Ang Kargador ng Costco

Nagsimula ako kahapon bilang isang kargador sa Costco. Bagong career move. Sixty-one na kasi ako ngayong taon at ang gusto kong trabaho ay yung hindi na ako mag-iisip. Napanood mo ba yung American Beauty? Yung karakter kasi ni Kevin Spacey doon, biglang nag-resign para magtrabaho na lang sa isang fast-food chain. Trabahong hindi na niya kailangang mag-isip o mamulitika. Yan ako ngayon.

Nalaman ko kasi, pagkatapos kausapin ang aking financial planner, na hindi ko naman talaga kailangang kumita nang malaki. Mayroon na akong sapat na ipon para hindi na ako mahirapang mabuhay kapag nag-retire ako. Kailangan ko lang talaga ngayon ng trabaho para magkaroon ako ng health insurance between now at hanggang ako’y 65.

Nag-apply ako at natanggap naman sa Costco. Ngayon, isa na akong empleyadong nagbubuhat ng produkto sa loob ng warehouse. First day ko kaapon at na-assign sa isang section na nagbabantay ng ibat-ibang klasing paper products: tissue paper, toilet paper, table napkin. Ang hindi lang kasali na napkin product sa ginagawa ko ay ang sanitary napkin. Sayang, marami pa namang mga dalagang may regla ang nagpupunta roon.

Mahirap din ang trabaho: very physical. Patuloy kang kumukuha ng mga produkto sa stockroom para ilagay sa shop floor. Tapos aayusin mo lahat ng mga produkto para maganda ang hitsura niya. Fast-paced talaga dahil ang daming customer na mahilig pala sa toilet paper. Tae kasi ng tae. Malingat ka lang, ubos na ang agad ang produkto doon sa loob ng tindahan. Kaya mayat-maya kang nagbubuhat at nag-aayos ng produkto. Meron akong maliit na parang forklift na ginagamit kasi mabigat din pala ang toilet paper pag bulk.

Yan ang buhay ko ngayon: kargador sa loob ng warehouse at tindahan. Masaya naman, at isa sa aking expectation ay pagdating ng araw, papayat ako at magkakaroon sa malalaking mga masel dahil sa sobrang pagbubuhat.

Tuloy pa rin naman yung aking side hussle bilang engineer. Ang trabaho ko sa Costco ay 3 to 11 PM kaya may oras ako sa umaga para sa mga customer ng Halo-Halo Factory, ang aking maliit na consulting business. All in all, ok na rin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.