Sundown, yellow moon, I replay the past

nag record ako ng cover ng “If you see her, say hello“, dedicated sa lahat ng mga member ng SMAP. galing ang kantang ito sa “blood on the tracks” masterpiece ni dylan na punong puno ng kasentihan. halos lahat ng mga kanta sa plakang ito ay tungkol sa heartache, dala ng paghihiwalay nilang mag-asawa nung 1974. pero kahit tungkol sa sama ng loob ang mga kanta ay marami pa rin ang nag enjoy sa pakikinig nito. isa na ako roon.

ewan ko kung ano ang dahilan kung bakit malakas ang appeal ng “blood on the tracks“. siguro, mayroong parte ng katauhan natin na natutuwa kapag nakakarinig ng kamalasan ng ibang tao. nung sinabihan si dylan tungkol sa patuloy na popularity ng plakang ito, he was quoted to have said –

“A lot of people tell me they enjoy that album. It’s hard for me to relate to that. I mean, it, you know, people enjoying the type of pain, you know?”

di masyadong maganda ang version ko pero pwede na ring pag tiyagaan, kung gusto ninyong intindihin ang ibig sabihin ng lyrics.

kung napapanood ninyo ang californication: sa episode #5, pinayo ng character ni david dochovny ang kantang ito sa anak niya nung first time itong naka experience ng heartbreak.

nung una ay quote galing kay keats ang pinayo ni dochovny pero humirit ang anak niya ng “is that the best you can do, dad? how about something from this century.” hence, the dylan song as fatherly advice.

i love it when shows on TV reference lines from songs i like.

18 thoughts on “Sundown, yellow moon, I replay the past

  1. If you see her, say hello, she might be in Tangier
    She left here last early spring, is livin’ there, I hear
    Say for me that I’m all right though things get kind of slow
    She might think that I’ve forgotten her, don’t tell her it isn’t so.

    Copyright © 1974 Ram’s Horn Music

  2. maganda pa rin boses mo bosing. Nung 70’s hindi ko nagustuhan masyado si Dylan. Maybe that’s because I listen to the tune than I listened to the lyrics. Liittle did I know what a great songwriter Dylan is.

  3. oo nga sir, para sa maraming mga pinoy, parang wala sa tono ang mga kanta ni dylan kung siya ang kumakanta. in fact, maraming mga tao na mas gusto yung blowing in the wind version ng peter, paul and mary kaysa doon sa original.

    blood on the tracks is one of the best he’s ever produced kaya nga lang it’s all about heartache and loss.

  4. Never really cared much for Dylan (as a singer) but loved his lyrics. In fact, your version is much easier on the ear 😉

    Ang tanda ko noon mababa na yung boses mo pero mukhang bumaba pa uli – siguro kasabay pagbaba ng palitan ng peso-dollar. Buti na pickup pa rin ng microphone mo yung mababang frequency.

    Oh btw, yung hissing sound… parang tunog ng lumang LP – very classic.

  5. bwehehe. thank you pare.

    oo nga, mas mababa pa sa current dollar-peso exchange rate. kinanta ko ata ito na bagong gising ako kaya mas mababa sa normal. sabi nga ng teacher ko dati na si miss leyson, para daw galing sa ilalim ng lupa.

    sabi ko – “parang galing sa impyerno ma’am?”

  6. let me put it this way… I love Dylan for the songs he writes… that make you want to sing the songs you love

    that was a really nice cover Pa. 😀

  7. he he he…..ala na laos na pre…..may bob dylan selection dun sa eroplano nung pauwi ako……dun ko napakinggan yung mga kanta nya…..galing……

  8. buti may selection ni dylan sa flight. bihira ito mangyari kasi nga hindi masyadong sikat ang style ng pagkanta ni dylan. lumabas ulit yung greatest hits niya this year, yon siguro ang narinig mo sa eroplano.

    alam mo, dapat may house band tayo sa reunion next year para makapag jamming tayong lahat. ang daming banda sa batch natin, siguradong masaya ito.

  9. wow! beautiful voice and really nice song! applause and standing ovation pa…

    lol @ galing sa ilalim ng lupa…

    Happy Holidays to you and all the gentle and not-so-gentle readers 🙂

  10. noted pare…..sa meeting i-discuss ko sa grupo at sisiguruhin ko na may in-house band….he he he…..

    KLM pre yung plane….galing nga ni bob dylan……totoo yung sabi mo…. sa hindi masyadong music lover eh hindi magugustuhan ang style ni dylan, yung greatest hits nga nya yung album…

    advance merry xmas to you and jet…….

  11. meron na atang nag-paparent ng band instruments kasama na din ang ampli, speakers etc…..check ko….

    nasa pinas ulit ako pre….next year na ulit ang byahe….sakto lang at dito ako magspend ng holiday season…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.