puerto rico is a fun place. maraming mga similar na characteristics ang lugar na ito sa pilipinas. dati rin silang sinakop ng mga kastila at naging colony sila ng amerika. in fact, hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sila kay unkyel sam. mixed race ng espanyol at african kaya mga tisoy rin silang tulad natin. maganda rin ang pag crossbreed kaya maraming kaakit-akit dito tulad ng sa pilipinas. mahilig din silang uminom, kumanta at sumayaw tulad nating mga pinoy. at mahilig din sila sa boksing. nakakatawa nga kasi yung mga ibang taga rito, mas alam pa ang stats ni manny pacquiao kaysa sa akin.
puerto rican: ah, you filipino?
ako: si senor.
puerto rican: you know manny pacquiao?
ako: he’s my next door neighbor in cotabato.
uuwi na ako ngayon pabalik kay jet. aga ko nga nagising dahil naihi ako sa sobrang excitement. nakunan ko tuloy ang bukang liwayway.
travel.. ang saya.. gusto ko ma-associate sa traveling ang future job ko.. kahit nakakapagod, ok lang.. ingat. 🙂
aral kang mag pilot o kaya seaman.
bwahahaha!
Jay! One of my good friends, a teacher, is a native of San Juan! She’s there right now, having a good time until she comes back again for the school opening. I got an invite from her, your pictures are making me drool! Pauunlakan ko nga! 🙂
Thanks for sharing!
ingat po sa byahe sir batjay!
Senor Batjay! husay ng blog mo kaibigan 🙂
Medyo similar tayo ng work pero ako base dito sa mahal nating bayang magiliw.
Hindi pa ako nakakarating ng amerika pero diba si Manny taga Gensan?? 😀
Stan – Tatlo ang Cotabato sa Mindanao, medyo nakaka confuse.
Cotabato (formerly North Cotabato) is a province, having Kidapawan City as its capital.
Cotabato City, an independent component city of Maguindanao province.
South Cotabato, a province having Koronadal City as its capital, and General Santos City as its largest and most important city.
(Source Wikipedia)
hey joyce – sige, punta ka para mawala ng kaunti ang pagka homesick mo. daming mga similar sa puerto rico at pilipinas.
Ganda naman ng kuha mo ng bukang liwayway! 🙂
Una kong nakilala ang Puerto Rico dahil kay Dayanara Torres – hahaha! 😉
oo nga pala ano, taga roon pala siya.
dapat mag MARTIAL LAW kung sino man presidente ang manalo sa 2010.
huh?
ang ganda naman ng pic parang pangpostcard at pangwallpaper, grabe ang talent mo sir! digicam lang ba ginamit mo dyan? parang propersonal na kuha……kung pareho sila ng pinoy ibig sabihon mahilig din sila sa fiesta,at ang mga puerto rican anlalambot ng katawan pag sumasayaw..ano kaya ang national dance nila?
parang dun pa sa last last topic yung comment mo reader walang konek sa puerto rico
tinikling?
ano kinalaman ng martial law sa puerto rico? haha
batjay!anu maganda brand ng DSLR..un ba ang gamit mo?
para ka namang nagte-text kung mag comment. saka na kita sasagutin pag tuwid na dila mo. hehehe.
sige na nga – canon ang DSLR ko pero cellphone lang ginamit ko sa pagkuha ng sunrise.
bakit ako natatawa sa mga comments? at kay manny pacquiao?
hanuba 😀
ewan ko, baka pareho tayo
hehehe i got the same questions before.
Puerto Rican:Hey, do you know manny pacquiao?
Amiash:hehe he ran for gov’t candidancy.
Puerto Rican: wtf?