may nakasalubong akong coyote nung isang gabi sa street namin. bigla ngang nagpunta yung betlog ko sa ngala-ngala dahil sa matinding gulat. pero nagulat din yung kumag nung nakita niya ako kaya pareho kaming tumakbo in opposite directions. hilarious now but scary when in happened. halos 5 feet away lang siya nung nag eye to eye kami.
ngayon, alam ko na kung ano ang pakiramdam ni road runner.
hindi ko alam kung bakit, pero naalala ko si Panchito sa kwento na to π
may eksena ata sa mga lumang pelikula na may nakasalubong siyang multo at nung magtagpo sila, sabay silang tumakbo in opposite directions.
yah, ako din..Panchito scene ito
nanaginip ako ng ganyang scenario lately. ahas naman ang nakita ko almost 5 feet away from me. tumakbo ako. pero hindi tumakbo yung ahas, hinabol kasi ako ng tuklaw.
sa akin, tutuong nangyari.
hmmm… sigurado kang hindi taga-Coyote Ugly ang nakasalubong mo ha π
hmmm…. kung cayote ugly nga lang sana eh baka tumakbo ako in the same direction. hehehe, biro lang mylab.
unkyel! i almost peed my pants laughing to what you posted, but your reply to anti’s comment made me lost it π
hehehehe. you liked pirates of penzance?
I liked pretty woman better… mwahaha!
Marami ding Coyote dito sa’min, lalo na d’un sa pathway sa tabing ilog na madalas kong takbuhan. Magubat pa kasi doon.
Ang tingin ko sa Coyota ay parang Wolf na high. Yung bang para siyang kakahitit lang ng damo: Mapula ang mata; mukhang inaantok; tapos para bang laging gutom kasi hanap nang hanap ng makakain.
parang cross ng german wolf at fox. bilis nga niyang tumakbo.
na misspell ko yong coyote sa 2nd para.
akala ko, sinasabi mo ay short cut ng Toyota Corolla
simpleng-simple ang pagkakakwento pero natawa talaga ako ng husto. parang nakini-kinita ko kasi itsura nyo na nagtitigan saglit at nung mahimasmasan pareho e sabay karipas ng takbo!
kung naroon ka lang at nakita mo akong napatalon sa gulat, baka mas natawa ka pa.
nabasa ko pa naman yung sagot mo sa isang comment na “ang bilis nga nyang tumakbo” de ibig sabihin, mas natakot sya sa iyo?bwahahaha!!!
pareho kaming takot kaya unahan kaming tumakbo papalayo.
wala ka bang napansin na ACME Products kuya?
dapat sana nag-*beep-beep* ka rin. joke π
tiningnan ko nga yung likod ng coyote kung may rocket. wala naman.
sana nga coyote ugly no? Nalasing siguro tayo. Ako kumakaripas ng takbo pag nakakita ko ng ahas dito satin. Ewan ko ba kung bakit ang laki ng takot ko sa ahas. Lalo na pag tumayo na ito.
pareho kayo ni jet. bossing.
yung fear of snakes daw, naka wire sa mga brains natin. sabi ng mga scientist, parang evolutionary left over daw ito nung hinahunting yung mga maliliit nating mga ninuno ng mga dinosaur at iba pang mag malalaking reptiles.
only time kong nakakita ng coyote dun sa colorado springs airport. di siguro gaano nagagamit yung airport kaya naglipana ang mga wild animals sa runway. anyway, napasigaw nga ako nung nag-land kami, look coyote!, sabi naman ng nanay kong napaigtad sa gulat, ano kamo, kamote? tinginan ang mga pasahero sa bintana, tuwang tuwa laluna yung mga bata…
talagang magugulat ang nanay mo sir. siguro naisip niya: what’s a kamote doing in colorado springs for christ’s sake?
bossing, gano ba kadangerous ang coyote? dumb ass din kaya sila katulad nung humahabol kay roadrunner?
delikado sa mga rabbit, mga aso, pusa at maliliit na mga bata. maraming mga case dito sa southern california ng pet attacks.
magaling kasing mamuhay ang mga coyote malapit sa mga tao.
hahaha.. natawa talaga ako sa entry. i cant imagine pano napatakbo ng isang coyote ang isang malaking “hunk” na kayaga mo hehehehe.
ingat ka baka next time na dumaan ka ulit dun may inihanda nang trap para sayo yun. its resbak time for the coyote hehehe
wala kasing hunk-hunk sa mga wild animals.
*beep* *beep*
Ninaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang!
maraming salamat sa special mention sa entry mo ngayon.