehehehehe

  3. si wonder woman, may panty sa ulo.
    asiwa din ako bossing dun sa naka leather shoes at slacks, tapos puti medyas at feeling sophisticat. tipong tralala ang dating, anu?

  4. wag ding magsusuot ng mga damit na nakakaduling ang kulay (neon orange,pink,green etc..) or kung hindi mapigilang magsuot nyan,wag nang lumabas ng bahay…..hindi po kayo traffic sign

  5. aah..Sandals with socks? Yan ang favorite footwear ng mga konyo at feeling konyo dito sa Pinas. Sa mga Petron treats at starbucks marami kang makikita na nakaganyan.

  6. Thats funny!

    You know what. I wore my Ninoy Aquino shirt yesterday. I only saw 1 pinoy who recognized it. It was bring yellow pa. But then again I hardly saw pinoys that day. Next time nalang when I go to a Filipino restaurant haha.

  7. Ang boss ko naka leather sandals and socks pag pumasok sa opis. Hindi kasi sya pwedeng mag sapatos dahil something’s wrong with his feet. Dyahi naman kung papasok sya sa opis na litaw ang kuko nang paa nya tapos naka slack at kurbata.

  8. mas malufet nga nakita ko na Pinoy sa Riyadh, naka black na slacks, As long as i Leave(longsleev), naka Necktie tapos pinaka malufet sa lahat walang MEDJAS! pero pano ko naman nalaman walang medjas Syempre naka CATERPILLAR na SANDALs haha malufet!

  9. parang nauso ata yang ganyang style ng sandals at medyas for a time nung 80’s. Marami akong nakikitang ganun dati eh. Ako mahilig sa sandals. Nung 70’s pa, mahilig na kong mag sandals. Do you still remember Our Tribe? Dun maraming magagandang sandals nuon eh. Tagal na nun no?

  10. namumulutan, baka naman yung nakita mong noypi is going to the mosque to pray. Common dito yan. Tinatanggal ang sapatos at medyas at mag sandals nalang para makapag pahinga ang paa bago hugasan prior to performing salah (prayer).

  11. lumpiang hubad na may side order na balat… hahaha! I really love your allegories. tsaka hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako kung saan mo napupulot ang mga topic dito sa blog mo. para kang si Oprah, she can make a show out of anything, sabi niya. ikaw, you can make a blog out of anything din… hehe. 🙂

  12. kapag nakakakita kami ng foreigner dito na nagsusuot ng medyas at sandalyas sa beach (diyosginoo!) ay Germans. Sabi ko, “wierd talaga ang Germans” sa asawa kong Aleman. Sabi niya, wierd din ang mga Pinay na nagpapayong sa beach. Each to his own perception talaga.

  13. nakasandals na nakamedyas hehehe. gawain ko dati wag lang nyo akong makita ni sir cabron at siguradong tepok ako hehehe. galit din sa naksandals na may medyas yun eh hahahah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.