Jack the Rabbit and Weak Knee Willie

during the past two fridays, sumasali ako sa lunch time pick-up basketball games dito sa office namin. hindi ko nga alam kung bakit ko naisipan maglaro ulit after 20 years. siguro, gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kahit matanda na ako ay kaya ko pa ring makipag compete sa mga batang half my age.

ok naman at hindi ako napapagod agad dahil in shape ako ngayon. medyo sumasakit lang ang tuhod ko after the game at inaabot ng tatlong araw bago mawala. ganyan ata talaga pag middle age – kumerengkeng ka lang ng kaunti eh sumasakit agad ang katawan mo. but in the end, you let the pain remain for every throb it brings is one more moment… ah fuck it, napakanta tuloy ako.

28 thoughts on “Jack the Rabbit and Weak Knee Willie

  1. kailangan mo nga kasing magtatalon, kaya andun sa tuhod ang pressure. di kayo naglaro ng basketball dito sa gapore, bossing? every sat, laman ng court ay mga noypi.
    sa akin kapag sumakit ang kalamnan, swimming ang katapat bossing.

  2. oo nga – kita ko parati ang mga pinoy sa mga basketball court pag naglalakad ako around pasir ris. di lang ako makasali dahil ang hirap maglaro ng basketball sa singapore.

    una, sobra ang init. dito kasi kahit maaraw this time of the year, medyo malamig pa rin at hindi humid. ikalawa – nung time na nasa singapore kami, sobra ang bigat ko at para akong sanggol na elepante. ngayon, medyo nakakatakbo na ako ng normal dahil mahigit 40 pounds na ang nawala sa timbang ko.

  3. Tuhod lang ba ang masakit. Eh yong bewang.

    Ako di ko na kaya mag-basketball, tennis na lang ang pinagdidikistahan kaya lang pag kalaban eh mga bagets, napapaghalata na malapit ng maging forgets.

    Uminom ka lagi ng apple cider with honey at tubig, 1:1:1 ang timpla. Sigurado tanggal ang sakit ng tuhod at mga joints.

  4. Hi ankel (pede ba ako maki-ankel?). First post ko po ito. Three weeks ko pa lang napagsasamantalahan ang blog mo. Ang saya-saya. Andito po ako sa Singapore kya nakaka-relate ako dun sa mga older posts mo. Aliw na aliw ako kaya napabili ako ng book mo last weekend, umuwi kc ako sa Pinas. Kaya lang yun nakuha ko kopya sa NBS ay medyo luma na, pero binili ko na rin kc babalik na nga ako dito sa SG. Sinipat ko nga mabuti ang libro kc bka may nagdala na nun sa kubeta. Mabango pa naman, yun nga lang mukhang marami ng nkapagbasa nun ng libre. Medyo lukot na ang cover pero ok na rin. Ang mahalaga may kopya na ako. Tawa ako ng tawa sa eroplano habang binabasa. Huag kang magsasawa sa pagsusulat ankel, inspirasyon ka sa maraming OFW.

  5. nabigla lang siguro ang tuhod mo kuya dahil matagal-tagal ka ring hindi na nakakapag-basketball! hehehehe! i-kondisyon mo ulit ang iyong tuhod at kumain ng maraming balot… ay mali, wag pala marami at baka ma-high blood ka naman! 😀

    ingatz lagi! regards kay te jet! God bless!

  6. hindi nabigla rho. siguro, medyo weak na talaga dahil matagal nang hindi na gamit. but it’s better now – sa tingin ko ay nakatulong ang workout. miss ko na nga kumain ng balut kaya lang di ko alam kung saan dito pwede bumili.

    kantahan? gusto ko song and dance na pakembot kembot.

    tito rolly! gusto ko rin dati ng chess, kaya lang talo ako parati ng mga bagets sa talipapa. nakakahiya pag natatalo ka ng 5 year old kid when you’re in your 20s.

    bata pa nga ang 41, melay. lalo na rito sa tinitirahan namin. very active ang mga 40 something kaya hindi nakakahiya mag workout. mas maraming mataba kaysa sa iyo.

    hey binsoy, ofw na taga singapore. my kind of reader. maraming salamat sa pagdalaw mo rito. saan sa singapore ka nakatira? oo nga pala, maraming salamat sa pagbili ng libro. nakuha mo siguro yung version na pang browse. normally, balot sa plastic ang libro na binebenta sa mga bookstore. pabili ka na lang ulit at pirmahan natin pag nadalaw kami ng SG next year. huwaf ka rin magsawa sa pagbasa. ingat! jay

    apple cider and honey, myepinoy. hmm. sige – kaya lang di ako pwede sa honey dahil sa diabetes ko. medyo masakit din sa tuhod ang tennis. well, tuhod and elbow. sa akin at tuhod lang ang masakit, like i said, in shape ako ngayon kaya walang masyadong pain sa ibang parte ng katawan.

    lobatt nga siguro, katya. pero panay naman ang charge ko lately.

  7. sa office ng publisher – baka bigyan ka pa nila ng discount pag marami kang binili.

    Publishing Company: PSICOM
    Contact persons: Sarah Grutas
    Phone Numbers: 912-3085 or 911-3196

    Address:
    6 Yale St., Cubao, Quezon City, Metro Manila, Philippines

  8. Sir Jay sa may woodlands area ako stay. Been here for 8 mos pa lang. 2 copies lang ang naabutan ko sa NBS at out of stock naman sa Powerbooks sa Alabang. Binili ko na rin para may binabasa ako habang nasa MRT, nagmumukha nga lang tanga kc di mapigilan ang tawa, kahit mag-isa. Looking forward sa pag-visit mo dito, papabili ulit ako para mapirmahan mo. Regards po kay Mam Jet (feeling close hehe).

  9. ah malapit ka pala sa night safari. sige, kita na lang tayo diyan. malay mo, isang araw, pag bili mo ng gamit sa lucky plaza, makita mo akong nakatambay sa labas.

  10. kuya bat jay, makabili nga ng libro mo mukhang interesting…pugad baboy ba nabasa mo na? paborito ko si brosia… (“,)

    sa una lang po matsaket ang tirada sa basket, later on oks na yan…(fyi, bano po ako sa basket kaya hindi ako dapat paniwalaan hehe) pero madalas po akong manuod sa tibi at sa utol kong 5’11” ang hayt…

    badminton ngaun ang mga trip ng tao dito sa pinas kaya naman nakiki-ride on ako…pero masakit din sa mga buto buto…

  11. medyo ihihinto ko muna siguro ang basketball. sinabihan ako ng mga kasama ko sa pagtakbo na stick na lang daw ako sa pagtakbo. mas low impact daw ito. kanina nga, imbes na tumakbo at nag bike na lang ako papunta sa opisina. ipapahinga ko muna ang tuhod ko.

  12. nagba-bike pa din ba kayo? check n’yo yung height ng upuan ng bike nyo…baka kasi ito ang cause ng knee pain nyo at hindi basketball. actually, kung tama ang taas ng upuan ng bike nyo e mas makakatulong ito sa knee rehab nyo. ang tamang height? kung pumepedal ka…on the lowest point ng ikot…almost straight dapat ang legs mo.

    more power to you…and please keep writing…kwela talaga!

  13. salamat sa payo. basketball talaga ang dahilan ng knee pain ko. kaya nga ako nagbibisikleta ay para mawala ang sakit.

    at oo, sinukat talaga ang frame, pedal at upuan ng bisikleta ko sa aking height. naghintay pa nga ako ng isang linggo dahil inorder pa nila ang mga parts nung bumili ako nung 2005.

    more power din sa iyo at salamat sa pagdalaw

  14. hehehe… no to smoking, a partial yes on the caffeine. i take tea a lot in the office and that’s my fix. sometimes i take a cup or two of coffee during the weekends.

    during my smoking days, i used to be a pack a day, 10 cups of coffee guy.

  15. di bale, kahit mahina ang tuhod, pogi ka pa rin Pa… 😀

    tsaka with the kind of workout you do… what is it again? 10 steps a day?… I seriously doubt you’re weak-kneed willie.

    labyu!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.