You say you’ve seen seven wonders

pagbigyan na ninyo ako kung magyayabang ako ng kaunti, si paula yung naririnig ninyong magaling kumanta diyan sa video. she’s my niece and she’s really good. yung still picture na nasa video? hindi si paula yon. that’s corinne bailey rae, yung singer na kumanta ng like a star na ginawan ni paula ng cover.

maraming magaling kumanta sa angkan ni david. bawal kasi ang sintunado sa lahi namin. according to family lore, pagkalabas pa lang daw ng baby at nakita ng hilot o doctor na medyo wala sa hulog ang iyak, ibinabalik daw sa pekpek.

You’re my home

awit ng sintunadong lasing series: dalawang cover version ng paborito kong kanta ni billy joel. si pareng billy siguro ay, pound for pound (parang si manny pacquiao no?), one of the best rocker lyricists ever. him and paul simon create the best lines.

Continue reading

The pier lights our carnival life forever

isa sa mga paborito kong kanta ang “karanasan” ng maria cafra. perfect example ito ng mahusay na pag balasa ng lead guitar at drums na makikita mo paminsan minsan sa mga gawang pinoy. 1978 nung lumabas ito at kahit walang subtlety sa lyrics ay nagustuhan ko agad ang kantang ito. subtlety? yeah, right. sino ba namang 12 year old ang maghahanap ng subtlety sa isang kanta.

Continue reading

Marlon Brando, Pocahontas and me

nakikinig ako ngayon sa “rust never sleeps” ni neil young. all of a sudden i’m 13 years old and its 1979 again. music is a fucking time machine. it’s funny how memory works – naalala ko pa rin ang mga lyrics ng kanta, even if i haven’t heard it in 29 years. huli ko itong pinakinggan, first year high school ako at malapit nang maghiwalay ang mga parents ko. sanay na sanay na rin akong magjakol nung panahong ‘yon at nagsisimula nang magkaroon ng interest ang opposite sex sa akin. i remember everything.

Continue reading

Howlin’ Dave at NU 107

meet my brother, howlin’ dave. pinoy rock pioneer, original rockjock and NU 107 lifetime awardee. a lot of musicians and artists in the philippines owe their fame to him. he has gone through a lot and now he’s back on the air.

catch howlin’ dave at NU 107 every sunday, 5 to 6 PM. ang pangalan ng show niya ay “Tapsi Rock”. it’s the best rock show in manila. i’m saying this not because he’s my brother. he just puts a lot of intelligence and class in his radio program. i know. i’ve looked up to him ever since i was a small uncircumcised boy.

pag tumawag kayo sa station to make requests, sabihin ninyo nanggaling kayo rito. he’ll get a big kick out of it.

Wake me up when September ends

eto ang current playlist ko ngayong lingo ng april habang naalala ko ang daddy at mommy ko, habang binabalikan ko ang panahon nung lumalaki ako sa barrio talipapa, habang iniisip ko ang buhay ko at habang punong puno ng pagmamahal sa asawa ko.

Continue reading

Never Missed a Beat

liverpool 8 ang pamagat ng bagong labas na CD ni ringo starr. yung title song ay typical ringo: simpleng musika at parang grade 1 ang gumawa ng lyrics. malayo ito sa sophistication ni lennon at melodyfic genius ni mccartney pero malakas ang appeal nito sa akin. kanta kasi ito ng isang taong nagse-senti dahil umalis siya sa bayang mahal niya para sundan yung tulak ng kanyang puso.

Continue reading

Sundown, yellow moon, I replay the past

nag record ako ng cover ng “If you see her, say hello“, dedicated sa lahat ng mga member ng SMAP. galing ang kantang ito sa “blood on the tracks” masterpiece ni dylan na punong puno ng kasentihan. halos lahat ng mga kanta sa plakang ito ay tungkol sa heartache, dala ng paghihiwalay nilang mag-asawa nung 1974. pero kahit tungkol sa sama ng loob ang mga kanta ay marami pa rin ang nag enjoy sa pakikinig nito. isa na ako roon.

Continue reading

In the darkness there’ll be hidden worlds that shine

nanood kami ni jet ng concert ni springsteen sa LA memorial sports arena nung monday. i must say, it was the best concert i have ever seen and i have seen a lot. simula lights out at opening song, nakatayo na kami at nagsasayaw. ibang klase rin si springsteen pag live. it’s a thousand times better than listening to his CDs or watching the band’s DVDs. he brings out a concert atmosphere that is really unique. you have to be there to feel it – it’s electric. ayan, sa sobrang excitement ko ay napa ingles tuloy ako.

Continue reading