pag ganitong tax season lumalabas ang kademonyohan ko at hindi ko tuloy mapigilang pag-isipan na itayo yung matagal ko nang binabalak na church group (i.e., “Saksi ni Phantom”).
maganda kasing negosyo ang religion: kailangan mo lang ay mensahe na kapupulutan ng aral at siguradong maraming tao ang lalapit at maniniwala sa iyo. para magbuo ng isang successful na simbahan, kailangan mo lang ng mga essentials, tulad ng:
- magaling na music ministry
- kaunting talent sa pagdasal (pray over epeks)
- isang sistema sa pagkolekta ng pera
- gimmick na wala ang mga ibang simbahan, katulad ng speaking in tongues na kunyare ay nasasaniban ka ng santo nino (“ala ala ala ala ala eh oh – mga kapatid, ako si santo ninyow!”)
who knows, in a year or two, kaya mo nang magsuot ng amerikanang checkered na parang gawa sa place mat at pwede mo nang utusan ang mga kasama mo na magwagayway ng puting bimpo habang nagsasayaw silang parang mga sira ulo.
walang talo rito: lalapitan ka ng presidente at ng mga politiko para humingi sa iyo ng opinion tungkol sa buhay kahit alam nilang tanga ka, babaha ng pera and most of all, lahat ng kita mo ay tax free.
abayga! broder jay, pagpalain ang lupang dinadapuan ng mga sakong mo! praise d god! AMEN!
kailan pwedeng magparegister sa saksi ni phantom? may award ba para sa early bird? π
gawa ka ng business plan… kukuha ko ng franchise dito sa UK…
π
para namang ginawa mong jollibee ang mga plano ko.
early bird, gilbert? oo, ang unang 700 members ay may guaranteed na condominium sa paraiso at pagdating nila roon balang araw, sasalubingin sila ng mga anghel na malalaki ang mga pekpek.
ay..ako kasi small scale lang ang naiisip ko eh..yung nag bubus hoping na may mga supot or kahon na nakalagay..”love offering” heheheheh
inisip ko na rin yan ate gretch, kaya lang isa yan sa listahan ko ng mga kinaiinisan.
isa pang binabalak ko ay maglagay ng loud speaker sa palengke namin sa talpapa at mag preach sa mga suki kong tindera at sa mga customer nila.
Hi! Magaling ang idea mo about tax season. I have a different version.
Pls. check it out on my art blog.
parang may kilala akong ganyan ha!
may kilala kang pumpunta sa mga bus na may love offering basket? alala ko tuloy si ate sharon doon sa “crying ladies”
hi ET. i love your art blog. buti ka pa, may refund this year.
hahahaa.. galing na idea yan ha! Hahahaa. π
Man, astig ka talagang blogger. Ang dami mong naiisip na ideya.. at hindi lang yun, may sense of humour ka pa! ROCK ON! π
thank you. buti naman at nakita mo ang feasibility ng mga siraulo kong mga plano.
Unkyel, kunin mo akong member. Pede po ako mag-preach sa mga bus at sapilitang pakukuhanin ng sobre yun mga pasahero para lagyan ng love offering. May experience po ako. Dati po akong nanghihingi sa mga pasahero ng bus bilang isang kundoktor na diumano’y tinanggal ng isang trasport company at ngayo’y nagrarally (mga 20 yrs na kmi nagpipiket..haha).
sige, papadalhan kita ng application form sa “knights of san hudas”
sali ako dyan ha! nakakasawa na ang maging OFW eh. π
sige – bagay sa iyo maging member ng “iglesia ni tarzan”
iba ka talaga tsong batjay … ngaun lang ulit ako nadalaw .. pero ibang ngiti ang dulot ng pagbabasa ko sa mga entry mo. aabangan ko iyang kongregasyon mong iyan …. π
ibang ngiti? parang ngiting aso siguro.
Isali mo ako sa simbahang “Cafeteria Catholics Who are Married to Lapsed Catholics”…mahigit nang limang taon since my last confession…
“Cafeteria Catholics” – magandang pangalan yan para sa organization ng mga mahilig kumain. malakas ang ulan dito.
kuya, (kung ok lang natawagin kitang kuya) may study na rin ako dyan noon. maganda kase business yan ala pang tax. at instead 10% ang kolektahin, gawin nating 35% dahil nga end of days na at tumataas na bilihin. at dapat pantay ang sweldo ng pastor at dun sa nangungulekta sa bus. pero may porsyento din yung nag bibitbit ng sound system.
“unkyel” na lang ang itawag mo sa akin.
nyahahaha! “iglesia ni tarzan” ayos yon ah! lol
kuya batjay este unkyel, sale ko… ako magci-circus habang kumakanta kayo…pwede rin akong taganenok ng mga pitaka habang nag a ALAYB ALAYB kayo…dagdag kita yun…
pwede din akong mag exhibinionist kaso baka pagtawanan ang size ng etits ko (hiya)
yung mga tropa ng pinsan kong bading sasali din daw…me frat sila e ung Alpha Pakapa Kapa…(itatabi ko nalang sila sayo kuya batjay me bad experience ako sa mga kumag na to e.)
u.t.o.y., bad experience? hmm. gusto nila siguro na merong mag ALAYB ALAYB sa katawan mo. eymen…….eymen!
parang naalala ko tuloy yung skit sa Bubble Gang π Alien?! .. Alien!!
ano na nangyari doon sa comedian na gumawa nung alien skit?
basta ako kasama sa music ministry heheheh AMEN!
sige. marunong ka bang kumanta?