Author Archives: batjay
For the ones who had a notion
tutuo ata yung kasabihan na habang tumatanda ka ay bumabalik ka sa pinanggalingan mo. napansin ko kasi, every year na lang simula nang mag 4o years old ako ay pahaba ng pahaba yung buhok ko sa katawan. pakiwari ko bumabalik na ako sa pagka unggoy.
lahat na lang humahaba – buhok sa binti, buhok sa kili-kili, buhok sa betlog, buhok sa ilong. yung buhok sa ilong ay ang pinaka kinaiinisan ko kasi, bukod sa humahaba na’t lumalabas sa butas ay kulay puti pa siya. stand out galore. lately nga, may napansin pa akong mas hindi kanais nais: tinutubuan na rin ako ng buhok sa tenga. ‘tanginangyan.
In the wink of a young girl’s eye
mayroong pick up basketball game every tuesday at thursday sa opisina na sinasalihan ko paminsan minsan. ang problema lang ay ang isang oras kong paglaro ng basketball ay may katumbas na isang linggong pagsakit ng tuhod. pero sige pa rin kahit masakit dahil nga kahit alam ko nang tapos na yung glory days ko na pagshoot eh gusto ko pa ring mag “rage against the dying of the light“.
Rage against the dying of the light
pag tumitingin ako sa salamin, puro puting buhok na lang ang nakikita ko. inevitable. yan ang parati kong naiisip. kahit ano kasi ang gawin ko, hindi ko na mapipigilan ang pagpalit ng kulay ng bumbunan ko. kaya nga ipinagpasya ko na lang na ang pinaka mabuti kong gawin ay tanggapin (or in english: accept the fuck) na tumatanda na talaga ako.
ang gimmick ay gumawa na lang ng paraan para kahit tumanda man ako ay mayroon pa rin akong asim, kahit papaano. yung asim na tulad ng sa kamias. as in halos borderline nagmumurang kamias. teka… bakit nga pala “nagmumurang kamias” ang term sa isang taong nagpapabata? yan ang gusto kong malaman.
You say you’ve seen seven wonders
pagbigyan na ninyo ako kung magyayabang ako ng kaunti, si paula yung naririnig ninyong magaling kumanta diyan sa video. she’s my niece and she’s really good. yung still picture na nasa video? hindi si paula yon. that’s corinne bailey rae, yung singer na kumanta ng like a star na ginawan ni paula ng cover.
maraming magaling kumanta sa angkan ni david. bawal kasi ang sintunado sa lahi namin. according to family lore, pagkalabas pa lang daw ng baby at nakita ng hilot o doctor na medyo wala sa hulog ang iyak, ibinabalik daw sa pekpek.
Milk
ang isang kagandahan ng malapit lang ang bahay sa pinag tatrabahuhan ay hindi matagal ang byahe. na appreciate ko ito ng husto lately.
dahil 43 years old na ako, kailangan ko ng calcium sa katawan. you know, para sa osteoporosis prevention. yung primary source ko ngayon ng calcium ay galing sa gatas. hindi sa gatas ng dalagang ina. gatas lang. as in fresh cow’s milk. 1% fat kasi bawal sa mga over 40 ang masyadong mataas na fat content sa pagkain.
and these romantic dreams in my head
huli kaming nagkita, mga 1994 pa siguro. 15 years ago. tangina, ang bilis ng panahon ano? eto ang pamangkin kong si duane. panganay na anak ni howlin’ dave. named by his dad after the late great allman brothers guitarist, of course. pag pinagmamasdam ko siya, napapansin ko na marami kami in common, from body tics, skin tone to musical talent. hindi maipapagkaila na miyembro siya ng angkan ni david. dito pa kami magkikita sa california. cool, huh?
Dinuguan
naikwento ko na ba yung time na mayroon kaming bisitang amerikanong engineer sa project site sa leyte nung nasa pilipinas pa ako nagtatrabaho? isang lunch time na inaya namin siyang kumain sa mess hall ay nataon na dinuguan ang ulam. tinanong niya doon sa cook namin na hindi masyadong marunong mag english – what’s that?
“sir, that is what you call a menstruation dish” ang sagot ng cook.
You’re my home
awit ng sintunadong lasing series: dalawang cover version ng paborito kong kanta ni billy joel. si pareng billy siguro ay, pound for pound (parang si manny pacquiao no?), one of the best rocker lyricists ever. him and paul simon create the best lines.
Do not go gentle into that good night
bumalik na si mommy sa pilipinas kaninang tanghali. ang laki sigurong adjustment para sa kanya. una, yung panahon. winter dito ngayon kaya malamig. pag dating niya sa pilipinas, height ng “summer” at super duper humidy ang dadatnan niya. iniisip ko pa lang, pinag papawisan na ako. hindi naman kasi ako hot and humid kind of person. parati ko ngang sinasabi na pinanganak ako sa maling parte ng mundo. probably eskimo ako in a former life. oo, as in es-es-ki-ki-mo.
pero siguro ma e-enjoy naman ng mommy yung change ng klima. nahirapan din kasi siya dito sa lamig. mayroon ngang mga okasyon na ayaw niyang lumabas ng bahay at ang gusto niya lang gawin ay panoorin si oprah. niloloko ko nga siya – “ano ba naman kayo, mommy: pumunta kayo ng amerika para lang manood ng TV”.
sana makabalik siya agad dito.


