Close your eyes and follow your dreams down

nagsimula akong maging OFW nung layasan ko ang pilipinas para magtrabaho sa kasalukuyan kong kumpanya nung 2001. sa singapore ako unang based at apat na taon din akong nadestino roon. nung 2005, nagkaroon ng opening sa main office sa california at kinuha nila ako para dito naman magkalat ng katarantaduhan. malapit na kaming mag tatlong taon dito ni jet at seven years nang wala sa pilipinas.

nung 1993, naghahanap ako ng solusyon para sa isa sa mga project ko sa pilipinas. nung time na yon, hindi pa sikat ang internet at ang pinaka effective na paraan para makahanap ng kasagutan ay ang pagbasa sa mga trade publication. may nabasa akong advertising sa magazine tungkol sa isang produkto na sa tingin ko ay makaka solve sa problema ko. sinulatan ko ang mga may-ari at nag inquire tungkol dito. sumagot naman sila at eventually, nagkaroon kami ng agreement para gamitin ang mga produkto nila sa mga project namin sa pilipinas.

yung mga taong nakilala ko dahil sa pag gamit ng produktong ito sa mga project namin sa pilipinas ang naging instrumental para ma hire ako sa singapore eight years later. yung mga tao naman na nakilala ko sa singapore ang nag transfer sa akin sa amerika. punong-puno talaga ng talinhaga ang buhay. nagbabasa lang ako ng magazine isang araw and this triggered a series of events that would lead me to where we are now.

23 thoughts on “Close your eyes and follow your dreams down

  1. Life really works in very mysterious ways – one thing leads to another. I can relate to your experience. I look back to the way we were (in college) and never thought that most of us are really making it in the real world.

  2. oo nga pare. who would have thought na yung mga nasa tambayan ng aids ay makakarating sa narating natin. nung time na yon, di ko man lang naisip kung saan ako pupulitin after 20 years.

  3. fafa, destined ka to go to the US. kaya nga pinag-adya ng tadhana na makita mo yung magazine na yun… actually yung pagkakaroon nyo ng project ang simula.. pero pwede ring yung pagpasok mo sa trabaho mong yun sa pinas and pinaka-ulitmate root ng pagkakapunta mo sa US. diba???

    sabi nga nila one thing always leads to another… pero naniniwala ako sa destiny πŸ™‚

  4. nag align ang mga bituin, ninang. kung gusto mo talagang i-trace sa simula. yung career orientation siguro nung high school kami – may nagsalita sa batch namin na isang engineer at ito ang nag inspire sa akin na kunin yung kurso ko.

  5. ang galing naman kuya. goes to show that if you’re meant for something, the universe will conspire to make it happen πŸ™‚ sana ako rin meant for US!! weeee! hehe

  6. Batjay,

    Hindi na kita tatawaging kuya o unkel dahil hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Nais ko lamang magpasalamat sa inyo ni Jet na kahit malayo pa kayo sa Pinas at nakapagsimula na ng bagong buhay sa ibang bayan, ang puso ninyo ay nasa mga kababayan pa rin natin.

    Isa ang iyong blog sa mga nakapagdadala ng ngiti sa aming bahay (kahit na ang aking mister na walang hilig sa blogging ay naghihintay ng mga “adventures of Batjay and Jet”). Maraming salamat sa mga ngiti (minsan ay bungisngis pa nga) na nakapagpapatamis ng buhay Pinoy. Sa gitna ng paghahanap ng truth and accountability, minsan-minsa’y nakasisingit ang tuwa, kalolokohan, at padaplis na katotohanan na nagpapagaan sa damdamin at nagpapatibay ng sikmura para sa susunod pang mga laban.

    O, ayan, napa-Tagalog tuloy ako. πŸ™‚ Oo nga pala, sa kinahaba-haba pa ng aking pasakalye, nakalimutan kong sabihing may “friendship award” pala ako para sa iyo. Korni man para sa mga tulad nating “young-once,” (hindi daw akong mukhang 40, sa totoo lang), ito ay taos-pusong ibinibigay sa mga bagong kaibigan sa mundo ng blogging.

    Salamat at mabuhay kayo ni Jet!

  7. sana mangyari din sakin ung twist na nangyari sa buhay nyo. im 23 i want to be successful 20 years from now. take care and more luck!

  8. I just resigned from work so I could live my life again. I’m planning to go to Singapore by next month not only to chase my dreams but also to follow where my heart is. Nandun kse ang aking minamahal. = D

    Blogging has actually become a therapy during times of pain and depression lately. Your blog is just one of the few that inspires me daily. Dahil sa’yo gusto ko na din mag-aral maging tubero. Hehehe! = D

    Sabi mo nga matalinghaga ang buhay. Sana makita ko na ang hinahanap ko. With God’s grace, of course.

    Thank you Batjay for your wonderful posts. = D

  9. napapanahon ang post na ito ah..
    dati nung nsa Regal Films pa ko, binabasa ko lang blog nyo sa work tapos ngayon, nasa Singapore na po ako work! naeexperience ko na din yung mga nabasa ko sa blog nyo dati. katuwa!

  10. Batjay,

    Curious lang ako,hope you don’t mind me asking. What is your job and what is the name of the company you are currently employed?

    Regards

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.