Is equal to the love you make

ang isa sa pinakamagandang parte ng araw ko ay ang pagbisikleta ko pauwi. ngayong patapos na ang winter ay medyo humahaba na ang mga araw at hindi na masyadong madilim sa kalsada. malamig pa rin pero di na masyadong maginaw. pag umihi nga ako ngayon ay nakikita ko na ang titi ko. maganda na rin ang panahon. in fact, itong mga nakaraang araw ay sinasalubong ako ng makukulay na sunset.

eto ang nakikita ko pag pauwi ako galing sa trabaho. across those hills where the sun is setting is the pacific ocean. kung katulad lang sana ako ni hesukristo na nakakalakad sa tubig, didiretso lang ako and in a few days ay makakarating na ako sa pilipinas. bittersweet, to find yourself to be only an ocean away from home and knowing that it’s a big fucking ocean.

pero ok lang kasi habang iniisip ko lahat ng kasentihan na ito ay papalapit na ako sa bahay namin sa irvine. alam kong naroon na si jet na nagluluto ng hapunan namin. sa gabing ito ng magandang sunset ay masaya ako kasi alam ko na may aabutan akong matamis na halik, giniling na baboy at bagong lutong kanin.

yung anticipation that in a while, you will have everything you’ve ever wanted is my example of what pure joy is all about. bihira lang ito mangyari at sandali lang when it does happen. but the memory of it is enough to sustain you during your dark days.

34 thoughts on “Is equal to the love you make

  1. and that is the home we make for each other. it’s how we’ve always made it, kahit saan pa tayo mapadpad. it’s been a beautiful life so far. maraming salamat.

    i love you

  2. home is where the heart is 🙂 as your loving wife has aptly said. But all our after births are here in the Philippines kaya yata may constant subliminal longing for this land of ours. It’s an exciting time here in Pinas kaya stay tuned na lang…enjoy your sunrises and sunsets!

  3. tama nga unkyel…enjoy nyo isa’t isa kahit nasaan kayong dako ng mundo..hehe..ang importante, magkasama kayo…hapi hearts day to everyone!

  4. teka unkyel..malamig din kasi d2 sa pinas..slight lang..hehe..may tanong ako. bakit ba pag malamig, mas madalas tayo mapaihi?

  5. extracted galing sa pusong mamon.

    thank you tito rolly. oo, dami kong nakain na giniling. isa yan sa mga paborito ko from childhood.

    constant subliminal longing – i love that term and it’s probably true.

  6. pang -valentiMe’s talaga ang sinulat mo, sobrang touched ako, nagcomment tuloy ako bigla dito. pang-quotable quotes, lalo na yung huli 🙂
    may langgam na naman dito he he

  7. Sir Batjay, like you, I also look to the West a lot too to remind me of home. Sunsets and memories of sunsets in Manila make me wish that I was home even for just a few moments.

    Nice choice too of lyrics for your write-up’s title. 🙂 Quite apt.

  8. Great post bossing! I always tell my husband na “when we grow older dapat parehas tayo ni unkyel batjay at miss jet” and he always gives me a puzzled look. We kinda married early but I’m proud to say that we have been together for 11 years. You and your wife are inspirations. 🙂

  9. ayan unkyel napalabas mo na naman ako. another post that’s very heart warming, kasing init ng kanin na bagong saing at giniling na baboy na hinanda ni Ms Jet. Napakasarap talaga ng may nagmamahal.

  10. elow po! inspiration ko talaga ang love nyo sa isa’t isa na mag asawa..i wish na sana lahat ng mag asawa mag mahalan ng katulad ng pagmamahal nyo sa isa’t isa..mabuhay po kayo!

  11. great shot….malungkot nga lang dating sa akin pare…kasi huli kong nakita nang ganyan… nung minsan nasa eroplano ako at papunta sa malayong lugar para makipagsapalaran at iwan ulit ang mahal sa buhay…

  12. wish mo lang na kagaya ka ni hesukristo who can walk on water so you can go home? jay, you need to come home even for a short period if thats what you’re wishing. come home man!

  13. Ito gusto ko sa iyo bossing. You wear your heart on your sleeves. Ok na ok pa din posts mo kahit very senti-mental. You’re not too macho not to be showy to Jet. Nakakakilig.

  14. the horizon looks fantastic! sir, sana po araw araw kayong kiligin ni ma’m jet. i don’t know her personally but base on her replies and her blog posts, she is worth all the love you give and will give her.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.