awit ng sintunadong lasing series: dalawang cover version ng paborito kong kanta ni billy joel. si pareng billy siguro ay, pound for pound (parang si manny pacquiao no?), one of the best rocker lyricists ever. him and paul simon create the best lines.
Do not go gentle into that good night
bumalik na si mommy sa pilipinas kaninang tanghali. ang laki sigurong adjustment para sa kanya. una, yung panahon. winter dito ngayon kaya malamig. pag dating niya sa pilipinas, height ng “summer” at super duper humidy ang dadatnan niya. iniisip ko pa lang, pinag papawisan na ako. hindi naman kasi ako hot and humid kind of person. parati ko ngang sinasabi na pinanganak ako sa maling parte ng mundo. probably eskimo ako in a former life. oo, as in es-es-ki-ki-mo.
pero siguro ma e-enjoy naman ng mommy yung change ng klima. nahirapan din kasi siya dito sa lamig. mayroon ngang mga okasyon na ayaw niyang lumabas ng bahay at ang gusto niya lang gawin ay panoorin si oprah. niloloko ko nga siya – “ano ba naman kayo, mommy: pumunta kayo ng amerika para lang manood ng TV”.
sana makabalik siya agad dito.
Gamblers in the neon, clinging to guitars
mayroong romance sa pagbyahe dito sa america. ang kailangan mo lang ay mabilis na kotse, pera pambili ng gasolina at kaunting oras para bumyahe sa kung saan-saan. ang paborito ko itong mga nakaraang buwan ay ang interstate 5 na nagdudugtong sa southern california at san francisco. nasa bay area kasi tumambay ang mommy ko etong mga nakaraang buwan at doon ako parito’t paroon.
pag sinisuwerte, kaya ko itong imaneho ng mga anim na oras. pag minalas malas ka’t na traffic sa los angeles, aabutin ka ng walo.
The Kids are Alright
Oh, the streets of Rome are filled with rubble
work from home ako ngayon dahil may repairs na kailangang gawin sa bahay. apparently, may leak yung hot water line at tumutulo ang mainit na tubig sa ilalim ng sahig. ewan ko kung saan nagpupunta ang tubig – ang alam ko lang ay parang mini sauna yung pakiramdam ng dining room namin ngayon dahil mainit yung sahig.
naalala ko tuloy yung kwento ng mga kaibigan kong intsik: kaya raw masarap ang peking duck sa beijing ay dahil heated daw yung flooring ng kulungan ng mga pato. napipilitan tuloy gumalaw ng gumalaw ang mga ito dahil nga napapaso ang mga paa nila sa sobrang init ng sahig. ang resulta nito ay pecking duck na malasa dahil puro laman at walang taba kasi nga eh araw-araw ay mayroon silang exercise.
but i digress. nung makita ko kung magkano ang charge sa akin, bigla ko na namang binalak na maging tubero.
i am horny
dalawa ang parating sinasabi ng mommy ko sa akin nung araw pag nabubwisit siya sa kakulitan ko: una, tinutubuan daw ako ng sungay at pangalawa, tumatanda raw ako ng paurong. hindi ko naintindihan yung ibig sabihin ng pangalawa at lubos ko itong ikinatakot. akala ko kasi, yung pagtanda ng paurong ay yung pagbalik mo sa pagka baby at pagtagal ay pagpasok na muli sa pwet ng nanay mo.
nung bata kasi ako, malimit kong tinatanong ang mommy ko kung saan ako nanggaling. “sa pwet ko” ang parati niyang sagot.
Say for me that I’m all right
nabanggit ko na ba kung gaano na lang ang inis ko sa air travel dito sa amerika? hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap nilang itaas ang antas ng serbisyo (ayos ba sa tagalog? lalim no?) samantalang yung sa singapore, halimbawa: kulang na lang eh, halikan nila ang pwet mo sa sobrang pag asikaso sa iyo.
the years gone by like so many summer fields
tumakbo ako ng 8 miles (roughly 12.8 KM) papasok sa trabaho ngayon. ewan ko ba kung bakit patuloy kong pinarurusahan ang katawan ko. masarap naman kasi kahit masakit. mayroong exhilaration pag nakatapos ka ng mahabang takbo. runner’s high, they call it. pareho ito sa feeling ng well being na nararamdaman mo pagkatapos mong mag orgasm. and oh baby, you can’t fake a runner’s orgasm.
this month, nag celebrate ako ng 2nd year ko bilang isang runner. it’s been a great road trip so far. i’ve lost 40 pounds and gained back my health. not bad, considering na ang kapalit lang nito ay bagong running shoes every 3 months at kutis betlog na balat dahil sa sobrang pagkabilad ko sa araw.
Ester, Angela, Sarasota
huli kaming mag sama-sama ay nung 1987 pa. nung time na yon, 4th year college pa lang ako, isang uhuging 22 year old na walang kaalam-alam sa mundo. 43 years old na ako ngayong nagkasama kami ulit, uhugin pa rin at virgin, pero sa ilong na lang.
The Adobo King
narito kami ng mommy ko sa bahay ng ate kong si ester sa sarasota, florida, para sa isang mini reunion. well actually, a big reunion. 1987 pa kasi nung huli silang magkita. nagpunta kasi sa amerika ang ate ko pagtapos niyang kinasal at hindi pa siya nakakabalik sa pilipinas since then. mayroon kasi siyang fear of flying. matinding phobia, in fact. nabigyan ng visa ang mommy ko last year kaya siya na mismo ang dumalaw sa ate ko. masaya silang dalawa.



