Do not go gentle into that good night

bumalik na si mommy sa pilipinas kaninang tanghali. ang laki sigurong adjustment para sa kanya. una, yung panahon. winter dito ngayon kaya malamig. pag dating niya sa pilipinas, height ng “summer” at super duper humidy ang dadatnan niya. iniisip ko pa lang, pinag papawisan na ako. hindi naman kasi ako hot and humid kind of person. parati ko ngang sinasabi na pinanganak ako sa maling parte ng mundo. probably eskimo ako in a former life. oo, as in es-es-ki-ki-mo.

pero siguro ma e-enjoy naman ng mommy yung change ng klima. nahirapan din kasi siya dito sa lamig. mayroon ngang mga okasyon na ayaw niyang lumabas ng bahay at ang gusto niya lang gawin ay panoorin si oprah. niloloko ko nga siya – “ano ba naman kayo, mommy: pumunta kayo ng amerika para lang manood ng TV”.

sana makabalik siya agad dito.

8 thoughts on “Do not go gentle into that good night

  1. nakakalungkot naman palagi pag pauwi na. pero mahirap rin talaga at their age yung mag-adjust sa malamig na klima no? kami nga, fall lang dyan ayaw na ng nanay ko lumabas ng bahay. ha ha. 🙂

  2. Summer mo naman pabalikin mommy mo para iba naman ma-experience nya di ba?

    Parents ko din gusto ko pabalikin dito kaya lang daming logistic issues. Wala daw maiiwan sa bahay etc etc

    Talking about init… pag-uwi sa Pinas for sure e hihilaturan kami sa init. Pero kapag natulog kami sa air-conditioned na kwarto, kaming mag-asawa ang unang nagkukumot at pumapatay nang AC. Di kami makatagal sa lamig 😛 Para daw di tiga-London, e para bang lumalabas kami nang winter nang hubo’t hubad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.