tatlong araw na ako rito sa maynila. miyerkoles na ng hapon dito at nakatambay ako sa isang internet cafe sa mega mall. mamayang kaunti ay makikipag tawanan na naman ako kina tito rolly at iba pang mga kaibigan. ok naman yung launch nung monday. maraming mga kaibigan at kamag-anak ang nagpunta kaya na sold out ang libro ko. ikukwento ko na lang ito sa ibang araw, kasama ang mga picture.
kanina, dinalaw ko ang mga parents ni jet. ok naman sila at masaya nang makita ako. matagal ko na rin kasi silang gustong makita. nagluto ang mommy ni jet ng special binagoongan. really sweet of her – alam niya kasi, ito ang paborito ko sa lahat ng mga niluluto niya.
ang mommy ko ay kasama ko naman kahapon. dinala ko sila ni TJ sa antipolo at doon kami natulog, kasama sina darlene, kuya bong at lucas. nagluto ang mommy ko ng menudo, tokwa at giniling na talong. really sweet of her – alam niya kasi, ito ang mga paborito ko sa lahat ng mga niluluto niya.
inabutan ko ang aming assistant doon na si anna banana. nagluto siya ng pansit at inihaw na liempo. really sweet of her – alam niya kasi, ito ang mga paborito ko sa lahat ng mga niluluto niya.
para sa isang OFW, ang pinakamasarap sa paguwi sa pilipinas ay ang pagkaing naghihintay na niluto na punong puno ng pagmamahal.
sana lang kasama ko si jet para kumpleto ang kaligayahan ko.
I enjoyed reading your book, Batjay Idol! Tawa ako ng tawa! It’s good to see you in person at last! = D
It’s also great to know that you’re enjoying your short vacation here in Pinas. Sana nga lang nakasama mo si Ms. Jet para nakita din namin sya in person during the book launch.
Ingat lang sa pagkain ng madami! Baka masira ang diet! Hehehe! = P
LOL! Wala ka naman atang hindi paborito. Yan talaga ang masarap pag umuuwi sa Pinas. Lahat nang binibisita mo pinapagha-in ka nang favorite mo.
Kongrats sa successful lauching nang book mo. When I get home, hahanapin ko yan sa mga bookstore outlets and buy one.
enjoy your vacation idol!
hindi ako marunong magluto ng menudo. marunong ako ng binagoongan pero di ba ang pramis natin sa sarili natin di na tayo kakain masyado ng baboy tsaka ng maalat? liempo? mas magaling kang mag-ihaw kesa sakin e. pansit? hmmm… puwede…
wag ka masyado mawili dyan ha. naghihintay din ako sayo. labyu! π
kaya ka pala diabetic e sobrang sweet sayo lahat ng tao. hehehe
it has always been a pleasure to be in your company sir. Thanks for the beer, the food and the laughter.
hi batjay, CONGRATULATIONS sa bago mong aklat! God bless
Thanks for signing my book. π
wow…sold out! Congrats!!
it was nice meeting you. thanks for taking the time, and sorry sa mga ka-dinner mo. π
halu po…sana nasa pinas din ako para nakapunta ako sa inyong book launching…
sold out nga e! galing galing! palakpak palakpak!
sarap naman ng kainan, sana ganyan din yung handa nung launch! di ba gas dude? hahaha π apir kuya!
sir batjay ingat sa pagbalik sa estets!
ayz, natawa ako sa email mo ha… π
wow…congrats on your book launch sir batjay. i would have gone kaya lang tambak dn commitments ko that day, kainis nga eh. but i’m sure the day was thrilling for you and your fans…ehehehe.
i will go hunting for your book later in national bookstore. π
kumusta naman po ang pinas, through the eyes of a balikbayan?
Hi batjay! Nabasa ko kagabi ung book mo courtesy of my housemate… kuya APOL…. tawa talaga ko ng tawa! nyahahha! natapos ko ung book ng isang upuan lng and first time after a long time na naiyak ako sa kakatawa… ayan tuloy late ako ngaun. heheheh!
lahat na yata ng kaututang dila ko na blogger nakarating dun sa book launch, galing mo talaga bossing.
Congrats sir Batjay! how i wish i was with nick during the book launch… para naman nakita rin kita in person… at any rate, excited na akong makabasang muli ng bagong mong aklat.
Regards to mam jet! God Bless.
hi bro,
congrats sa book launching mo last monday. regret i was not able to come due to fever. you know the climate here. nevertheless, i will be buying your book. promise!
tol, while here in pinas, drink lots of fluids. we don’t want you going back to your wife na lulugo lugo because nagkasakit ka dito. baka di ka na makaulit?
have a safe trip back to the states.
all the best………bong
wow!! success pala ang book launchiung mo..ngaun lang uli ako napadaan dame trabaho kaya bisi bisihan..pag uwi ko sa june bibili din ako nyan ano, sila lang? CONGRATS IDOL!!
hi rene. ok na ok yung launch dahil naubos yung stock ng libro ko sa fully booked. sayang, sana nakadalo ka.
hi binx. maraming salamat sa pagbasa sa libro. natutuwa ako na natuwa ka sa mga kwento. di ko nga alam nung una kung talagang nakakatawa ang mga ito. ikamusta mo na lang ako kay pareng apol. ingat!