nagluto ako ng inihaw na hipon nung sabado. sinamahan ko ito ng grilled asparagus, tofu, ginisang spinach at toge. it was really good, if i may say so myself. perfect spring time weekend meal.
nagluto ako ng inihaw na hipon nung sabado. sinamahan ko ito ng grilled asparagus, tofu, ginisang spinach at toge. it was really good, if i may say so myself. perfect spring time weekend meal.
african-american asparagus ba ang sinahog mo? ang item! 😀
manong extra rice nga!!
hindi na kailangan ng kanin sa luto ko kasi puro gulay na yung sahog. and besides…
masarap ang asparagus pag inihaw at bagay na bagay sa hipon. no frills cooking pa – ilagay lang sa grill pagtapos hugasan ang that’s it.
e picture pa lang mukhang masarap na!! i-try ko ngang gawin… nagutom naman akong bigla!
sige. simple lang naman. bili ka ng pinaka sariwang hipon na makita mo. not too big dahil makunat yung sobrang malaki. pinoy size lang, ika nga. i-marinate mo muna sa olive oil, toyo (with less sodium), kaunting splenda na sugar sub, bawang, luya, paminta at saka mayron pa labanosmistisa.
kumsta kabayan jay.
almost a month ko ng binabasa ang blog mo and just wanna let you know na you make my day….meron na rin akong noong libro mo sana merong book 2 na darating…keep on blogging pare!!
maraming salamat rene sa KSA.
ok naman kami ni jet dito. sana ay ok kayong lahat diyan sa saudi. malapit nang mag summer kaya paghandaan niyo na ang matinding init.
ingat!
actually dito ako ngaun sa al baha banda ng assir region kaya nde namin nararanasan ang init dito..mas mataas pa ang elevation nito compared sa baguio saatin….sa atin daw sa pinas grabe ang init ngaun… gara naman ng picture ng niluto mo ginutom tuloy ako…..BTW okey ba yan sa tulad nating diabetic? god bless!!
sarap! that looks so good!
so kailan kayo pupunta sa big apple? sa summer naman!
hey rocker mama. the grilled shrimp is really really good. i don’t know why we haven’t done this before. jet and i are thinking of doing the trip in the fall so she can see the changing colors. it’ll be a big change from what we get here in the desert.
ok na ok sa diabetic basta kaunti lang ang kanin. less carbs more veggies and sea food. walang red meat at maraming exercise. yan lang ang sundin mo at hindi ka masyadong mamomroblema. ingat kabayan.
hayyyyyyyyyy…. kakainis… mahal ang dyipon, fafa. minsan lang kami ni bossing nakakapag-ganyan. 😦
pero now na summer na, pwede na ulit ang ihaw-ihaw. hmmmm.. makapagihaw nga ng tilapia nek weekend…
Ninaaaaaaaaang!
sale sa costco ang hipon kaya pwedeng pwede bumili ng pang ihaw. ok lang naman na mag spend ng a few extra $ pag healthy ang pagkain. binawasan ko na ang steak sa diet para hindi na ako mag mukhang siopao ulit. hehehe.
*lurker mode off*
sarap naman nyan! andyan lahat ng paborito ko!
hi lurker – masarap talaga ang grilled veggies and sea food. isda best!
Bosing, parang luto ni Bobby Flay ah. Nakakagutom! Hindi ba mataas ang collateral ng hipon?
hindi masyadong collateral yung nabibili namin dahil nalinis na ng mga amerikanong ayaw kumain ng ulo at haligi. at least healthier kaysa beef. buti na lang wala kaming gout – balita ko, lakas makapagpasakit ng paa ng hipon.
ambango. tapos ansarap. ang kulang na lang dyan beach, di ba? solb na solb na.
hay. iniisip ko na lang ang mga ganyang pagkain at ang dagat kasi maloloka na ako dito sa opisina.
hello jay at jet!
kanina pako naglalaway dito sa upuan ko….kung pwde lang akong lumamon ng hipon nagawa ko na kuya batjay….kaso dehins pwede allergic ako…nampitso
YUMMM! favorite ko talaga yang shrimp (along with lechon, tuna and crabs…aah, marami akong favorites, hehe).
sulit yung shrimps sa costco! we’ve been looking for good shrimp in our area for over a year now, and we just discovered last month that our local costco carries tiger shrimp from thailand. since wala kaming outdoor grill, we’ve been broiling it lang, but with basically the same simple recipe as yours, although we like to squeeze a bit of lemon as soon as we get it out of the broiler. sarap talaga! your picture made me want to eat some more shrimp!
ginutom ako sa hipon+asparagus… pero ano ba lasa ng inihaw na tofu?
lasang tokwa na inihaw kaya may barbeque aftertaste. it’s good with thai sriracha hot sauce. but make sure you use extra firm tofu, otherwise lulusot.
hey petite. ok nga ang costco shrimp – it’s not as fresh as what we get in south east asia but it’s really meaty and large enough to enjoy. jet normally cooks it sinigang style and this is the 1st time i used the grill. tama ka – dapat maraming lime (or lemon).
wala na akong allergy sa mga hipon dito sa america kaya kain ako ng kain ng seafood.
TINAAAAAA! perfect beach food – hipon na inihaw, adobong baboy, inigaw na bangus, white rice na mainit at manggang hilaw with ginisang bagoong.
parang ang sarap sa picture 🙂
mas masarap sa personal
padalan mo ko lol!
bili ka na lang sa palengke.
nakakapaglaway naman ang hitsura nyan. nakakagutom kahit kakakain ko lang! makapagdampa nga minsan he he … 😀
Hello Batjay, Bloghopping ako and stumbbled upon your site..pwede kita add sa Link ko??? Newbie po kasi ako sa blogging…haller!! Late bloomer sa internet hehehehe. Baka kasi di ko na makita next time…dami2 mong post…kukulanging ang isang araw ko hehehehhehe. Tnx.
thank you at good luck. sige lang sa paglink.
naglalaway din ako minsan pag may nakakatabi akong malakas ang putok sa train.
Namputsa – nagutom at naglaway ako noong nakita ko ang picture. Pahingi? Fedex mo akin. 😉
oo ba – padala ko sa iyo basta turuan mo akong mag long distance biking.
Matagal ako di nadalaw dito tapos pagkakita ko, pagkasarap-sarap ng putahe! Allergic ako sa hipon pero masarap talaga ang hipon kaya nagbabaon na lang ako ng Benadryl AH pag kakain ako nyan! Yummy recipe ha!! Baka pwedeng padalhan mo ko dito! Hehehehe!
Wow! Sarap naman! Marunong pala kayong magluto. Nice low-carb but delicious meal. Nakaka-inspire maggrill.
ang ganda ng shot! pwedeng pwede nang gamitin sa commercial ng silver swan soy sauce! hehe
binalatan mo muna ba at ni-devein ang hipon bago ni-grill?
punta kayo rito – pakainin ko kayo ng walang katapusang hipon.
Ang sarap talaga ng luto mo Pa. Yan lang ang lamang ko sa mga readers mo… they can look and look but I get to eat and eat… hehehe.
Suwerte ko talaga! 😀 Labyu!
sarap naman nyan…sarap pulutanin!
kaya lang mahal ang hipon…
paminsan minsan lang naman.
Hello mylab. basta ikaw – ipagluluto kita every weekend, if you want. lab U2.
Hello,
Sarap ng luto mo sir. May halong gulay pa na mahal yata yan. dapat dagdga ka ng brocolli