deadline ngayon ng pag file ng buwis dito sa america. siguradong maiinit na naman ang ulo ng mga taong tulad ko na kailangang magbayad ng karagdagang buwis over and above yung withholding tax na binabawas sa sweldo every payday. nakakainis nga, wala kasi kaming tax shelter ni jet. hindi pa kami nakakabili ng bahay at wala rin kaming anak kaya todo-todo (kasama pati pamato’t panabla) ang buwis na pinatong sa amin ni unkyel sam. buti pa nga yung mga TNT rito dahil tax free ang mga suweldo ng mga ulul.
baka naman pwede mo kong ilagay na dependent. Kunyari anak mo ko. E di sa ganon, twing ganitong season dadalhin mo ko jan para sure. Malay mo, magcheck ang BIR nyo dyan. E di mapapakita nyo ko – si Baby Damulag. hehe
gusto ko ngang maglagay ng classified ads sa pilipinas – magaampon ako ng pitong bata para ang gobyerno pa ang magbigay sa akin ng pera.
gusto ko yung hindi humihilik, with pleasing personality, araw-araw naliligo at mahina kumain.
perpek ako sa deskripsyon mo para maapon…
malakas lang ako ngayong lumamon…kanina bukod sa lumpiang prito tinira ko din yung salad ng house mate at pati na din yung tirang pizza sa ref kahit maasim na, plus 3 yakult at 500 ml iced tea kaya nga eto mulagat pa din ang mata ko…naiiyak na nga ako gusto ko ng matulog wahhhhhh…
ah, hindi ka qualified – matakaw ka pala.
aynaku kuya, kainis nga yang ganyan ano??! tsk.. tsk.. e kulong naman ang abot mo pag hindi ka nagbayad! ako rin magbabayd… huhuhuhuhu!!!
pwede bang ampunin mo na lang din ako at i-claim sa tax mo?! tapos hati tayo… nyahaha! hindi ako matakaw! pramis! hahahaha!
sige, mukhang may pleasing personality ka naman eh. bayad din ako – kahapon ako nag mail ng check.
ha ha ha! Did you make it on time? Ang duga talaga ng amerika ano? Di bale babawi na lang tayo pag tayo’s matatanda na at uugod ugod na, sama sama tayong maging pabigat sa gobyerno.
hopefully, mayroon pang matitira na pension by the time we retire. from the looks of it, malaki ang problema ng gobyerno para masuportahan ang impending retirement ng mga boomers.
sa tingin ko pa nga ay mas lalaki ang taxes in the next few years to compensate for this. i am not that hopeful.
i am an avid follower of your blogs BJ and its my first time to post in your site kasi gus2 ko lang mag comment bout your term na”ulol” na TNT’s, its a joke done in bad taste, quite offensive sa mga kabayan nating TNT jan sa land of milk and honey…how sure ka na they are not paying taxes? iba dun sa tinatawg mong ulol ay may mga anak at pamangkin na pinag-aaral d2 sa Pinas,may magulang na pinagagamot ang mga karamdaman, dating makabayan na katulad mo na ninais lang matustusan at bigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak, halos mamatay sa lungkot dahil sa pagiisa jan, halos halikan sa paglinis ng pwet ng kung sinong puti/itim na unggoy jan o yapusin o dilaan ang mga inodoro nila sa paglilinis para lang maitaguyod ang pamilya d2 sa atin….don’t you think they deserve a little respect? alam kong palabiro ka pare, pero di ako natuwa sa biro mong yan. yun lang
sensitib me,
waling
Buti nga dyan sa US may tax shelter, though unfortunate talaga situation mo na wala kayong “shelter” ni Jet. Dito sa UK abolished na yan so pareho tax ng single at married at ng 10 ang anak. Nagkakatalo lang ng rate depende sa income. But then merong income support yung mga tamad, este hindi makapagtrabaho. Kaya yung iba parang palahiang baboy, anak ng anak dahil bawat bata may allowance until 18 y/o.
Like America, matagal ng problema dito ang fact na depleted na ang state pension fund by the time the current tax payers retire. Panay encourage ng gov’t na mag-private pension daw ang mga tao. Unfair kung tutuusin dahil yung mga gurang dito plus mga asylum seekers kasama na mga teroristang dito nakatira, supported ng tax ko.
iba talaga ang welfare state tulad ng UK (and most of western europe), maraming mga libreng benefits – medical, allowances for kids. you do pay high taxes but at least you get long summer vacations.
hehehe.
dear anakdalita,
sorry kung nasaktan ka. o sige, hindi na sila ulol. gawin na lang nating “mabait”.
hindi lang mga pinoy ang mga TNT rito, lalo na sa tinitirahan namin sa southern california kung saan majority ng mga illegal ay mexican at latino. in fact, yung mga pinapatamaan kong TNT ay yung mga siraulo na tatawid sa border at kukuha ng illegal na papeles para maka libre sila sa pag-aaral at ospital samantalang kami na nagbabayad ng buwis ay hindi nakakatanggap ng ganitong benefits.
pero huwag kang masyadong malungkot, yung “ulul” para sa akin ay isang term of endearment. alam ko naman na hindi sila pupunta rito kung wala silang naiwang kahirapan sa kanilang home country. in fact, hanga nga ako sa ginagawa nila – hindi biro ang umalis, site unseen. alam ko rin na malamang ay naghihirap sila’t nagtitiis para mabuhay at makapag padala ng pera sa mga naiwan nila. kaya lang, illegal pa rin ang ginagawa nila at isa ako sa mga nagbabayad ng benefits nila.
yung pera na dapat ay pwede kong ibigay sa nanay kong naiwan sa pilipinas ay napunta lang sa pagbayad ko ng buwis. kaya yon – kahit mexicano pa sila o pinoy, ulul ang mga TNT para sa akin ngayong tax season.
maraming salamat sa pag comment, next time pakilala ka para alam ko kung sino ang kausap ko.
ingat.
Mr. Nicanor David Junior: This is a friendly reminder from your neighborhood Internal Revenue Service (IRS). Copies of comments to your blogpost from “auee” and “anakdalita” have been furnished to us by Scotland Yard, FBI and Homeland Security offices. You will be delighted to know that we had been considering you as an outstanding taxpayer awardee for 2007 for generating tax income by way of VAT to several countries where your blogreaders come from, for giving us compelling reasons to increase benefits to TNTs, and for using your blogpost to explain our enviable tax shelter to your readers worldwide. However your consideration for said award has been withdrawn after we have translated some comments from “rolly”, “u.t.o.y.” and “rho” suggesting that you defraud the government by claiming them as your adopted children. If it is any consolation to you, you have been placed on the priority list of IRS surveillance and audit visit. Our sincerest thanks for your appreciation of our fiscal administration. Maybe in your next blogpost you can explain to your readers why “shelter” and “pension” are longer than “tax.”
O Jay, sa tingin iha-hire kaya ako ng IRS on the basis of the latter above? 😀
thank you mr. taxman. bigla tuloy akong kinabahan. akala ko sinulatan na ako ng unkyel sam.
hehehe.
tax schmax. every year we owe. isip ko nga eh hindi ba kinuha na nga 50% nang aking paycheck, tapos may-utang pa rin ako?! as if!! tapos, government worker pa ako, so it’s not like i make a lot to begin with!
i thought people who work for the govt get taxed less. hindi pala. i feel the same way – almost half my pay is tax and then i still have to pay a LOT more.
what if we just move to another state? i’m thinking of florida or texas where the cost of living is lower than california. maybe south dakota. may pinoy restaurant kaya doon?
ehem! pde nyo po akong ampunin papa batJay anD mama Jet…heheh!
basta mayroon kang “with pleasing personality” at hindi matakaw
mahal ang klima dito sa California…
mahal ang safety sa Orange County…
no free lunches, my dear…
balik na tayong Singapore!!! hehehe…
sige mylab. balik tayong singapore.
may gulay kuyang! 50% tax? tas magbabayad ka pa? wowoweeeee!!! eh yung tax namin dito, nasasaktan na ko sa 20%. dito na lang kayo lumipat. 🙂
ingat and regards kay ditseng jet ko.
(p.s. kuyang… di ako maka-login dun sa kabila. nag try din ako na click yung forgot password. ayaw din tanggapin email addy kow. )
ateng KiwiP. malaki tax namin ngayong taon dahil nagtatrabaho na si jet. oo nga, mas maganda nga yata na lumipat na kami diyan. tahimik pa.