sabi ko nga ba, mangyayari ito sooner or later. i blame my fucking erratic brain cells na pakiwari ko ay unti-unti nang nag re-retire. in fact, ang pinaka worry ko, now that i’m over 40, ay nagiging ulyanin na ako.
nung nagbisikleta kasi ako papasok sa opisina nung lunes ay nakalimutan kong magbaon ng pantalon.
buti na lang at may dala akong t-shirt at sports socks. hindi kasi bagay rumampa sa opisina ng naka cycling shorts, itim na medyas at long sleeves. buti na rin lang at dito nangyari ito sa california. wala kasi kamng dress code at pwede kang pumasok ng nakabahag kung gusto mo (as long as may dala kang panangga at mahabang itak, hehehe).
kung sa singapore ko nakalimutan magpantalon, malamang pinauwi ako ng di oras.
hahaha, pinsaya mo na naman araw ko bossing! gulat ko nung bumulaga sa akin si dubya, mukhang nakalimutan din magdala ng pantalon.
mahilig din kasing mag bisikleta si dubya.
buti na lang at may dala kang t-shirt at sport socks…:)
spare workout clothes. may gym kasi sa opis at nagbubuhat ako pag lunch time.
Naku, kelangan may extra damit ka na sa office from now on.
Ang sipag mo rin pala hanggang ngayon sa pag-exercise.
Healthy eating pati (re:asparagus). Keep up. I hope thanksgiving was great.
kuya jay,
boto niyo ko ha sa Voice of McDonald’s.
regards kay ate jet.
hi keng. oo, pinamalita na ni jet sa buong kabarkadahan na pinoy bloggers.
i do have spare clothes in the office. kaya nga siguro nakalimutan kong magdala ng pantalon. nasa isip ko ay mayroon pa akong spare pants sa locker ko eh wala na pala.
mala-tom boonen goes to office! men in lycra are hot! LOL. J/k! or maybe not! i mean the joke part!
women in spandex are hot, too. well certain women at least.
..”buti na lang at may dala akong t-shirt at sports socks.”….
Wow. Nadaig mo ako. Nangyari na rin sa akin eto pero at least naka-lycra shorts pa rin ako. Ikaw “shirt at sports socks lang”!!! Hindi ko ma-imagine. :0
oo pare, ginaya ko yung red hot chili peppers sa wastong pag gamit ng sport socks.
Kuya Batjay:
It happens to everyone across all ages maski na routine pa natin sya. Things like these happen so that we will learn from it. And not let it happen again.
At chaka, mas makulay ang buhay pag may mga ganitong pangyayari sa bawat araw na binibigay sa atin ng diyos.
Wag kang mag-alala Pa… lagi naman akong nandito para ipaalala sayo na magdala ng pantalon…
Wag ko lang makakalimutan 😛
thank you mylab. ipapa alala ko sa iyo na ipaalala mo sa akin pag nakalimutan mo.
na-aamazed at na-aamused ako sa sense of humour niyong mag-asawa. nakakatuwa lang pag nababasa ko yung palitan niyo ng komento.
ang ganda. ang ganda ganda. salamat.
thank you. ganda na, may ganda ganda pa.
ingat at good luck din sa inyo,