huli kaming nagkita, mga 1994 pa siguro. 15 years ago. tangina, ang bilis ng panahon ano? eto ang pamangkin kong si duane. panganay na anak ni howlin’ dave. named by his dad after the late great allman brothers guitarist, of course. pag pinagmamasdam ko siya, napapansin ko na marami kami in common, from body tics, skin tone to musical talent. hindi maipapagkaila na miyembro siya ng angkan ni david. dito pa kami magkikita sa california. cool, huh?
ayuz.
dapat one of these days, mag jam tayo. naalala mo ba yung last time tayo nagkasama? birthday ko ata yon, nagkantahan tayo.
yeppers! kung hindi man yun birthday mo, isa yun sa mga family reunion/christmas party natin noon sa nova! nag “heart-to-heart” pa kami nang kaunti ni duane nun, sa pagkakaalala ko, habang nagyoyosi siya dun kina doc.
at tae na ako maggitara, hahaha. pero kung ang ibig sabihin ng “jam” ay “makatugtog ng ilang kanta ng Mountain Goats,” bakit hindi? murang-mura lang namang pumunta ng obama-fied estados unidos!
footnote to 530PM message: ang kailangan ko lang gawin ay magpagahasa sa amerikanong sundalo, magpasa ng kaso sa korte suprema, tapos maghintay ng ilang taon bago bawiin ang akusasyon, at may instant visa na at military plane papuntang LAX!
birthday ko yon. kayo rin ang accompany sa cover ni donna ng “ode to my family“
Sali ko sa jamming, sir! Pag wala pang mag bass, ako na lang. Kasi di ako pedeng singer… at lalong hindi ako pedeng dancer!
oo ba. magaling mag gitara ang dalawang pamangkin ko, bossing – yan si adam at si duane, mga katulad mong gitarista.