nagpunta na naman ako sa lab nung tuesday para magpakuha ng dugo. oo virginia, it’s that time again. four times a year kasi ang check-up ko kay doc mary para sa aking diabetes. hopfully, maganda ang results ko this time. sa tingin ko naman ay ok dahil in shape ako at in fact, kakatakbo ko lang nga ng marathon last month. but you never know. pag dumating ka kasi ng middle age katulad ko, ang dami nang problema. pakiramdam ko minsan, para akong used car. may mga katok na sa makina kaya kailangan ng patuloy na maintenance.
ang dami ngang kinuha na dugo sa akin. gusto ko ngang humingi ng isang tasa kasi mayroong malapit na filipino store sa laboratory. pwede akong bumili ng puto para masarap ang merienda.
yum dinuguan!!
pwede mo ring pang ihaw sir. betamax!
mega getting!!! LOL!
sarap no?
buti ka pa four times a year lang. Ako halos twice a month. Ang dami ko nang naibigay na dugo sa lab. Hindi ka pa umiinom ng gamot nyan diba?
mahirap din ang laging bago ang pinapasukang trabaho. laging kailangan ng medical at kasama na dun ang dugo. hehehe. nito ko lang nalaman mas masakit pala ang finger pricking.
medyo hindi ko nagets yung paghingi ng tasa.. inabot ako ng 5 seconds bago ako natawa. heheh
mas masakit nga ang finger pricking kaysa sa pagkuha ng galon galong dugo sa braso, ayon kasi sa nabasa ko nasa balat ang mga nerve endings kaya mas sensitive at mas mararamdaman mo agad ang sakit ng flesh wound.
pag kinukunan ako ng dugo for medical exam hindi ako tumitingin sa krayom hanggang ngayon, mababaw ang tolerance ko sa sight ng dugo…… except syempre kung dinuguan at betamax hehehe
sana when i grow old, healthy din aq
nasa genes niyo talaga ang diabetes di ba yan din ang sakit ng the late great mong utol na si dante, at least may maintenance ka at at may marathon experience ka pa kaya mahaba pa buhay mo tol…
yung mga bagong pang test ng blood sugar ay hindi na sa finger ang pag prick. in fact, yung ginagamit ko ay sa braso na lang. hindi masyadong masakit.
ok lang siguro ang regular lab bossing. as long nakakakatulong ito sa health mo. pareho tayong diabetic at kailangan talaga ng regular maintenance.
at oo, pampahaba ito ng buhay.
alam mo naman yung kasabihan, he who laughs last…
naku bossing doble ingat po, sabagay mega caring naman si mam jet senyo…pero alam ko talaga mahirap ang me diabetes kaya god bless po…
nagiging hyper din ba kayo tulad ni gary v?
he who laughs last is a little slow? hehe
kung tutuusin, ang suwerte natin kasi at least dito natuto tayong maging proactive sa health care natin. kung nasa Pinas tayo, malamang hindi pa natin alam kung paano natin dapat alaagaan ang mga sarili natin cause seeing the doctor for routine check-up is not something we would normally do unless we were terribly sick already or trying to land a job.
oo nga mylab. iniisip ko nga kung ano ang nangyari sa atin kung hindi tayo pumunta rito. siguro, ang taba ko na at masama na ang health.
emen.
ako man hindi pa nagpiprick eh. pero next month go na ako ulit sa lab for my A1C. hopefully, maging ok naman.
pero yung sinasabi mong sa braso ang kuha, fafa, ok ba yun? ano ang pangalan nun?
FreeStyle ang brand ninang. libre ang blood monitoring system dito sa amin sa socal. ang babayaran mo lang ay ang strips at pang prick – dito lang naman sila kumikita. ang maganda ay covered ito ng medical insurance kaya co-pay lang ang babayaran mo.
sana maganda ang A1C ko ngayon. last time nasa borderline ako.