Rage against the dying of the light

pag tumitingin ako sa salamin, puro puting buhok na lang ang nakikita ko. inevitable. yan ang parati kong naiisip. kahit ano kasi ang gawin ko, hindi ko na mapipigilan ang pagpalit ng kulay ng bumbunan ko. kaya nga ipinagpasya ko na lang na ang pinaka mabuti kong gawin ay tanggapin (or in english: accept the fuck) na tumatanda na talaga ako.

ang gimmick ay gumawa na lang ng paraan para kahit tumanda man ako ay mayroon pa rin akong asim, kahit papaano. yung asim na tulad ng sa kamias. as in halos borderline nagmumurang kamias. teka… bakit nga pala “nagmumurang kamias” ang term sa isang taong nagpapabata? yan ang gusto kong malaman.

minsan nga, ginagawan ko na lang ng justification ang pagputi ng buhok ko – naisip ko sa sarili ko: buti nang puti ang buhok kaysa panot. naisip ko rin, mas malupit siguro kung panot ka na, tapos yung natitira mo pang buhok ay puti. kung mangyari man sa akin ito sa hinaharap, magpapakalbo na lang siguro ako.

24 thoughts on “Rage against the dying of the light

  1. From http://www.marketmanila.com/archives/balimbing-tree-in-bloom

    “Being closely related to kamias, balimbing trees seem to exhibit a stretched-out fruit-bearing season though unlike kamias trees, do not renew themselves seemingly continuously that mature people who act and dress inappropriately young for their age were usually described as “nagmumurang kamias” in my town.”

    So that’s why! It’s interesting how people’s characteristics or actions can be compared to food. Another will be “balat sibuyas”, “pusong mamon”, etc.

  2. Marami na rin akong puting buhok. Napilitan akong magtina two years ago dahil pinilit ako. Pero maski papaano eh nakakatulong din ang presence ng puting buhok sa ulo natin. Nagmumukha raw tayong mature at professionally credible. 😀 Ewan ko kung totoo nga ba iyon.

  3. bosing, aray ko! kumokonti na ang buhok ko at nagiging puti na rin. Ang consolation ko na lang e ngayon ako nakalbo na marami na ring nagpapakalbo kahit kabataan. E kung nuong 1970’s ako nakalbo na ang uso e lampas pa sa balikat na buhok, ang laking kahihiyan ang inabot ko siguro.

  4. ouch! bossing, hirap nyan. yan ang sinasabi nilang second wave ng pagbibinata. dati kasi pag nagbibinata ka at nagsisimula nang pumiyok ang boses eh nagiging masyado kang conscious ka sa itsura mo. panay tingin sa salamin.

    ngayon bumabalik na naman. hehe mabuti na yan. sign of wisdom daw sabi ng lolo ko.

  5. Pag sounds ko classic..whether Pinoy rock or seventies rock …my kids used to say…ouch those oldies again dad..tawag nila kay Pepe Smith.grand old man of rock…that is the reality of life..tatanda tayong lahat..lol !

  6. ok lang yan Pa, natural lang namang pumuti ang buhok e. ang dapat magalala yung mga babae ngayon na puro tattoo. 40 years from now, mga lola na sila, pero puro tattoo pa rin ang katawan nila. yun ang hindi natural.

    tsaka pogi ka pa rin naman kahit puti na ang buhok mo e.

    tsaka labs pa rin kita. 🙂

  7. “tatanda at lilipas din ako ngunit mayroong awitin iiwanan sa iyo” so goes a line from an opm, pare kung concious ka masyado sa mga pagbabago ng iyong katawan gaya ng pagputi ng buhok e di nga yan babagay sa iyo kahit na ano pa man gaya ng baro, accept it thats gods message that life is short and we have to make good some legacies we will be living behind soon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.