habang nakikpagtsismisan during lunch, nabalitaan ko na yung isa sa mga kakilala kong lalaki ay umiihi ng paupo. bwakanginangyan, you learn new things everyday even if you don’t want to.
Category Archives: CALIFORNIA
Is equal to the love you make
ang isa sa pinakamagandang parte ng araw ko ay ang pagbisikleta ko pauwi. ngayong patapos na ang winter ay medyo humahaba na ang mga araw at hindi na masyadong madilim sa kalsada. malamig pa rin pero di na masyadong maginaw. pag umihi nga ako ngayon ay nakikita ko na ang titi ko. maganda na rin ang panahon. in fact, itong mga nakaraang araw ay sinasalubong ako ng makukulay na sunset.
Push the fader, gifted animator
may bagyong parating ngayong linggo. habang sinusulat ko nga ito ay pumapatak na ang ulan sa labas. sa mahigit dalawang taon namin dito ay ngayon lang bumuhos ang ulan ng ganito. buti naman. pero hindi siya kasing lakas ng bagyo sa pilipinas. pag sinasabi nga ng mga weatherman dito na may bagyo, natatawa lang ako. kadalasan kasi, ang ibig sabihin nito ay malakas lang na ambon. kung ihahambing nga sa bagyong pinoy, parang ihi lang ito ng sanggol na may balisawsaw.
Tubero
buo na ang new year’s resolution ko. actually isa lang naman: mag-aaral akong maging tubero itong darating na 2008. bakit ba ito ang napili kong gawin itong bagong taon?
Blood on the Tracks
ang mga benefit ng pag sali sa mga blood drive ng red cross:
- makakatulong ka sa mga nangangailangan ng dugo
- bibigyan ka nila ng libreng t-shirt, sticker, inumin at pagkain pagkatapos mong mag donate
- libreng blood test kaya malalaman mo kung may side effect yung hindi mo pag gamit ng condom nung nakipag sex ka sa mga callboy na nakatambay sa quezon memorial circle.
- sasabihin nila sa iyo ang blood type mo kung hindi mo ito alam.
Who’s the leader of the club?
eto ang mangyayari pag nagkaroon ng nuclear holocaust at nag crossbreed ang radioactive genes ni jose rizal at mickey mouse
Harry Truman, Doris Day, Red China, Johnnie Ray
maraming salamat sa lahat ng mga nagtatanong tungkol sa safety namin. heto ang kwento ko tungkol sa sunog dito sa OC:
malakas na ang kutob ko nung tumakbo ako nung linggo ng umaga na may mangyayaring masama dahil iba kasi ang dating ng santa ana winds. mas malakas ito kaysa mga previous occurrences at parang bagyo yung force ng mga gusts. sunday ng mga 6 pm nang nagsimula ang sunog which would eventually become the notorious santiago fire of orange county. yung bahay namin ay malapit lang sa perimeter ng sunog. in fact, yung apoy ay less than 2 miles away lang at its closest approach. pag gising nga namin nung monday ni jet, amoy usok sa loob ng bahay. south bound ang direction ng hangin kaya hindi tinamaan ang bahay namin ng apoy. but it came really close.
Where my love lies waiting silently for me
pagkatapos ng dalawang taon na pag rent ng apartment ay lumipat na kami ni jet sa mas permanenteng tirahan. oo virginia, bumili na kami ng maliit na bahay dito sa california. sa sobrang liit nga ay nung makita ito nung daga na gusto sanang makitira sa amin ay nag decide na lang itong umalis dahil natatakot siyang magkaroon ng panic attack dahil sa claustrophobia.
So I jumped on the fence and yelled at the house
ang world famous sign sa interstate 5 papuntang san diego. kinuhanan ni jet ang picture na ito nung nagpunta kami sa carlsbad. ang ibig sabihin ata nito ay “WARNING: illegal mexicans crossing“. marami kasing mga tumatawid dito sa freeway na mga galing sa kabilang bakod kaya nilagay ang sign na ito.
Out in the streets of a runaway American dream
nag enjoy ako ng husto sa race for the cure nung linggo sa newport beach. sumama rin si jet kahit galing sa duty kaya tuwang tuwa ako. sabi sa balita, mahigit 30,000 daw ang pumunta roon para mag raise ng cash para sa breast cancer research.


