work from home ako ngayon dahil may repairs na kailangang gawin sa bahay. apparently, may leak yung hot water line at tumutulo ang mainit na tubig sa ilalim ng sahig. ewan ko kung saan nagpupunta ang tubig – ang alam ko lang ay parang mini sauna yung pakiramdam ng dining room namin ngayon dahil mainit yung sahig.
naalala ko tuloy yung kwento ng mga kaibigan kong intsik: kaya raw masarap ang peking duck sa beijing ay dahil heated daw yung flooring ng kulungan ng mga pato. napipilitan tuloy gumalaw ng gumalaw ang mga ito dahil nga napapaso ang mga paa nila sa sobrang init ng sahig. ang resulta nito ay pecking duck na malasa dahil puro laman at walang taba kasi nga eh araw-araw ay mayroon silang exercise.
but i digress. nung makita ko kung magkano ang charge sa akin, bigla ko na namang binalak na maging tubero.
yan ang nakakainis minsan…yung tatawag ka ng mag aayos tapos malalaman mo na simple lang naman pala yung sira..saka mo maiisip sa huli na sana ikaw na lang ang gumawa…amen!
hindi simple yung sa akin.
manunubo ka na pala ngayon boss.hehe
Nangyari na rin sa akin yan. Rip off talaga. Taga sa leeg. Pero sa case ko wala akong magawa dahil kung ano-ano pang building codes na sinasabi. Daig pa sa overpaid na IT consultant.
Check… http://deocampo.homeip.net/deocampo/blogs/juns_blog/archive/2008/05/09/3680.aspx
sinabi mo pare.
tangina talaga ang bayaran ng plumbing dito sa amerika. akala mo, ginto ang nilalagay nilang mga tubo.
tubuhin mo na lang kaya sa ulo yang mga lekat na yan? haha! tubuhan pinoy style ang kelangan dyan.
poetic justice
Sir Batjay,
Buti naman po at naayos na.
Dito sa atin, yung mga nakikita mo sa poste na nakalagay TUBERO LEANDRO – CALL THIS # ay iba daw ang inooffer. =)
Ingat po kayo lagi. Avid reader nyo po ako.
PAL
ingat din sa iyo.
buti sahig lang ang umiinit..!
Katuwa naman po ito! Minsan ganito rin ako. Kapag sobrang mahal ng singil ng mga repair/service men ay nanghihinayang talaga ako at sana ay ako na lang ang gumawa. Kaya madalas ngayon bago ako tumawag ng tulong ay pinag-aaralan ko na muna dahil baka kaya ko na syang ayusin ng mag-isa. Libre pa. Hihi..
Bago po ako rito. Padaan lang po. Add po kita ha? ^_^
sige, mag aral ka ring maging tubero. malaki kikitain mo rito sa amerika.
dun sa explanation ng mga kaibigan mo ukol sa peking duck, bossing, yun na nga siguro kung bakit very tender ang laman nila. kundi ba naman, buhay pa e inuumpisahan na ang slow-cooking process nila.
note to self – “study plumbing” – possible job op in the states.
thanks bossing.
Isa sa malaking plumbing company sa Hawaii ay Pilipino ang may-ari… umpisa po siya sa maliit, umutang ng pambili ng van at parang starter kit sa plumbing (after nag-seminar op kors)… hanggang dumami kliyente… from small household problems hanggang sa siya na kumokontrata ng plumbing sa mga pinapatayong buildings, civil engineer po siya by profession kaya alam niyang mag-design, napasama pa siya sa list ng Filipino millionaires in Hawaii…. kaya talagang may kita sa pagiging tubero… tito ko po siya 🙂
hindi naman ako nagbibiro talaga. matagal ko na itong alam dahil parati naming pinag uusapan yung shortage ng trade skill sa current work force – in most first world countries, malaki ang demand sa skilled labor: plumbers, welders, masons, etc. dahil wala nang nagkakaroon ng hilig na gawin itong career.
in most cases, mas malaki pa ang kita nila sa white collar workers. i don’t mind being out in the field. it beats a day in the office anytime.
plumbers, tito rolly – big bucks talaga.
CBS: oo nga ano? kahit nasa kulungan pa lang yung mga pecking duck, parang nasa crock pot na sila.
sige na, magaral ka nang maging tubero. ipaghahanda kita ng baon pagpasok mo sa school. 🙂
yehey!
pre,`musta n,sana pumasyal ako dyan sandali para magawa natin tpos puede n tyong mag-inom ng 2 bote,ano kailan kayo papasyal dito ni Jet para maka punta tyo s Penang,may dpat pala kmi n i settle ni Leah s inyo n di namin naibigay dti nong ngpunta tyo s G.Canyon ,Ingat,Regards kay Jet
oo nga pre, sana tayo na lang ang gumawa. mayroon pang dry wall na kailangang i-plaster. gagawin ko ito sa free time ko.
di pa namin alam kung kailan pwedeng magpunta ng SG. daming binabayaran eh. hehehe.
‘Gandang umaga, Jay, at belated happy new year sa inyo!
Kung mag-aambisyon ang anak ko na maging tubero, siguro papayag ako. She’s only in second grade but I’m already thinking that it might not be a bad idea to encourage my daughter to pursue a trade (electrician, tubero, karpintero, etc.) dahil bukod na sa maganda ang suweldo, ito ang klase ng trabaho na hindi puwedeng i-outsource sa ibang bansa. (Pero kung gusto niyang maging engineer, doktor o abogado, okay din sa akin.)
Dito din malaki kita nang mga plumbers, electricians & other blue collar jobs. In recent years, mga Polish ang hinahanap nang mga tao dahil di daw mahal maningil, di pa barumbado.
May mga association dito yung mga ganyang work and if you prefer this from a degree, mag-a-apprenticeship ka dapat. Kaya nga pogiBoy ko ini-encourage kong maging “Bob the Builder”
😛
marami akong kilala sa NZ, UK at dito sa US na gustong mag job sa trade industry. i won’t mind being an apprentice to a master plumber.
hey classmate daisy. oo nga, pag gusto ng daughter mong mag trade job, that would be great too. baka mas malaki pa kita niya sa iyo. hehehe.