dear unkyel batjay,
ano po ba ang gamot sa galis?
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
malinis na kapaligiran at matalas na kuko.
ingat,
unkyel batjay
PS – ano ba sa english ang galis?
dear unkyel batjay,
ano po ba ang gamot sa galis?
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
malinis na kapaligiran at matalas na kuko.
ingat,
unkyel batjay
PS – ano ba sa english ang galis?
batay sa aking magic ball, ang galis e sarna infection. that makes galis aso as sarna infection attributed to a dog. lintek, napakamot tuloy ako.
nakakaa sarna talaga yang galis.
scabbies daw sabi ng university profesor ko.
pulgas?
hadhad? mahapdi to sobra nampitso…
kagkag ung tawag ni Lola jan e ..yung mga sanpit ko pinakalbo dahil dami kagkag sa head…..ewwwwwww…..
dahil sa kuto
skinfectionfromdirtydogs
arf!
gamot sa galis?
wag iboto yung nagkakalat ng galis? (lol)
maligo ng calamine/caladryl ba yun?
ap-ap solution (wag down-down ha?)
wag kumain ng aso (pulutan pwede)
esip-esip pa ako…
Unkyel di ba may pinoy expression na “scratch ur own galis”. Hindi po ba talaga pede ipakamot ang galis sa iba?
Pag ang pusa ba may galis, galis-aso pa rin ang tawag? (kamot, kamot)
kinakati ko sa post mo, bosing. Teka muna, ba’t bigla mo namang naisip ang tungkol sa galis?
Kumain ng 6 na kalamansi. Hindi mo na maiisip ang kati.
puede rin sigurong eczema… 😀
eczema! usong uso rito lalo na ngayong spring time.
anim na kalamansi o maglagay ng dalawang siling labuyo sa pwet.
“scratch your own galis” = mind your own business
caladryl or calamine. both are correct.
grabe heatwave dito sa gensan. anong gamot sa sunfruit?
ligo 3x a day at assistant na may mahabang kuko.
ay, ang galing! ngayon lang uli ako nakabalik dito, galis agad ang bubulaga sa akin.
(good lord, that was hard. ;))
ganyan talaga pag hindi nakaka dalaw ng matagal
jay, eto yata ang sagot sa sunfruit ko. 🙂
http://www.chindogu.com/chindogu/chin1.html
hey gilbert. korek – that’s my favorite chindogu invention and one of the 1st ever i saw.
ayus na solution yun! teka, kung buong katawan mo yungmakati, baka tipong spiderman ang dating mo nun. 🙂
spiderman na inatake ng garapata.
boss nicanor. dati ako nag join sa yahoo club nyo. classmate mo rin ako sa notre dame. di na ko nakapag reply dun kase naging busy na ko sa trabaho. dito rin ako based sa california. nasa carson ako. lapit lang sa orange county. nagkausap kami dati ni raymund, pero ang tagal na nun. bumabati lang po.
ayos sa galis ang madalas na pagligo at paghugas ng kamay. mainam rin na gumamit ng anti-bacterial na produkto pangligo.
tulad ng sulfur soap.
kamusta pareng angelito c fernandez? pinag uusapan ka nga namin parati dahil isnabero ka at ayaw mong makipagpakita sa amin. hehehe. naalala ko na sumulat ka rin sa kin almost 2 years ago. baka naman pwede ka ulit mag join sa mga get together namin?
ingat.
jay
magpakulo ka ng mga dahon ng bayabas at hintaying ito na maging maligamgam at langasin mo ang iyong galis ng mga dalawang beses.
hehehehehe… ngayon ko lang ulit narinig ang “dahon ng bayabas” at langas in one sentence. yan din ang ginamit ko nung tinuli ako.
Hehehehehe! Nice answer!!
pare pasensya na. medyo magulo ang buhay ko ngayon. naghiwalay kame ng misis ko kaya wala na ko sa bahay namin.lagi kase ako nag vovolunteer every weekend mag trabaho para makatulong pa rin maghulog dun sa bahay.as much as possible kase, ayaw ko ibenta nila yun bahay.kawawa naman kase yun young daughter ko.try ko maki join sa inyo as possible.thank you.ingat din kayo.
ok lang sir. ang aga mo palang gumising.
imbitahin ka namin sa next gathering para naman makita ka namin. isama mo ang anak mo.
tell me again…
bakit natin pinaguusapan ang galis dito?
hehehe…
Para kang si Oprah mylab. Sabi niya dati, they can make a show out of anything, even the bacteria that reside in kitchen sinks and toilets that don’t get scrubbed clean.
Ikaw naman, you can make a blog entry out of anything… galis or smegma. 😀
hello mylab. nawawalan na nga ako ng mga topic na pwedeng pag-usapan. hehehe.
mites po ang galis
hindi.
ang mites ay yung responsible sa pag kati.
galis=scabies