Ebb and Flow

pagkatapos ng mahigit dalawang taon dito sa amerika, nagkakaroon na ng regular pattern ang buhay namin ni jet. yung dating chaos na bumabalot sa mga ginagawa namin ay nagiging comfort zone na ngayon. mayroon na kasing regularity sa takbo ng buhay namin at nagbibigay ito ng kaunting reassurance.

natutunan ko na rin ang style ng pakikipaghalubilo sa mga tao sa trabaho na ibang-iba kaysa sa singapore at pilipinas. mayroon na rin kaming mga kaibigan na natatakbuhan pag kailangang mangutang. alam ko na kung saan ang masarap at murang pagkain. kabisado ko na rin ang mga pasyalan at bilihan ng mga grocery at pagkaing pinoy. higit sa lahat, kilala ko na ang mga barberong pwedeng puntahan na alam kong hindi lalapastanganin ang buhok ko.

16 thoughts on “Ebb and Flow

  1. ang unang lesson ng aking asawa na puti ay huwag magpagupit sa bakla. Puro na lang ligaw ang nakukuha niya. Ngayon ay Alex na ang pinupuntahan niyang barbero. Natuklasan ko na puwede rin pala akong magpagupit kay Alex. Ang barber shop niya ay gawa pa rin sa sawali—talagang may provincial ambiance :-)!

  2. dito sa southern california, ang mga magagaling na barbero ay mga vietnamese. sa singapore naman, ang mga magagaling ay mga malay at sa pilipinas, ang mga kapampangan.

    di ko alam kung bakit ganito.

  3. dalhin mo ko s hairdresser mo pre pag napasyal ako dyan,nabasa ko nga pala yong tungkol don s dting nag perform dito s Esplanade,sabihan mo n lang n tawagan ako s cell at ako ng bahala.Regards kay Jet,ingat and God bless.

  4. Dito naman sa New York/New Jersey area, ang mga magagaling na barbero ay mga Italyano. Talking about barbershops, isa pang napuna ko eh pag Miyerkoles ay sarado ang mga barberya dito. I don’t know if the same holds true in Southern California.

  5. kakatuwa no tito jay? ang dali rin nating pinoy mag adjust. akala ko malaking adjustment ang paglipat namin dito pero 1 buwan na rin kami at okay naman. kailangan ko na lang maghanap ng parlor. 🙂

    ma-miss namin ang lampano alley! 😦

  6. sayang nga tin. pati ako mami-miss ko rin si binky. naalala ko nung nanood tayo last time sa esplanade.

    smooth na siguro ang buhay ninyo diyan sa AU dahil nakapag adjust na kayo. oo parlor lang ang katapat ng bagong saltang tulad ko.

  7. Sobrang relate ako sa iyo since almost two years na rin kaming wala sa Pinas ngayon at mahirap mang paniwalaan, we have managed to find some sort of “comfort zone” dito sa disyerto. Mas masuwerte ka nga lang sa amin dahil hanggang ngayon, di pa namin natatagpuan ang barbero/salon na swak sa aming panlasa – hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.