THE WORLD IS AN APPLE

may bagong lipat na mag-asawa sa tapat ng bahay namin. siyempre pag may bagong lipat, para kang detective, dahil pilit mong inaalam kung sino ang magiging kapit bahay mo.

una kong nakita yung lalaki. puti siya na may european features. binati ko ng good morning – sumagot naman ng diretso na may kasamang ngiti. ah, isip-isip ko, without a doubt, true blue caucasian american.

yung babae ay sa malayo ko lang unang nakita. sa kilatis ko ay mukhang asian. nung mapalapit ay umiwas ng tingin pero nakita ko na pareho kaming kutis betlog. ah, naisip ko, southeast asian siya malamang.

pag silip ko sa bintana nila, mayroong wood carving ng dalawang malaking kalabaw sa loob ng bahay. ah pinay!

63 thoughts on “THE WORLD IS AN APPLE

  1. oo nga bosing. There is no better way of welcoming a new neighbor than greeting them with food. Lalo na’t pinay yung babae.

    Baka sa loob, meron ding barrel man at mala higanteng kutsara’t tinidor.

  2. I’m not surprised na umiwas ng tingin. It’s a certain “complex” that some Pinoys have over here in the States. I find it quite frustrating sometimes dahil para bang defensive sila agad. Sabi nang iba nahihiya lang daw. Pero minsan it’s no longer “hiya” but downright rudeness. Oh well….

    Anyway, nang sumilip ka sa bintana, gumamit ka ba ng telescope or binoculars? High-powered ba ang ginamit mo na may infrared capability for night time use? Hehehe

  3. hindi na kailangan ng binoculars. nasa ledge mismo ng bintana yung dalawang kalabaw.

    bigla ko tuloy na miss ang danggit na may kasamang kamatis, pritong itlog at sinangag.

    last supper sa dining room sa gitna, sa corner niya ay may higanteng kutsara at tinidor na galing sa baguio, may wood carving ng tinikling at barrel man, laruan na jeepney at painting ng bahay kubo na may mayon volcano sa background.

    baka daanin na nga lang sa pagkain ang simula ng pagkakaibigan – tama ka sir.

    hey GB – sa aking experience ay hindi. sa singapore, ayokong maka offend dahil hindi ko alam ang mga restrictions sa pagkain dala ng religion – buddhists don’t eat beef, muslims don’t eat pork, etc. dito naman sa amerika, mayroong mga amerikano na hindi kumakain ng asian food.

  4. parang excited na akong maka-chika siya… hehehe

    kung may oras ako, lulutuan ko siya ng adobo. kaya lang baka mas masarap ang adobo niya saken… hehehe. tsaka baka hindi kumakain ng pork yung puti.

    salpicao na lang kaya?

    lagaan ko na lang kaya ng mais? 😀

  5. oo nga mylab. pag nagkaroon ng opportunity, pakilala tayo tapos lutuan mo ng salpicao. tapos isumbong mo yung ginagawa ng lola mo sa atin. hehehe.

  6. hindi na ako naniniwalang mahiyain ang mga pinoy kaya hindi namamansin kapag nakaka-amoy ng kapwa pinoy, talaga lang may kakaibang hindi magandang pag-uugali ang karamihan sa mga pinoy, minsan dala ng kayabangan o kaya ka-praningan. basta ako kapag naaamoy kong pinoy, naka-ready palagi ang smile ko 🙂

  7. Guys, mapa-pilipino man yan o mapa-amerikano… we all have positve and negative traits so it’s futile even arguing about it. One thing is sure though… masarap ang danggit!!! (Can anyone give me some? Kidding!)
    *** may ganito palang website… first time ko..:-)

  8. baka mas marami lang siguro yung nae-encounter ko or napupuna ko, kaya sinabi kong “karamihan”. dito sa mga pinoy na kapitbahay ko sa bay area, sa tinagal-tagal ko dito isang pamilya lang ang kakila ng pamilya ko, kasi halos lahat hindi namamati…siguro masyado lang akong nag-e-expect sa kapwa filipino.

  9. Dito naman sa amin, yung mga kabayang nasa medical field medyo snobbish ang dating. Hindi naman lahat. Pero yung ma-ere pag nalamang angat ka sa kanila, ang tatamis nang ngiti.

  10. yung asawa ko, nasa medical field pero mabait naman siya. hindi siya snob at walang ere. mahirap mag generalize dahil sa experience namin, hindi naman ganyang ang majority ng mga nakikilala naming mga pilipino.

    sa singapore, mababait karamihan ang mga nakikilala namin, and we’ve managed to forge friendships na hanggang ngayon ang strong pa rin ang ties. dito sa US, marami rin kaming mga kaibigang pinoy na ok ang ugali.

  11. Nakabalik na pala kayo idol.

    mapa-pilipino man yan o mapa-amerikano… we all have positve and negative traits so it’s futile even arguing about it.

    Anyway, sa mga nagtatalo kung yung “stand offish” traits ay Pinoy lang o hindi, ‘eto naman yung experiences ko:

    Napansin ko nuong nagbakasyon ako sa Pilipinas, yung bang “Filipino Hospitality” ay medyo kasinungalingan. Ok, maybe, hindi naman outright lie… ibig kong sabihin, para bang medyo incomplete.

    Sa napansin ko kasi, hospitable lang ang Pinoy sa mga kakilala na, or kakilala ng kakilala. Yun bang, na-introduce na nang iba sa kanila, yon, para bang dun lang talaga nice ang pinoy.

    Pag dating sa making small talk on a public place, wala. Pag makasalubong mo sa empty hallway na kayong dalawa lang, walang tinginan o batian. Baka naman dahil kung tutuosin sa Canada ako nagbinata – masyado lang akong nasanay sa Canadian custom na kahit complete stranger, basta ngumiti sa’yo at nagsabing hi, ngiti ka rin – pero yung absence ng mga ganito ay nag iwan ng impression sa’kin na mas “stand offish” ang Pinoy.

  12. generally hindi pala small talk ang mga asians. hindi yon stand offish, it’s just the way it is dahil sa culture. mas reserved sila at hindi kikibo as much as possible.

    at hindi lang pilipino – lahat ng mga asians ay generally reserved. kung tutuusin, tayo nga ang pinaka outgoing.

  13. Sabagay, yung recent influx ng asyano dito sa city ko, mas reserved nga talaga. S’akin lang kasi, I found it harder to make new acquaintances out of complete strangers in the Philippines- samantalang doon ako galing at nag tatagalog pa nga.

  14. batjay, I think it comes with the territory. Dito kasi sa gitnang silangan, pinoys from different social strata is well represented. The medical field has one of the highest salary brackets. Some of them feel elitist and looks down on kabayans who are construction workers or domestic helper. Ang sagwa ano?

  15. sana hindi lahat ganyan.

    ah, nasa tamang approach yan. kung alam mong reserved ang kausap mo, ikaw ang gagawa ng paraan para mag open up siya. hindi pwedeng western approach all the time.

  16. ..ugali na talaga nating mga pinoy ang palabati at pala ngiti sa kahit na ano mang lahi ang ating nakakasalamuha…..kung may mga snob man..siguro for some other reasons..hindi dahil sa talagang snob, praning o kaya mayabang…

    minsan kasi may mga pinoy na pagnakakakita ng mga pinay na nakapag asawa ng ibang lahi lalo na’t malayo ang agwat ng edad ang unang impression ay yong marriage is for convenience not for love…

    or maybe ito yong mga pinoy na nagtatago….kasi may mga pinoy pa rin na nasa dugo ang ugali noong panahon ng hapon….”pinoy tago…pinoy turo”

  17. tingnan nyo po kung me tabo sa loob ng banyo o kaya me wooded giant rosary o kaya me last supper sa kitchen…hihihi…

    joke lang, pero yan naman talaga ang sinyales na pinoy tayo…

    uwi po ako sa pinas ng june, sana me kopya pa ng libro nyo para me baunin akong panibagong senyales ng pagiging pinoy…mahilig din ako sa bahaw…

  18. “If you meet someone who does not have a smile, give him/her some of yours.” Eto ang natutunan ko sa Mama ko. Magmula noong namatay siya, ina-aplay ko sa daily life ko ito. Nakaka-break ng ice, nakaka-disarm. Epectib to. Subukan ninyo. Ginangamit ko to sa lahat ng klaseng tao, hindi lang sa pinoy. Some react with suspicion, lalo na mga puti… pero most give you back a smile, para bang mirror reflection effect.

    Love, Gene

  19. ginagawa ko rin yan – i smile at people wherever i am. it’s easier where we live dahil maliit lang na city, if you smile, wave and say hello – they always reciprocate.

    ngayon nga, kahit walang tao, naka smile pa rin ako. para tuloy akong luko-luko.

  20. Kalilipat lang namin this weekend sa bagong place namin. Kaya lang sigurado ako na di ako ang tinutukoy mong neighbor. Una, dahil binati ko at na-meet na ang pinoy neighbor ko. Pangalawa, nasa USA ka at nasa Canada ako and lastly, pinoy din ang husband ko. Kidding aside, I think nakaka-relate ako sa topic na ito. I always have a ready smile for everybody who will give me one but I don’t give it out so easily. I wouldn’t say I’m snobbish but I think the right term would be reserve. Noong bago kasi ako dito, laging sinasabi nang mga nauna sa akin that I am lucky na wala akong pinoy co-worker dahil matindi raw ang crab mentality ng mga pinoy dito. With that in mind medyo wary ako kapag noypi ang kausap ko. Hindi naman dahil insecure ako where I am now, ayaw ko lang ng intriga. Kung gusto ko ng intriga di sana nag-showbiz na lang ako, ha ha ha. In my seven years here, I only have a handful of friends. Few but they are the best.

    BTW, when we were house-hunting my realtor once asked how did i know that the place was owned by a filipino? I told her because there is a rice cooker in the kitchen.

  21. hey carol.

    kami rin ni jet ay very selective sa mga kaibigan, especially sa labas ng pilipinas. most of the time, here in the states, kami lang dalawa pero we have a group that we have dinner with from time to time. mixed race – americans, filipinos, danish and mexican.

    we try to be friendly with all our neighbors (except for the fucking lola who complains about the phantom noise and smells she hears). but i love it where we live because everyone (except for the fucking lola) is friendly. i walk, run or bike everyday so i meet a lot of strangers in the street – i wave, say good morning and smile. they reciprocate.

    i understand the wariness. si jet has a lot of stories about her experience at work with her filipina co-workers. nakikita kong mayroong kaunting problema pag may group ng mga pinoy sa community (or office) and then you’re the newbie. but then again, it’s like that kahit anong race.

    ingat!
    jay

  22. “S’akin lang kasi, I found it harder to make new acquaintances out of complete strangers in the Philippines- samantalang doon ako galing at nag tatagalog pa nga.”

    sa pilipinas, kailangan ikaw ang unang mag-salita. magtanong ka lang ng magalang (end with ho or po) kakausapin ka ng pinoy.

    pareho rin dito sa US, kung may makita kang pinoy/pinay, you have to make the first move para makapag kwentuhan. Kung medyo mahabahaba ang oras, una akong nagsasalita, pero kung naglalakad sa kalye or on the hallway, oks na ang ngiti. manghihinayang ka lang kasi kung masarap pala siyang kausap and you have to go.

  23. noong lumipat kami sa midwest sa US, plate of cookies ang bigay ng aming kapit-bahay. must be the norm, unless hudyo ang kapit bahay mo on both sides.

    minsan naman, assume ka na pinoy din, yun pala eh vietnamese, o thai, mong, malaysian, indonesian, samoan. pero try pa rin ako.

    any suggestion on best approach from you or your readers? or should I ask unkyel?

    Tanong ng isang magalang na teenage pinay sa akin: ‘may I know your ethnicity?’

    Yung isa naman, “where are you from, if you do not mind me asking?”

    style ko: “Noypi?”

  24. hi bro,
    my experienced when i was posted in saudi arabia was that pinoys there usually are regionalized. tagalogs goes with tagalogs, bisayas with bisayas, bicolanos with bicolanos, capangpangan with capangpangans etc..
    but when you strike a conversation or smile, pinoys normally will reciprocate the gesture unless the person is indonesian or thai which will only smile back at you. but sad to say there are still pinoys who are INSULARES who thinks that they are better or superior with the next pinoy kahit kutis betlog naman. nakarating lang ng ibang bansa eh kala mo na kung sino. i still believe pinoys are a better people than the others. and lets keep it that way!

    all the best…… bong

  25. Re: pinoys there usually are regionalized

    That’s true. Mga kakilala ko shy off from small talk sa foreigners / visitors simply because natatakot lang magkamali sa ingles or magmukang probinsyana pagnag-tagalog. 🙂

    Pero they generally have a ready smile and will answer back if asked. Konting encouragement lang ang kailangan.

  26. ang sarap nyo naman maging kapitbahay, kung lage may pagkain kapag bagong lipat. kung ganun nga.. araw araw akong lilipat sa tabi ng bahay nyo.. una sa kaliwa tapos sa kanan..

    pero bat pa ako lilipat? e aampunin nyo naman ako?! di ba daddy? hehehe

    hi mommy jet! ako para saken, mas masarap luto mo kesa sa kapitbahay, kahit di ko pa natitikman! hahaha

  27. “but sad to say there are still pinoys who are INSULARES who thinks that they are better or superior with the next pinoy kahit kutis betlog naman. nakarating lang ng ibang bansa eh kala mo na kung sino. i still believe pinoys are a better people than the others.”

    bong, kino-contradict mo ata ang sarili mo or you are talking about yourself.

  28. bakit apple? big apple? bad apple? on a mac?

    mansanas na pinagba-bawal (sensya na sa dami ng tanong, new to your blog)?

    I actually stumbled upon your blog researching online anonymity. anong kinalaman mo dun? di ko maalala yung exact search pero article on you ang first on google’s result, safe search is on naman : )

    I actually do not pay attention to the “INSULARES” lalu na kung mukhang stuck-up. kung gusto nila akong kausapin dahil mukha akong mabait na peninsulares, fine (KSP din kasi ako). pero I stop short of prejudging (sometimes).

    batjay, because of your blog, I think I found my mission in life (at least one of them, isang katutak na missions na). credit to you!

    and yes I used to listen to howlin dave, chris cruise and major tom. Left home mid 90’s.

    and one final question, do you and jet have kids? sorry ulit, haven’t seen all your posts. matapos ko mabasa lahat, titigil, na mga tanong ko (siguro).

    mabalos…

  29. online anonymity – i discussed this with ruby when she was doing an article on my book.

    thank you nga pala sa mga comment ninyo. medyo naging lively ang discussion even though the post is only about our new neighbor. blogging goes in unexpected but pleasant directions sometimes and that’s the beauty of it.

  30. hi unkyel, pretty juicy topic you have here. filipinos are very warm, friendly, and have a great sense of humor like you unkyel. that is what i luv about us pinoys. we are very funny… and we always look good inside and out.

    hey i saw an episode of Everybody Loves Raymond, and his parents’ house has a spoon and fork gracing their dining room wall just like my mother’s (except my mom had embellished hers with fancy stones), how awsome is that?!?!?! and they are not even filipinos.

    unkyel, i know anti would be an exception, but most of the pinays in my hospital are aloof and indifferent =). my doctor, however, is the sweetest and the coolest just like you and anti.

  31. jet has many stories of filipina nurses where she works – some of them are ok, some of them can go to hell. hehehe. but jet is sweet and that’s all that matters.

  32. to: blogusvox,

    you know what? you’re right! i do sometimes feel like that only when i am confronted with a kababayan with an attitude! and you need not go out of the philippines to experience it. anyways, pinoys are generally a very friendly people who can easily adapt to any type/kind of situation or enviroment. keep blogging!

    thanks jay…….bong

  33. in 13 years of working here in the midwest, never did I experience any pinoy trying to pull down his/her fellow pinoy. Neither did my wife. wala akong narinig kahit isang kwento. lahat nag tutulungan. dahilan siguro na kakaunti lang kami dito.

    crabby, marami.

    ang crabs lang na alam namin dito eh galing alaska at ang paborito ko – yung dungeness.

  34. good for you and i hope it stays that way.

    ako rin, wala pa akong nakikilala sa opisina namin na pinioy na hind maganda ang ugali. lahat sila ay mabait, cool and very very accommodating.

  35. true yun, fafa.. ang pinoy hindi mahilig sa small talk. tamad ako kapag small talk na sa opis, mas lalo na kung inglesan ang usapan. di na ako pala-tambay sa cubie ng may cubie samantalang sa pinas, ang hilig kong tsumismaks sa kapitbahay. hehehehe

    pero mostly naman ng pinoy na na-e-encounter ko, may angking kabaitan. dadamayan ka kung kailangan.

    pero meron ding mga pinoy na sadya atang mayabang (pero kahit naman anong race meron nun for sure). parang yung isang kaupisina kong pinoy, hindi mo naman tinatanong kung ano katungkulan nya, out of nowhere babanatan ka ng “yang mga nasa harap na yan (kasi kumakain kami nun sa isang company picnic), mga tao ko lahat yan.” hello, gusto kong sabihan ng, “ay talaga, pay grade 17 ako, diba pay grade 14 ang level nyo?” pero siempre, miss universe ako – ngumiti na lang ako, tumayo at nagsabing “teka, kukuha pa ako ng mais, excuse me muna”

    wa ako weather…

  36. bwehehehehehe. sana pinaglaruan mo rin ninang. maganda kung pinahanginan mo rin siya ng mga “wala yan sa lolo ko” na kwento.

    tama ka nga, kahit ano namang race, pinaghalong mga ok at mga asshole. malas mo lang kung natapat ka sa asshole na pinoy.

  37. kapinoyan…..alam mo may nakasama ako dito sa hotel na grupo ng mga pinoy…they are on vacation/tour….sarap ng pakiramdam ng makita at makilala ko sila…..para akong nasa pinas….kasama ko sila mag-dinner…at minsan sumama pa ako sa tour nila…..bago sila umuwi ay iniwanan nila ako ng pagkaing pinoy…biscuits, cup noodles…etc…pag tapos nalungkot ulit ako….back to reality…estrangher sa ibang bansa…buhay nga naman….

  38. ate sienna, may na-encounter akong ganyang pinoy. Sinamahan ko yung kaibigan ko. Binisita namin yung bagong saltang pamangkin nya sa housing nang McDo. A pinoy told us (hindi naman namin tinatanong) “Sa ground floor ang mga crew nakatira. Dito sa 2nd floor, mga supervisors at managers lang ang nakatira”. Sabi ko “Sa 3rd floor po ba nakatira ang may-ari?”

  39. BatJay,

    Hahahahah nakakatawa ang mga coments sa mga experiences natin with fellow noypiz na may ugaling “Langaw tungtong kalabaw”. I have alot of these experiences here in Dubai. Minsan sa building namin may pinay akong nakasabay s lift. Syempre ngiti to the maxx kasi alam ko pinay sya. Tanong nya ako kung anong floor ako. sabi ko 2nd floor. Aba bigla ba naman akong iniringan sabay sabing ” Ay talaga, kami kasi nasa 10th floor” (the higher the floor kasi sa building namin, the higher the rent).Syempre, sabay sabi naman ako….” eh kung mag earthquake pala may chance pa kaming makalabas agad ng building…eh kayo manalangin na lang!!! ” sabay labas s lift. hehehhehe dagdag nguso ang ale …hehehhee

    In fairness naman, Filipinos are the most friendly nationality here in Dubai.Kaya nga halos lahat ng receptionist at hotel staff are Filipinos dahil meron silang angking charm na kahit pagod na eh nakangiti pa rin. There was even a survey here among various nationality kung sino ang friendliest…syempre Pinoy ang number one.

    I hope all of us should continue this legacy wherever we are in the world.

  40. ERAP BATJAY! di ka parin jan sigurado kung yong KALABAW ay Pinoy! ika nga Pare “Malalaman mo ang Sisiw kung babae o lalaki pag fining-ger mo sa ilalim at kung meron tatayo ikaw na bahalang humusga”.

  41. @ straydog – naco, pamula nung nauso ulet ang budol budol, naging aloof lalo ang mga tao. ako nga, pag may lumapit na stranger, naco, layo agad. mahirap na. nahy-hypnotize ka daw kse at binibigay mo everything halos sa kanila. meron nga lahat ng savings sa bank nakuha… dollar account, savings & current account, etc… mahirap na… kaya siguro hindi pala pansin lately ang mga pinoy nung nagpunta ka dito

    i’m not very friendly at first also, pero once the ice has been broken, naco, chikadora na ako…

  42. I have been reading your blog for the last 3 days. I am new here. i found you very eloquent, fluid and interesting. I just got back from trip to Manila and singapore kaya naka relate ako. Sa Pinas o dito sa Amerika may pagkasuplado raw ako. Dunno, pero i smile and knod my head lagi kahit di ko kakilala lalo na pag umuuwi ako at sakay ng dyip, nasanay na rin sa kulturang kano. Dito sa Bay Area sobrang dami ng pinoy, ewan ko mapili lang siguro ako, o takot sa kapwa pinoy na makulit. Makulit in the sense that d alam ung pede o di pede itanong kahit bagong kilala o kakikita nyo lang like your new neighbors. Siguro takot ako sa pakialamera o pakialamero. You know what I am saying? Asking you your age, how much do you make or tumataba ka ba? These are some of the few that our folks need not ask. Otherwise magagalit sayo ang mga ibang lahi. Naalala ko nung bago ako here working in Stanford Research institute, by the way I am a scientist (yabang noh) I had a friend, and asked her if she gained weight. Right in the afternoon I was called by HR and reprimanded about my gesture. I don’t want to go any further. You don’t ask that silly question. This is america and they spend millions to get rid of those unwanted fats. I’ve learned my lessons the hard way.

    kudos sa funny and interesting blog. ( I was laughing in my cubicle at no end reading one of your entries)

  43. thank you very much for poring over my blog – that’s 7 years of my life as an OFW in singapore and the US. marami ngang mga pinoy sa bay area. in fact, nariyan ang mga pinsan ko na parating binibisita. hindi na masyado ngayon kasi mataas ang price ng gas.

    ingat at hanggang sa muli!
    jay

  44. Pano ba ako na ligaw dito?

    Ah kasi nag se- surf ako ng “The World is an Apple”

    Ang aklat na iyon ay tungkol sa panahon ng Great Depression, gangsta’ at syempre, mabuti laban sa masama…

    Anyway:

    1.) Bakit kailingan nating maki-alam sa kapit bahay?
    2.) Ang antonym ba ng “True Blue American” ay yung mga umiiwas sa tingin na may “Kutis Betlog”
    3.) Paano kung na determine ka ng kapwa nating Kutis betlog na tsismosa ka at may “idiosyncrasy” sya sa mga ganung uri?

    Totoo nga, indeed “The World is an Apple”

    🙂

  45. ur story,..or maybe ur blog abt ur experienced in titled”THE WORLD IS AN APPLE” is much humiliating to Filipinos,….especially your words refer to adjectives,..

  46. ,..ur story,..or maybe ur blog abt ur experienced in titled”THE WORLD IS AN APPLE” is much humiliating to Filipinos,….especially your words refer to adjectives,..:(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.