i am horny


dalawa ang parating sinasabi ng mommy ko sa akin nung araw pag nabubwisit siya sa kakulitan ko: una, tinutubuan daw ako ng sungay at pangalawa, tumatanda raw ako ng paurong. hindi ko naintindihan yung ibig sabihin ng pangalawa at lubos ko itong ikinatakot. akala ko kasi, yung pagtanda ng paurong ay yung pagbalik mo sa pagka baby at pagtagal ay pagpasok na muli sa pwet ng nanay mo.

nung bata kasi ako, malimit kong tinatanong ang mommy ko kung saan ako nanggaling. “sa pwet ko” ang parati niyang sagot.

15 thoughts on “i am horny

  1. unicorn, pero na sa likod ang tubo. heheh
    (airport ako ngayon bossing. nag-aantay ng plane galing atlanta, nahuli at me thunderstorm daw kasi dun)

  2. wow! bicolor ang sungay: white and red.

    hehe. ako rin, makulit ako nung bata ako. at ibebenta daw ako sa dumadaan na kung sino sino.

    magkano kaya ang presyo ko?!

  3. Ganyan din ang sabi ng Tatay ko sa akin pag may ginawa akong mali, “Tumatanda ka ng paurong!” Ngayong matanda na ako, parang gusto kong marinig yun kung ang ibig sabihin ay pabata ako LOL.

  4. unkyel, how about the expression “manang mana ka talaga sa pinagmanahan mo” sinasabihan ka rin ba ng mommy mo ng ganyan?

  5. Wala pang nagsabi sa akin na tumatanda ako nang paurong, pero for sure marami nang nagsabi na may sungay ako – though not to my face 😛

    Peborit na linya ni Nanay pag frustrated na sa akin e “magkakaugali talaga kayo nang Tatay mo” Well!

  6. Sa pwet ka daw lumabas? Yan ang kasinungalingang malapit na malapit sa katotohanan!

    Ako, gusto ko tumanda ng paurong now ngayong matanda na ko. hehe

  7. Hi! I’ve been a fan since my brother brought your book “Kwentong Tambay” at inilagay niya ito sa banyo. Usually kasi kapag naje-jebs ako, kailangan ko talaga ng may binabasa para kumbaga stress-free kpag lumabas si pupi. Narerelax kasi ako kapag may binabasa habang nagbabawas.

    Sobrang tawa nalang ako ng tawa kapag binabasa ko yung libro mo and ngaung nakita ko nadin yung blog mo sa net, more fun and laughter na naman toh!

    Nag-comment nadin ako since pwet naman ang pinag-uusapan dito. Ayun lang. HEHE.

  8. thanks very much for the comment. i apologize for the late reply, your letter fell through the cracks. i’m glad that you loved the book – please give my regards and thanks to your brother as well. salamat din sa pagdalaw mo.

    hanggang sa muli mong pagbalik, kaibigan.

    ingat.
    jay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.