nagsimula akong maging OFW nung layasan ko ang pilipinas para magtrabaho sa kasalukuyan kong kumpanya nung 2001. sa singapore ako unang based at apat na taon din akong nadestino roon. nung 2005, nagkaroon ng opening sa main office sa california at kinuha nila ako para dito naman magkalat ng katarantaduhan. malapit na kaming mag tatlong taon dito ni jet at seven years nang wala sa pilipinas.
Category Archives: BUHAY OFW
Falling slowly, eyes that know me
masaya ngayon sa opisina kasi dumalaw sa california ang mga dati kong kasama sa asia-pacific para mag attend ng meeting. laki raw ng pinayat ko, sabi nila. siguro daw hindi ako pinapakain ng tama rito sa america. sabi ko naman sa kanila eh kaya nga ako pumayat ay dahil kumakain na ako ng tama. ang laki nga ng pinagbago ng eating habits namin simula nang lumipat kami ni jet dito.
although miss na miss ko ang pagkain sa singapore, kung hindi kami umalis doon eh malamang mas malaki ang magiging problema ko sa diabetes at siguro mukha na akong baboy na gala ngayon.
Flow and Ebb
malaking bagay rin na nagkaroon kami ng bahay dito dahil ito na ngayon ang sentro ng mundo namin. dito na umiikot ang trabaho, pasyal, kain at kung ano-ano pang ginagawa ng isang normal na mag-asawang pinoy sa amerika. masuwerte si jet dahil mayroon siyang simbahan na sinasambahan. nagbibigay ito sa kanya ng spiritual fulfillment. ako naman ay walang diyos, pero ok lang. nakikisaling ket na lang ako kay jet pag inaya niya akong magsimba.
mayroon akong natutunang importante sa dalawang taon naming pamumuhay dito. matagal ko na itong alam pero minsan ay nagiging talipandas ako’t lumilihis ng landas. ang sikreto para maging maligaya sa amerika: kailangan simple lang ang buhay mo. malayo pa ako sa gusto kong kasimplehan. siguro mga ilang taon pa. hopefully by then, mas alam ko na ang gagawin at wala na akong kailangang patunayan sa sarili ko.
Ebb and Flow
pagkatapos ng mahigit dalawang taon dito sa amerika, nagkakaroon na ng regular pattern ang buhay namin ni jet. yung dating chaos na bumabalot sa mga ginagawa namin ay nagiging comfort zone na ngayon. mayroon na kasing regularity sa takbo ng buhay namin at nagbibigay ito ng kaunting reassurance.
natutunan ko na rin ang style ng pakikipaghalubilo sa mga tao sa trabaho na ibang-iba kaysa sa singapore at pilipinas. mayroon na rin kaming mga kaibigan na natatakbuhan pag kailangang mangutang. alam ko na kung saan ang masarap at murang pagkain. kabisado ko na rin ang mga pasyalan at bilihan ng mga grocery at pagkaing pinoy. higit sa lahat, kilala ko na ang mga barberong pwedeng puntahan na alam kong hindi lalapastanganin ang buhok ko.
Is equal to the love you make
ang isa sa pinakamagandang parte ng araw ko ay ang pagbisikleta ko pauwi. ngayong patapos na ang winter ay medyo humahaba na ang mga araw at hindi na masyadong madilim sa kalsada. malamig pa rin pero di na masyadong maginaw. pag umihi nga ako ngayon ay nakikita ko na ang titi ko. maganda na rin ang panahon. in fact, itong mga nakaraang araw ay sinasalubong ako ng makukulay na sunset.
Won’t you meet me out in the moonlight alone?
pag sanay ka na may katabi sa higaan ay medyo mahirap pag bigla itong nawala. iba ang tulog ko pag duty si jet ng pang gabi. nagigising ako parati sa madaling araw at hindi ako agad nakakatulog. minsan nanonood na lang ako ng mga late night soft porn sa cable TV o kaya ay nagbabasa ng burikak na bastos magazine. pero kadalasan ay pumipikit na lang ako at hinihintay ang pagbalik ng antok.
after 17 years kasi na pagsasama, hinahanap hanap mo na yung mahinang hilik at yung katawan na nakaakap sa iyo habang pareho kayong nakatalukbong sa kumot. hindi ko nga ma imagine kung ano ang nararamdaman ng isang taong biglang nawalan ng asawa.
Never Missed a Beat
liverpool 8 ang pamagat ng bagong labas na CD ni ringo starr. yung title song ay typical ringo: simpleng musika at parang grade 1 ang gumawa ng lyrics. malayo ito sa sophistication ni lennon at melodyfic genius ni mccartney pero malakas ang appeal nito sa akin. kanta kasi ito ng isang taong nagse-senti dahil umalis siya sa bayang mahal niya para sundan yung tulak ng kanyang puso.
Long Lost Cousins
ang isa sa mga pinaka interesting na nakikilala ko rito sa amerika ay yung mga 2nd at 3rd generation na anak ng mga pinoy immigrant. karamihan sa kanila ay hindi na nakakapagsalita ng pilipino at kaunti na lang ang nakaka intindi. pero, ang interesting dito ay pinoy pa rin sila in so many different ways at unmistakably pinoy pa rin sa kanilang pagkain – mahilig pa rin sila sa lumpia, adobo, pansit, kropek, burong talangka at manggang hilaw na may bagoong.
Sikmurang walang tibay
hindi ko na nami miss masyado ang pilipinas. habang tumatagal, nararamdaman ko na nawawala na ang kapit ng bayan ko sa akin. pakiramdami ko minsan, ang tangi na lang na nagdudugtong sa pilipinas sa akin ay ang mga mahal ko sa buhay. parati kong naiisip ang mommy ko, pero, hindi ko na nakikita ang sarili ko na titira pa sa maynila. ewan ko, parang mali. sana pansamantala lang ito.
Tubero
buo na ang new year’s resolution ko. actually isa lang naman: mag-aaral akong maging tubero itong darating na 2008. bakit ba ito ang napili kong gawin itong bagong taon?
