liverpool 8 ang pamagat ng bagong labas na CD ni ringo starr. yung title song ay typical ringo: simpleng musika at parang grade 1 ang gumawa ng lyrics. malayo ito sa sophistication ni lennon at melodyfic genius ni mccartney pero malakas ang appeal nito sa akin. kanta kasi ito ng isang taong nagse-senti dahil umalis siya sa bayang mahal niya para sundan yung tulak ng kanyang puso.
yung kasentihan at yung mga references niya sa buhay beatle ang dahilan kung bakit paulit-ulit ko itong pinapatugtog simula nang mapanood kong kantahin ito ni ringo sa letterman show last week.
I always followed my heart, so I took it on the road
Destiny was calling, I just couldn’t stick around
Liverpool I left you, but I never let you down
palitan mo lang ng maynila yung liverpool ay para na itong kanta ng OFW. liverpool 8 rocks.
kaya pala palgi mong pinapakinggan…
the words may be simple but strung together, it has a charm to it. ang dating niya parang simpleng musikero lang na gustong tumugtog at kumanta pampaaliw pero masarap siya pakinggan lalo na pag may serbesa…
ganda ng tugtog, no mylab? i love this song, reminds me of the early ringo songs when he was still with the beatles.
huwaw. may bagong album pala si starsky. mapakinggan nga.
pag nakikita ko isa man sa remaining beatles nakaktuwa at the same time nakakalungkot……di na kasi mabubuo ang grupo…..sayang talaga…the best talaga ang beatles…sa youtube na lang pwede panoorin
oo nga pare.
minsan di mo rin alam talaga kung sino ang maunang aalis. nung bata sila, si ringo ang madalas nasa ospital dahil parating may sakit. siya pa ang isa sa mga natira.
it’s richard starkey. yung starsky ay detective na kasama ni hutch na kaibigan ni huggy bear.
Sir Batjay, kumusta na? I haven’t been here in a while. Thanks for the write-up on Ringo. I’ll check your youtube link out and get the cd. I agree with you na simple nga ang songwriting style ni Ringo. It’s quite homey actually, in my humble opinion. Salamat uli and I hope you and Jet are doing fine.
pinaka uncomplicated na beatle. siguro yon ang dahilan kung bakit buhay pa siya ngayon.