ang isang kagandahan ng malapit lang ang bahay sa pinag tatrabahuhan ay hindi matagal ang byahe. na appreciate ko ito ng husto lately.
dahil 43 years old na ako, kailangan ko ng calcium sa katawan. you know, para sa osteoporosis prevention. yung primary source ko ngayon ng calcium ay galing sa gatas. hindi sa gatas ng dalagang ina. gatas lang. as in fresh cow’s milk. 1% fat kasi bawal sa mga over 40 ang masyadong mataas na fat content sa pagkain.
ang problema ay lactose intolerant ako, tulad ng karamihan sa mga asians na walang history sa pag inom ng gatas. pagkatapos kong uminom ng isang basong gatas ay siguradong tatakbo ako sa banyo after an hour. automatic yon. like clockwork.
inoorasan ko tuloy ang sarili ko. iinom ako ng gatas right before akong umalis ko ng bahay dahil isang oras ang bisikleta ko papasok sa trabaho. ang problema ay pag uminom ako ng gatas at na late ako. ang isa kasi sa mga pinakamahirap gawin sa lahat ay ang mag bisikleta ka paakyat sa bundok habang kumukulo ang tiyan mo. minsan nga, hindi ko matiis. nagkakaroon tuloy ng skid marks ang underwear ko.
pards, para ka palang erpats ko intolerant din siya. bakit di na lang calcium tablets ang inumin mo?
walang excitement sa calcium tabs. gusto ko, may thrill of victory and agony of the feet.
di kaya agony of the pwet? 🙂
for the pers taym natawa ko sa comment re: madbong 😛
Friend ko lactose intolerant pero kahilig sa leche flan, kaya laging may baon na tablets. I forgot what it was but he did say it was over the counter and he’s from the US. Baka pwede mong subukan.
I’ve no problem with milk kaya lang di ko magawang habit yung pag-inom. Bilib talaga ko sa disiplina mo.
hehehe. hit and miss siya, no?
slight inconvenience lang naman dahil nga malapit lang ang trabaho sa bahay. i don’t drink milk when i’m traveling.
bosing, pwede bang lagyan ng alcohol ang milk pareho ng kape? MAs thrilling atang inumin kung may alcohol eh.
I don’t know if I’m lactose intolerant, kasi di naman ako pala inom ng gatas. But now that you mentioned it, baka subukan ko. Malaman ko tuloy kung kaya ko o hindi.
pwede nating subukan sir, gin bulag at nido. baka sakaling mag click.
nalaman ko lang na lactose intolerant ako nung nagsimula akong maging heavy mlik drinker. breakfast ko kasi ngayon ay oatmeal at gatas ang parati kong nilalagay rito. bukod diyan, mayroon pa akong isang basong gatas para panulak.
try mo kaya ang soya alternative, tito jay?
sabi nga yan sa akin, tin. pero gusto ko yung soya na galing sa singapore na nasa supot at straw.
miss ko nang uminom ng drink sa plastic bag.
oo nga, yung mainit na naka-plastic tapos me straw. ako missed ko yung kape naman na me condense milk bitbit, papasok non ng opisina. 🙂
ganyan din ang nangyayari sa akin, kaya sa gabi ako umiinom ng gatas.
te tarik naman ang nami miss ko. favorite breakfast: either nasi lemak or roti prata.
Bigla ko tuloy naalala si UEB ng banggitin mo yung gatas ng dalagang ina…yun kasi ang palagi nyong dalawa pinapayo sakin na inumin ko. hehehe.
Boss Jay subukan mo gatas ng kambing kung available dyan. Yun kasi ang pinaka malapit na pamalit sa gatas ng ina.
pwede ba yung gatas ng dalagang kambing, pre?
kamusta na nga pala. tagal na nating di nag uusap. nami miss ko na yung utal mong boses.
lacteeze ata yung tablet for lactose intolerance.
by the way, just recently discovered your blog. sorry, napag-iwanan ng panahon. kakatuwa. the first chance i get, takbo na ako sa bookstore to find your books 🙂
hi karen.
thank you sa lacteeze advice. thank you din for discovering the blog and for buying the books. saan ka doctor?
dito po ako sa manila. kakatapos lang ng fellowship, about to start my practice soon.
isa ako sa iilan na lamang sa aming mga magkakaibigan/magkakaklase na naiwan dito sa pinas. most of my closest friends nasa US na, practicing as doctors or nurses. masaya na malungkot. masaya kasi i know they’re living comfortable lives and achieving their dreams. malungkot kasi halos lahat po sila di na nakakabalik (madami nakakapag-asawa na dyan or dala na pamilya) kaya nakaka-miss. Malungkot din po kasi minsan naiisip ko… tama ba desisyon ka mag-stay dito?
anyway, thank you po for your time. your blog is a great discovery! will continue to follow you and your blog.
unkyel, me pagka masochist ka pala 😀 j/k kakatawa ka talaga unkyel daming harzzards on your way to work, may shrinkage sa cold days, and adding calcium to your body could either propel your bike ride to a record breaking speed or skid marks on your skivvies! hahaha! anything for staying healthy, we’re all for it, right?! cheers!
i think they have a cocktail drink na me coffee, milk and alchohol.
I’m a long-time fan from San Diego 🙂 I, too am lactose intolerant but drink milk everyday. The trick is to put a little bit of nestle Quik (either the squeeze bottle form or powder form). It works every time for me.
hey M. talaga nestle quick? hmmm… subukan ko.
the thing is, in my heart of hearts, i probably want to drink milk knowing i am lactose intolerant. the thrill of the chase, you know – will i make it on time, this time? or will i crash and leave skid marks all over?
bossing, try nyo uminom ng dodo na nasa tsupon. epektib. dapat nakapikit kayo habang iniinom tapos paganahin nyo imahinasyon nyo. enjoy yun. hehe
para na rin palang naninigarilyo yung pwet mo. minsan may nicotine marks ang underwear. hehehe
Jay, nasubukan mo na ba ang Lactaid? Disregard my post if the answer is yes; otherwise, you might find this link useful:
https://www.lactaid.com/page.jhtml?id=/lactaid/products/products.inc#Products
Keep Lactaid in mind pag nagsawa ka na sa “thrill of victory.” Medyo mahal nga ito ng kaunti kaysa regular milk, pero most groceries carry their own, slightly less expensive store brands of lactose-free milk. Ako’y nadala na kasi minsan muntik na rin akong “madisgrasya.” Good luck and good health.
hmmm… subukan ko nga. maraming salamat sa payo.
Hello… napadaan lang at naki-osyoso na rin. Kakatuwa naman po ang mga kwento nyo.
Pareho pala tayo. Tungkol po sa pagiging lactose intolerant and ibig kong sabihin at hindi yung insidente ng pagkakaroon ng skid marks sa undies.
Susubukan ko po yung mga suggestions ng mga kaibigan nyong nag-comment dito. Baka po may magwork at mapalapit na rin sa akin ang gatas. Sabi kasi ni Ate V, at least 2 glasses a day daw ang ideal sa mga growing kids.
soy milk siguro, kung ayaw mong malagyan ng mantsa ang panty mo.