may bagong lipat na mag-asawa sa tapat ng bahay namin. siyempre pag may bagong lipat, para kang detective, dahil pilit mong inaalam kung sino ang magiging kapit bahay mo.
Category Archives: BUHAY OFW
When your rooster crows at the break of dawn
nakakapagod din pag isang lingo ka lang sa pilipinas. pilit mong pinapagkasya lahat para ma experience mo lahat. gusto mong makita ang mga kaibigan mo at kamag-anak. kung saan-saan ka bumabyahe para makita sila. lahat ng pagkain na di mo nakakain abroad ay gusto mong tikman. pakiramdam mo tuloy, ang buhay mo ay parang pelikulang pinapanood ng naka fast forward. naiinitindihan mo pa lang ang kwento, nasa “THE END” na agad.
Where I belong
tatlong araw na ako rito sa maynila. miyerkoles na ng hapon dito at nakatambay ako sa isang internet cafe sa mega mall. mamayang kaunti ay makikipag tawanan na naman ako kina tito rolly at iba pang mga kaibigan. ok naman yung launch nung monday. maraming mga kaibigan at kamag-anak ang nagpunta kaya na sold out ang libro ko. ikukwento ko na lang ito sa ibang araw, kasama ang mga picture.
My soul checked out missing as I sat listening
ano ba sa pilipino ang “i have to make the most out of my life now”? yan kasi ang parati kong sinasabi sa sarili ko lately. kasi, isip-isip ko, when this is all over and done, wala nang next time. who knows what comes after death. it probably is, for all intents and purposes (what a fucking catch phrase), game over.
maiba ako. napanood ko na naman yung leap of faith video ni springsteen kanina. this song always inspires me.
A life of leisure and a pirate’s treasure
buhay ng namamasukan sa amerika: you’re deepshit in work at ang una mong iniisip sa umaga ay kung ano ang gagawin mo sa opisina, kung ilang meeting ang pupuntahan, at kung ano-ano ang dapat mong ihanda. pagtapos ng trabaho, uwi ka sa bahay, kain, nood ng tv sandali, tapon ang basura, kuha ng mail at gawin ang kung ano-ano pang mga domestic na gawain. routine mo ito araw-araw ad nauseum hanggang sa hindi mo na namalayan, a lifetime has passed.
ayokong mangyari ito sa akin and as god is my witness (scarlett o’hara expression ko lang ito, wala naman talaga akong diyos eh), i am making a very serious effort to enjoy my life even if it kills me.
Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig
People are crazy and times are strange
ala una na ng madaling araw dito at gising pa rin ako. kakarating ko lang galing sa grocery dahil naubusan kami ng gatas. gatas? bwakanginangyan, americanized na talaga ako. nung nasa pilipinas kami, ang pinaka huling inom ko yata ng gatas ay nung nagnakaw kami sa kalabaw ni mang berning bahu paa nung late 70’s. si mang bernie ang school bus driver namin nung elementary at marami siyang alagang kalabaw doon sa amin sa talipapa.
I’m looking up into the sapphire tinted skies
pagod kami pareho ni jet lately dahil sa dami ng trabaho. minsan nga diretso ang duty niya sa hospital ng 3 straight days na 12 hour shifts. tapos mayroon pa siyang course work na ginagawa ngayon over and above the work. bilib nga ako sa kanya. ako rin naging busy nung pumasok ang bagong taon. binigyan ako ng bagong trabaho kaya pang dalawang tao ang ginagawa ko ngayon sa opisina. pag nabuburat ako, iniisip ko na lang na mas ok siguro ang mamroblema dahil sa dami ng trabaho kaysa magkaroon ng malaking problema dahil walang trabaho.
marami pa rin namang ipinapag-pasalamat. at least nagagawa pa rin namin na magkaroon ng masarap na sex life at may energy pa rin ako para magjakol at maghanda na tumakbo sa marathon itong darating na june 1st. at saka pogi pa rin ako kahit antukin. BWAHAHA.
Close your eyes and follow your dreams down
nagsimula akong maging OFW nung layasan ko ang pilipinas para magtrabaho sa kasalukuyan kong kumpanya nung 2001. sa singapore ako unang based at apat na taon din akong nadestino roon. nung 2005, nagkaroon ng opening sa main office sa california at kinuha nila ako para dito naman magkalat ng katarantaduhan. malapit na kaming mag tatlong taon dito ni jet at seven years nang wala sa pilipinas.
Falling slowly, eyes that know me
masaya ngayon sa opisina kasi dumalaw sa california ang mga dati kong kasama sa asia-pacific para mag attend ng meeting. laki raw ng pinayat ko, sabi nila. siguro daw hindi ako pinapakain ng tama rito sa america. sabi ko naman sa kanila eh kaya nga ako pumayat ay dahil kumakain na ako ng tama. ang laki nga ng pinagbago ng eating habits namin simula nang lumipat kami ni jet dito.
although miss na miss ko ang pagkain sa singapore, kung hindi kami umalis doon eh malamang mas malaki ang magiging problema ko sa diabetes at siguro mukha na akong baboy na gala ngayon.
