Say for me that I’m all right

nabanggit ko na ba kung gaano na lang ang inis ko sa air travel dito sa amerika? hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap nilang itaas ang antas ng serbisyo (ayos ba sa tagalog? lalim no?) samantalang yung sa singapore, halimbawa: kulang na lang eh, halikan nila ang pwet mo sa sobrang pag asikaso sa iyo.

case in point ay yung experience namin ng mommy ko pauwi galing sa florida papuntang san francisco. pinaghalong kamalasan at katangahan. galing kami ng tampa at nag palit kami ng eroplano sa atlanta. naroon kami nang mag announce sila na may delay sa flight. inabot kami roon ng limang oras. sa sobrang tagal nga eh nakilala ko na lahat ng mga tindera sa mga shop at kainan sa loob ng airport. 

hindi pa natapos roon, two hours into the flight to sa n francisco, biglang nag announce ang pilot na magkakaroon kami ng emergency landing sa dallas, texas. bigla akong kinabahan dahil baka natanggal na yung isang pakpak ng eroplano at ngayon lang nila nalaman. it turns out, mayroon palang inatake sa puso. pag landing namin, kinuha nila yung lalaki sa likod at inabot pa kami ng dalawang oras bago maka take off ulit dahil kailangan pa raw pirmahan yung paper work. siguro, transfer ng liability documentation. 

nakarating kami ng san francisco, alas dos na ng madaling araw. sadyang ganyan ata talaga ang travel pag winter dito sa amerika: puno ng weather delay, heart attacks at kung ano-ano pang mga kakoplongan. parang action movie sa pilipinas.

may obserbasyon ako. sa tingin ko ang pagkakaiba ng serbisyo sa air travel sa amerika ay dahil dito, ang tingin nila sa eroplano ay parang bus – load, unload a vehicle that takes people to their destination. sa mga ibang lugar, tulad ng singapore, air travel is treated as an experience.

18 thoughts on “Say for me that I’m all right

  1. nakaka-miss nga ang sq, lalu na ang singapore sling nila. hehe.. mas matindi kung upgraded ka, galling!
    sabi ng isang puting kasama ko, yung pilot daw dito ay glorified bus driver.

  2. first time ko narinig yang bus analogy for passenger travel. tungkol sa cargo planes, narinig ko na. but i think it’s accurate. buti pa nga mga bus drivers dito sa may amin, maganda ang benefits at pay. eh, yung pilot at co-pilot ng “miracle on the hudson” plane may mga second jobs pa! appalling.

  3. Maganda talaga service nang Virgin at nang mga SEA airlines. Best experience ko was with JAL, sarap na nang food, first class service pa.

    I agree with you ka-BJ, sa US maiinis ka sa level of service. Pagminamalas ka pa, like my former officemate, may discrimination pa! The woman refused to give my colleague water and told him to get it himself from the spout next to the loo! Sarap supalpalin, which he did.

    Kwento ko lang, yung Cubana airline (going to Cuba saan pa) sobrang antiquated naman. Parang twilight zone, lahat nang pasahero couldn’t help but look around. Very roomy dahil halos walang facility at mukhang cargo hold. Pati nga staff mga oldies. PERO ok ang service maaasikaso sila. Since anak ko lang ang bata, after the flight they gave him all the sweets that weren’t used during the flight. 🙂

  4. buti na lang at sanay na sanay ka nang maglakbay at magsasakay ng eroplano, no bosing? KAwawa naman si mama mo. Sana e hindi siya nahirapan ng husto sa byahe.

  5. excited naman ang mommy ko sa air travel kaya hindi siya masyadong na apektuhan, bossing. mas pissed off pa nga ako.

    hey auee. cubana airline? ayos. naalala ko tuloy yung last trip ko sa canada. napansin ko, ang dami roong mga ads tungkol sa travel to cuba. banned kasi ang mga flights to and from the US pero mukhang boom ang cuba vacations sa canada.

    hi gail. napanood ko nga yung part ng speech nung pilot sa TV kahapon.

  6. Yah,…tha’ts why right now i’m planning to go in Korea specifically in jeju island it’s such a quite and clean place..You know it’s gives you a peaceful mind.

  7. hi unkyel, not that im always agreeing with you, but yes, you are right about your observation. kasi hindi naman ganito ang air travel dito in the early twentieth century or even earlier. not everybody can afford to fly. i remember seeing pictures of people who flew wearing really nice clothes, and t.v. commercials depicting stewardess(pa sila noon, ngayon pc – flight attendant) carefully attending the air passengers. now that even poor people like me can afford to fly para na ngang bus loading and unloading. you still remember when they served free meals on board, right?

    si Sully na rin ang nagsabi na airlines don’t pay their experienced pilots enough – even worst cut their pay. so, my chance of flying with less experienced and “not sufficiently” valued pilots may be high.

  8. hindi pa ako nakakasakay ng eroplano.

    wala pa rin akong passport!

    sige na nga, kung mag t travel ako, singapore muna! hehe. pero mas mura sa hongkong! balak ko nang kumuha ng passport next month, paano ba naman 23 years old na ako wala pa rin akong passport!

  9. This is from the BS PSYCHOLOGY thesis group from Ateneo de Manila University. We disseminated the online survey through questionspro.com about blogging and we received your response. We would like to extend our deepest gratitude to you for participating further in the blogging studies we are currently doing. We truly appreciate your cooperation and your support for making our thesis possible. If you wish to contact us, please email us at blogthesisgroup@yahoogroups.com

  10. haynakup…kamusta naman mom mo? enjoy naman siya kahit puro delay delay…kung ganon enjoy ka na rin…iba kasi ang lumipad at magtravel with someone you care…parang giving back …sila dati ang mag akay akay sa iyo…ngayon ikaw naman…

  11. oo nga pare ko. payback ngayon yung trip sa sakripisyo niya sa akin nung bata pa ako.

    ok naman ang mommy ko, enjoy niya ang air travel ng husto kahit mayroong mga delays.

  12. ayus yan kuya batjay, at least nakakabawi ka sa mommy u. ako di ko na naranasan yan since my mom passed away when i was still young. very fortunate kayo na nagagawa nyo yan sa mommy nyo. 🙂

  13. I never been to US kaya sana hindi ko ma experience ang ganung travel.
    Although sa europe, maganda ang services ng airlines kasi dito, stiff ang competitions between luftahnsa(german) airfrance/KLM/air Italia(french and dutch and italian )emirates (arab) british air by UK.

    pero yang sinagpore airlines, sabi nga maganda raw kasi ang travellers pampered. Althouhg it doesnt service in Nice France, kundi sa Paris lang.

    di bale, sa emirates na lang muna ako tyaga if uwi ng pinas, kasi yun ang pangmasa, hehe.Me tv siya each passenger, kaya oks na rin

    babalik ka pa ba sa florida, sn francisco after ng experience mo ?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.