isa sa mga paborito kong kanta ang “karanasan” ng maria cafra. perfect example ito ng mahusay na pag balasa ng lead guitar at drums na makikita mo paminsan minsan sa mga gawang pinoy. 1978 nung lumabas ito at kahit walang subtlety sa lyrics ay nagustuhan ko agad ang kantang ito. subtlety? yeah, right. sino ba namang 12 year old ang maghahanap ng subtlety sa isang kanta.
produkto lang naman ang isang kanta ng kanyang kapanahunan. ginawa ito nung jeproks era of the late 70’s at nung panahong iyon, medyo iba pa ang style ng pag gawa sa lyrics ng mga kantang pinoy. it was more direct and in your face.
libong pagkabigo
di ko kinatakutan
alam kong ito’y
bahagi ng karanasankaranasan
sa pakipag kaibigan
karanasan
sa pakipagsapalaran
when all is said and done however, ang “karanasan” ng maria cafra ay kanta pa rin na magbibigay ng kasiyahan. listen to the song and pay close attention to the drum roll and resty’s great lead guitar – surprisingly, it still holds up well after 30 years.
ang galing naman. At age 12 you appreciate guitar crying and drum rolls. Talagang musically inclined.
kaya pala,di maganda ito for accoustic,kasi ang timpla ng kanta kelangan ng drumbeat at saka palng mababalance pag pumasok din ang guitar.
sa bahay namin nung lumalaki ako, walang tigil ang musika.
oh Sandy! ๐
hello mylab – i too love sandy. it’s a great great song. here’s bruce with danny, singing sandy one last time.
gusto ko sa kanila yung kuwago song
kuwago song?
babalik ang kuwago? ang kwago sa dilim? haha
yung koro is : dadalhin tayo sa paraiso, sa pugad ng langit (o lawin ba yon)? ang lahat ay magkapatid pantay pantay lang walang lamangan
pagbabalik ng kuwago.
anak bayan ang pangalan ng banda, si edmund fortuno (AKA bosyo) ang drummer, composer at vocalist.
You know, I’m reading your book again.
It’s different if youre reading it in the Philippines and if youre reading it away from home. I’m away from home now.
I’m glad that I know you.
๐
oh i thought it was maria cafra.
out of topic….kwento ko lang nagawi ako BROS MUSTACHE sa Timog….na-tiyempuhan ko si Wally Gonzalez at Pepe Smith naki- jam…..mahusay….I think regular performer sila dun….di ko lang alam ang saktong schedule nila….pag balik mo sa pinas sana magawi ka rin doon…
mabait yang si wally – isa siya sa mga nag organize ng benefit concert para kay dante. di siya nag atubili na tumulong. sige pre, punta tayo roon.
hey nica, how ya’ doing? do you miss home? don’t worry, you’ll find that being away gets easier when you start to get busy. ingat.
maraming magandang awit ang Maria Cafra ni Resty Fabunan .nasa rock n roll heaven na rin ata ang kanyang utol na kasama niya sa banda. dalawang album din ang nagawa ng grupo iyong una halos lahat okay mayron pang makabagbagdamdamin na awit ang “KAPALARAN” .Pag narinig mo ang awit ng Maria Cafra parang ang sarap balikan ang pagiging kabataan, simple lang ang buhay nun 1978…
hanggang ngayon naalala ko pa rin ng lyrics ng kapalaran ng maria cafra. great slide guitar in this song, btw.
yung title galing sa “sandy” ni the boss, tama ba? nakalimutan ko na kaya matanong na kita, maria cafra ba tumira ng “exodous”? medyo folk kasi ang gusto ko nung bata pa ako. more on asin, banyuhay ang pinapatugtog ng mga tiyuhin ko aside from the classic rock staples kung tawagin ngayon.
sandy ni the boss. tama, isa sa mga paborito kong kanta.
oo, maria cafra ang nag adopt ng rock and roll version ng exodus. hindi ko alam kung sino ang original pero alam ko may version nito si pat boone.
hanggang ngayun hindi ko pwedeng takasan ang panahon ng pinoy rock kung saan naging masigla ang aking kabataan at pagkahilig ko sa mga tugtugin nila. Hanggang sa ngayon sa edad na 50 ay patuloy pa rin akong nanonood ng mga gig nila, at nakakausap ko na sila ng harapan. Hindi tulad noong mga concerts na malayo lamang namin sila makita dahil sa murang tiket lang kami nakapwesto. Pero sapat na yun na marinig namin ang mga umiiyak nilang gitara at dumadagundong na tambol! Pepe,Wally,Mike,Resty,Heber,Florante, Lolita, at ang mga olongapo bands ng dekada 70, how i wish na sana isang pagbabalik sa natatanging new moon concert sa siglo 2000! Bilang tribute na rin sa mga rakerong pinoy sa rakenrol heaven!
makinig kayo sa 105.9 FM etong Sunday, 12:00 to 3:00 PM. guest rock jock ako sa pinoy rock and rhythm. kasama ko si Mr. A. ito nga pala ang inyong abang lingkod, si Barking Jay, ang batang kapatid ni Howlinโ Dave. hehehe.
PS โ para sa mga wala sa pilipinas, pwede kayong mag tune in sa live stream ng http://www.rjplanet.com/