Push the fader, gifted animator

may bagyong parating ngayong linggo. habang sinusulat ko nga ito ay pumapatak na ang ulan sa labas. sa mahigit dalawang taon namin dito ay ngayon lang bumuhos ang ulan ng ganito. buti naman. pero hindi siya kasing lakas ng bagyo sa pilipinas. pag sinasabi nga ng mga weatherman dito na may bagyo, natatawa lang ako. kadalasan kasi, ang ibig sabihin nito ay malakas lang na ambon. kung ihahambing nga sa bagyong pinoy, parang ihi lang ito ng sanggol na may balisawsaw.

ang maganda lang pag may bagyo ng winter ay napupuno ng snow ang mga bundok na nakapalibot sa southern california. masarap tingnan dito sa kapatagan habang naka t-shirt ka lang at shorts. ito yung panahon dito na pwede kang mag swimming sa beach ng umaga at maglaro ng snow sa bundok ng hapon.

mas maganda sana kung may snow din sa pilipinas ‘no? kung naging state lang tayo ng amerika, eh di sana may snow na tayo ngayon.

22 thoughts on “Push the fader, gifted animator

  1. Today was a “you can have it all”, weather-wise sa atin diba? Sa umaga, bright and crisp, slightly warm but not hot. Sa afternoon medyo overcast, slightly cooler — pero OK pa maglibot o maglaro sa labas. Tapos tonight, rain naman — nice to stay indoors, stay under the covers, and do whatever makes you happy. 🙂

    Miss you and Jet na!

  2. Tama ang sabi mo, sa California ang bagyo ay bale wala. When I first arrived here from ‘Pinas, the weather bureau reported a powerful storm coming up. I kept waiting for the storm – nakalampas na pala hindi ko man napansin. Nothing like the storms we have back home, isn’t it?

  3. oo nga mr batjay, nung destino ako ng Sandiego nong nasa Navy pa ko, ang ulan pala doon misty di katulad dito sa ten na ang lalaki ng patak!

  4. omg, naligaw yan…dapat dito sa amin and punta niyan 🙂 Grabe, we are still in severe drought status…the sun is out shining today. Cold pero nice. We want water!! 🙂

    naku mungo weather, jay!

  5. oo nga. we do need the rain over here as well so it’s really welcome even if it means i don’t get to bike to work. but carolina needs some too. malapit na bang mag rationing? or has it started already.

  6. hehehehe ganun ba yun? kapag naging state ng merika ang pinas e magkaka snow din? naalala ko yung sinabi ko sa isang pinoy sa guam sabi ko mag coat sya, pinagtawanan ba naman ako.hehehehe malay ko ba? kasi US e akala ko winter din sa kanila lol!

  7. ..kaka inggit naman talaga ang weather d’yan..dito extreme..pag summer sobrang init halos umaabot ng 60C..pag iniwan mo nga yong tubig sa labas pwede ng timplahan ng coffee…tapos pag winter naman sobra din ang lamig, last week nga nang mag snow sa baghdad, nag -3C dito.

    ..pag umulan naman, na paminsan minsan lang..sobra rin, pati desyerto binabaha….at pag panahon ng sandstorms ang hangin ay kasing lakas naman ng bagyong signal number 3 sa pinas…..

  8. unkyel, na miss mo yung bagyo nung dec 05? medyo hawig sa mahinang signal na bagyo sa pilipinas( nakalimutan ko na ang ibig sabihin ng mga signals, yung 3 ba ang mas mahina?). diniclare nila ang state of emergency dito sa norcal. nagoverflow ang russian river tapos binaha ng napa river ang st. helena. i love it when it rains. i stay home and cuddle with my kids and watch tv. =)

  9. Hope your morning commute was okay, Jay…

    Naalala ko tuloy noong nasa air force ako (circa 1989); I was attending tech school at Keesler Air Force Base in Mississipi at kakaumpisa lang ng rainy season doon. Magfo-formation sana kami sa labas, tinanong muna sa akin ng instructor kung umuulan na. Dahil umaambon pa lang (at sa mga Pinoy malaki ang pagkakaiba ng ambon sa ulan), ang sago ko ay “No sir.” Sumilip tuloy si instructor sa labas ng pintuan, at binanatan tuloy ako ng “Airman, if this isn’t rain then what is?!” Sinimulan kong ipaliwanag na kung saan ako nanggaling, ang precipitation ay nagiging ulan lamang kung ang tubig ay abot na sa tuhod mo, but it only fell on deaf ears.

  10. hey classmate daisy. nag kotse ako ngayon. lakas ang ulan nung paalis na ako at ayokong mag risk mag bike ngayon. tatakbo kasi ako sa huntington beach surf city marathon next sunday. punta kayo para may cheering squad ako.

    signal #3 ang malakas at sarado lahat ng opisina at school. signal #4 yung magtago ka na sa pinanggalingan mo.

  11. may meeting ako ng 5-6 mylab. mga 7 na ako makakauwi. sarap nga matulog, kanina muntik na akong makatulog ulit pagka gising ko. naiinggit kasi ako sa iyo dahil nakabaluktok ka sa loob ng kumot.

  12. ayos, pwede kang magtampisaw sa yelo. eh di pano ang pagtakbo at pag bike mo? nahinto ba? ako, tigil ang bike simula nung thursday last week dahil walang hinto ang ulan. clear na ata ng kaunti kaya bike ako bukas.

    wow. sarap nga noon sir rolly. kahapon, habang umuulan, kumakain kami ng salpicao ni jet. tapos nagluto rin ako ng adobong spare ribs at ginisang mushroom. di kasing ok ng talbos pero pwede na rin.

  13. nung dumating ako ng newnan ga, mid of jan, ay nag-snow din pero dalawang araw lang. sabi, last daw nag-snow ay mga 3 years back pa.
    tapos this week asa texas ako para sa site survey namin, akala ko lang ang klima, ang lamig din pala.

    buti diyan sa cali bossing malapad daw ang bike lane, wala niyan sa georgia. walang public transpo pati.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.