Supper-time and the barrio is dark

narito ako ngayon sa bayan ng san juan, isla ng puerto rico. accidental tourist na naman. medyo makakainis nga kasi weekend ang byahe. ayaw na ayaw kong umalis ng business trip ng saturday. pero gusto ng customer ng monday meeting kaya wala akong magawa.

ang kunsuelo ko lang sa trip na ito eh yung kwarto ko ay nakaharap sa dagat. iniisip ko na lang na kasama ko si jet at nasa pilipinas kami. pareho kasi ang pakiramdam. para lang akong nasa isang resort island sa pilipinas.

lima kaming narito ngayon. dalawang engineer, isang coordinator at dalawang camera crew. gagawa kasi kami ng video tungkol sa customer namin kaya ngayong araw ng linggo ay kung saan saan kami umikot sa san juan para kumuha ng footage.

pakiramdam ko nga para akong nasa showbiz. kaso nga lang eh below the line ako kasi taga dala lang ako ng tripod ng camera. in fact, ang designation ko nga ngayon ay key grip.

15 thoughts on “Supper-time and the barrio is dark

  1. balik tayo dyan? 🙂

    tapusin mo agad trabaho mo tapos balik ka na dito. dali… miss na kita! 🙂

    ingat ka dyan lagi. labyu!

  2. sige mylab. magugustuhan mo siguro dito. kaya lang medyo malayo – baka sa mexico na lang (cabo) para mas mura. mag cruise tayo.

    ingat ka rin. lab U!

  3. kung magku-cruise kayo, baka pwedeng magrequest pow na dito sa miami ang port of call para kung magustuhan nyo, aba e ano bang cruise cruise pa, tour of miami na lang.

  4. romantic and dating ng el morro port , tipong “tender is the night” sayang di mo kasama ang waswit mong si jet, kumpleto na sana…

  5. Ayus! Puerto Rico! Baka makita mo si Dayanara Torres! Hehe. = P

    Idol Batjay, punta na pala akong Singapore. Sa July 12 na flight ko. I will bring your books with me as my guide. Baka makatulong, lalo na yung first book. = D

  6. bossing, bale pagkatapos pala ng happy fourth e happy fort ka naman. malakas ang hangin dun sa 2nd pic, ano? tipong sumimple ka kasi sa pagkakakapit sa wall, wehehe.

    pagnag-tour ka sa south beach, uupo ka lang sa buhanginan. and then your eyes will do all the walking.

  7. Bwehehehe. oo nga, nakasimangot ako dahil sa lakas ng hangin. beach front kasi yong el morro fort – guarding the entrance of the harbor. my eyes will do the walking… hmmm.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.