I keep a close watch on this heart of mine

ang sabi sa mga health manual na kumakalat dito ngayon, kailangan mo raw maglakad ng 10,000 steps araw-araw para siguradong makita mo ang titi mo tuwing iihi ka (kung lalaki ka, siyempre). nakakaliit daw kasi ito ng tiyan. personal experience tells me na tutuo ito pero duda ako na kayang maglakad ng mga taga rito ng 10,000 steps a day, especially dito sa california kung saan kailangan mo pang gumamit ng kotse para pumunta sa sari-sari store, pag nautusan ka ng asawa mo na bumili ng suka.

Continue reading

LITTLE BOXES

eto ang kwento ng “weeds”: mayroong pamilya galing sa isang suburb ng california ang nabubuhay ng masaya hanggang isang araw, bigla na lang bumulagta si husband dahil inatake sa puso. para masuportahan ang dalawa niyang anak, nagsimulang magtinda si wife ng marijuana sa kanyang local community.

kung ako ang tatanungin, isa ang “weeds” sa pinakamagandang palabas sa cable TV ngayon. rent the first season DVD during the holy week break – you won’t regret it. nandito ang lahat ng hinahanap ko sa isang palabas: nakakatawa ang drama, may nudity, nakakalibog ang sex and the music is so fucking great.

When the change is due to come

marami akong kinalikot dito lately. nagpalit ako ng domain name, nagtransfer ng blogging software, nagiba ng “look and feel”, naglipat ng patong-patong na katarantaduhan sa kung saan-saan. ang dami ko ngang nakita na mga lumang litratong nakatago sa mga sulok-sulok ng aking sinaunang website. yung iba nakakalungkot, yung iba nakakatawa, at yung iba naman ay nakakataba ng puso.

Continue reading