mayroong pick up basketball game every tuesday at thursday sa opisina na sinasalihan ko paminsan minsan. ang problema lang ay ang isang oras kong paglaro ng basketball ay may katumbas na isang linggong pagsakit ng tuhod. pero sige pa rin kahit masakit dahil nga kahit alam ko nang tapos na yung glory days ko na pagshoot eh gusto ko pa ring mag “rage against the dying of the light“.
ang isang problema kasi ng mga tulad naming mga middle aged 40 something eh minsan ang tingin namin sa sarili ay mga 20 year old bagets pa rin. sabi nga sa isa kong ka opisina na naoperahan sa tuhod: karamihan daw ng mga pasyente ng doctor niya ay mga middle aged 40 something na nasira ang tuhod dahil nagpilit na mag extreme sport pero hindi naman in shape.
bihira na akong sumali sa mga basketball games at hanggang takbo na lang ako lately. parang counter intuitive ano? mas comfortable pa akong tumakbo ng 10 miles kaysa magbasketball ng isang oras. siguro, dahil mas mahirap sa tuhod ang pagtalon at yung malimit na run-stop motions na kadalasan mong ginagawa sa basketball.
maglaro ka nlang ng darts magisa sa umaga kung tuhod ang prob mo i am 40 plus also yun ang natest ko na maige sa tuhod mga 10 sets solb na exercise mo for walking, rocking your joints, and honing your brain system, not to mention breathing, shouting, laughing and cursing
darts – good idea. kaya lang gusto ko outdoors sana.
tennis kaya? o kaya mag wii ka na lang bossing!
tennis, mayroon ding start stop motion kaya baka sumakit din ang tuhod ko. isa pa, hindi ako marunong mag tennis.
actually paborito ko ang tennis sa wii sports – nilalaro ko ito parati.
laro tayo mamaya ๐
woohoo.
ang dumi ng isip ko, Holy Week pa naman
woohoo!
hehehehe.
oo nga, abstinence ngayon sa meat ๐
buti na lang, wala akong diyos.
gusto kong tumakbo kaya lang nasakit ang arc ng paa, nakuha ko nung naglalaro nung last year ko ng gapore, naturukan na nga to eh pero bumabalik kung minsan. sabi nasa bagsak daw ng paa, di ko lang alam kasi ilang taon din na palaro-laro pero di naman sumasakit.
ok pa naman ang tuhod ko pero alang makalaro dito na tulad sa gapore na punta ka lang sa basketball court ng sat makakalaro ka na.
kaya save ako para sa bike.
yung kaibigan kong si eder ang isa sa mga poste ng pinoy basketball sa singapore. star player.
unkyel, paano ko ba makokontak ang kaibigan mong yan? naghahanap kasi ako ng mga regular na makakalaro ng basketball dito sa SG sana. para naman maka-exercise at mabawasan ang taba sa katawan! hahahahaha!
hintayin mo’t baka sumagot sa iyo.
pero actually, madali lang maghanap ng laro sa SG. tambay ka lang sa lucky plaza.
Matatangkad ang mga David, you’re 5-10 tall by Philippine standards ,the late Dante is 5-11 …puwede kayo sa Basketball..but i guess music is your first love then…
yung kuya namin na si danny ay 6’3
shoot! dribble! shoot! dribble! basketbol na lang sa playsation bossing. for sure walang sakit sa tuhod yun. daliri naman ang sasakit.
‘ala akong playstation, mypren. hanggang wii lang ako ngayon. nilalaro ko wii sports at saka smash brothers brawl at smooth moves.
MAtagal na rin akong huminto sa pag basketball. Sabagay, hindi naman ako naging magaling talaga diyan sa sport na yan at minsan e nagkakasakitan kayo.
panay nag ang suntukan nung araw sa mga basketball games.