tutuo ata yung kasabihan na habang tumatanda ka ay bumabalik ka sa pinanggalingan mo. napansin ko kasi, every year na lang simula nang mag 4o years old ako ay pahaba ng pahaba yung buhok ko sa katawan. pakiwari ko bumabalik na ako sa pagka unggoy.
lahat na lang humahaba – buhok sa binti, buhok sa kili-kili, buhok sa betlog, buhok sa ilong. yung buhok sa ilong ay ang pinaka kinaiinisan ko kasi, bukod sa humahaba na’t lumalabas sa butas ay kulay puti pa siya. stand out galore. lately nga, may napansin pa akong mas hindi kanais nais: tinutubuan na rin ako ng buhok sa tenga. ‘tanginangyan.
oo nga bossing nakakainis yung buhok sa ilong lalo pag lumalabas, kakairita! hehe padaan po..magandang araw.!
ginugupit ko na lang para mas kaakit-akit.
ginugupit ko rin po bossing, kaya lang minsan habang humahaba uli parang nanunusok na hahaha..minsan masakit habang humahaba..minsan binunot ko na lang nagkasugat naman langyang yun sakit!
see posporo option below.
ipa-wax mo kaya
ear wax?
inis din ako kasi ako tagabunot ng buhok sa tenga ng asawa ko!
hahaha. tell him to do it himself para matanggal yung burden sa iyo.
ako din, badtrip sa buhok sa ilong. hinhintay ko nga na gawan nila ng fashion statement yang buhok sa ilong, baka sakaling mauso para di na ako mapagod sa kakagupit.
ganito gawin mo:
1. kuha ka ng palito ng posporo
2. sindihan mo
3. ipasok mo sa butas ng ilong mo na may nakausling buhok
tapos.
Tangnang yan pards kung bakit naman hindi ang buhok natin sa mata ang humaba para meron tayong mga poging pilik mata. (“,)
yung mga pilikmata ng lahi namin, mahaba.
yung pilikmata ko kailangan kong bawasan periodically kasi tumutusok sa mata ko… sa haba hahaha!
ngyehehehe…
sige mylab.
Buti nga po kayo may facial hair. Ako ala! Walang akong chance na makapag balbas. Hanggang Fu-manchu lang. Sabagay, si Genghis Khan pala ay naka fu manchu, astig naman siya diba?
idol ko si genghis khan.
Say I’d like to know where, you got the notion?
Bosing, ba’t ako mas matanda sayo pero kahit saan nakalbo na? Pwera na lang dun ha.
ibig sabihin sir, mas malibog ka sa akin. yung mga kalbo raw ay mataas ang levels ng testosterone.
its okay, pa dye ka nalang ng black haha
sabi nga ng dating bos ko,yun daw mga buhok na nakalabas sa ilong ay parang antenna ng mga ipis.hehehe