Harry Truman, Doris Day, Red China, Johnnie Ray

maraming salamat sa lahat ng mga nagtatanong tungkol sa safety namin. heto ang kwento ko tungkol sa sunog dito sa OC:

malakas na ang kutob ko nung tumakbo ako nung linggo ng umaga na may mangyayaring masama dahil iba kasi ang dating ng santa ana winds. mas malakas ito kaysa mga previous occurrences at parang bagyo yung force ng mga gusts. sunday ng mga 6 pm nang nagsimula ang sunog which would eventually become the notorious santiago fire of orange county. yung bahay namin ay malapit lang sa perimeter ng sunog. in fact, yung apoy ay less than 2 miles away lang at its closest approach. pag gising nga namin nung monday ni jet, amoy usok sa loob ng bahay. south bound ang direction ng hangin kaya hindi tinamaan ang bahay namin ng apoy. but it came really close.

CellPhonePics-127

nabanggit ko previously na kakalipat lang namin ng bahay. yung pinanggalingan naming apartment ay nasa foothill ranch at ito ang tinamaan ng husto. nag-aalala nga ako sa mga kaibigan namin na naiwan doon, lalo na si lolang masarap magluto na nasa ibaba ng unit namin. hindi kasi siya marunong mag english.

nalaman ko rin na nag evacuate yung apartment na tinirahan namin nung lunes. to think na two weeks ago lang ay dito kami nakatira. hindi ko alam kung ano ang gagawin kung pinag evacuate kami. ayoko kasing matulog sa shelter dahil nahihiya ako na may makakarinig sa hilik ko.

sarado ang opis namin simula pa nung lunes dahil sa safety concerns dala ng sunog at ash fall. pag lumabas ka sa kalsada, sasakit ang lungs mo at mata. makapal pa rin ang usok at mahirap huminga. pakiramdam mo nga ay gusto mong kumain ng dinikdik na butiki dahil para kang sinumpong ng matinding hika.

nalaman agad ng mga imbestigador na may gagong (o gagang) nagsimula ng sunog dito sa amin. tanginangyan, sana mahuli ang bwakanginang ‘yon. sana galisin siya at hindi gumaling ang mga sugat. sana magkaroon siya ng ikatlong suso. sana tubuan siya ng betlog sa noo. sana lumipat ang kilay niya sa ilalim ng mata.

pag nahuli ang taong ito, ipapatali ko siya sa labas ng city hall para lahat ng dumaan at pwedeng pumitik sa ilong.

30 thoughts on “Harry Truman, Doris Day, Red China, Johnnie Ray

  1. salamat pare.

    ok lang kami ni jet dito. medyo mausok lang sa labas at hindi ko alam kung makaka takbo ako this week. alam mo naman na ito lang ang pinakagamot ko sa diabetes dahil wala akong iniinom na meds kaya medyo worried ako.

  2. Hi jay,

    I’m glad both of you are ok. Konting tiis lang at
    mare-resolve din ‘yan kahit paano…
    Take good care of your wife and yourself always…

    Always praying for your safety…

  3. KB – Thanks for checking up on us, I can’t tell you how much comfort your concern has given me (especially since at first walang tao dito sa bahay tapos magsarili naman ako ngayon). It’s so wonderful to know that if this ever happens again or if the winds return and blow the “wrong” direction (knock on wood), I have someone nearby to run to.

    And although peace lover ako and all dat…sana mahuli yung p*tang*nang arsonist na yan. BITAY!!!

    PS: I know your office has a workout room, pero if you need a full gym, let me know OK?

  4. woohoo. i’ve been thinking about going to the full gym you’ve suggested. covered naman ng company ang cost nito and i am seriously considering it. mayroon kasing branch dito malapit. oo nga – bitay dapat. pwede pa bang burning on the stake ngayon?

    hi osang. thank you sa concern classmate.

  5. Tawag rin ako sa friend ko dyan, they can see the sunog from where they are at pero okay naman din sila. Good to know okay ka rin, kahit di tayo personal na magkakilala-kayo ni Jet.

    Seriousness aside, tayong pinoy lang ang makakakita ng bright side palagi sa mga situation na ganito ( what else can we do but to poke fun at the situation) alagay naman umiyak ๐Ÿ™‚ pwede rin pero after that what?

    Bilib lang ako sa FEMA this time at sa Homeland security- ang bilis ng response at ibang iba ang scenario from Katrina- sayang lang at di na pwedeng mag run si Bush, kung nagkataon baka maboto ko sya sa galing ng reaction ng government sa pagtulong. Doon sa sira ulo na nag start nito tubuan sana ng boils lahat ng part na katawan nya, at bawat putok ng boils uod sana ang lumabas.

  6. I’m glad you guys left before the fire happened. Sabi sa news nahuli na yung ungging na nagsimula nang apoy.

    Pwede kayang pasuin yun paunti-unti paulit-ulit? ๐Ÿ˜›

    Anyhu, medyo nakahinga ko talaga nang maluwag na di kayo nadawit ni Jet. Lagi na lang may wild fire dyan.

  7. hindi pa nahuhuli. nasa $250K na nga yung reward para sa nagsimula ng santiago canyon fire sa OC.

    hindi naman FEMA at homeland security ang nag respond agad. yung local at state govt ang mga first responders together with the firemen and women with the local volunteers.

    oo, ligtas na ligtas.

  8. Glad to hear you’re both fine. I’ve been following the news (kinda hard not too, it’s all over) and when “Foothill Ranch” kept coming up I thought of you guys right away.

    Isn’t fate and serendipity amazing? We really never know what’s going to happen in two weeks or whenever. I hope your friends from old ‘hood are ok too.

  9. Glad to know you guys are safe. I feel sad for those who cannot rebuild their homes after this horrible fire and for the ones who died. I hope too that they arrest the arsonist and throw them in burning coal. Let them taste their own medicine.

  10. that’s when i hope FEMA and the federal govt would come in – to provide financial aid to those whose houses burned but don’t have any insurance.

    hey PJ2. all over is correct. i was in foothill ranch yesterday while on the way to the office and the fire has moved away already. there is still a mandatory evacuation order in effect but i think it’s safe to stay, which is good for our previous neighbors. the air quality still sucks though but that’s the least of our worries.

    thanks for the concern.

  11. Jay,

    Sorry at ngayon lang ako nakadalaw ulit. Natutuwa ako sa balitang ligtas kayo ni Jet. I had been away on a seminar (tatlong araw ng paksang “7 Habits of Highly Effective People”) at wala akong dalang laptop, kaya hindi kita nakamusta hanggang ngayon. (Obviously hindi kasama sa 7 habits ang madalas na pagdalaw sa Internet pag-uwi at ang maagap na pangangamusta sa taong muntik nang masunugan ๐Ÿ™‚ )

    Sa totoo lang ay nasa isip ko kayo, pati na ang pinsan kong taga-San Diego (wala pa silang tatlong taon sa bahay nilang malapit sa fire line). Fortunately her house was spared too. Dalawang bagay ang dapat mangyari: una, mahuli ang arsonista at pakainin sa buwaya. Pangalawa, maging proactive ang state (o county o property owner) sa pag-asikaso ng natutuyong vegetation sa mga fire-prone na lugar bago sumapit ang susunod na summer. (Stepping off soap box for now.)

    Sige, magpahinga na kayo at hopefully luminaw ulit ang hangin para makatakbo ka. (Umabot sa Long Beach yung maabo at amoy sunog na hangin, kaya alam namin kung gaano kalubha ang sitwasyon ninyo.) Peace out…

  12. hey classmate daisy.

    nagpunta nga ako kanina sa huntington beach para tumakbo. sarap kahit paminsan minsan lang na pumunta roon. actually umalis din ako nung monday dahil may company event sa vegas. marami kaming taga irvine at foothill ranch na nakabantay sa news. marami ang umuwi ng maaga. kasama na ako roon.

    sana huminto na ang apoy. kaya lang balita ko ay tumawid na papuntang riverside. ibig sabihin, mas magiging long term ang santiago canyon fire dahil mas malaki na ngayon ang scope.

  13. Sir Pim!

    musta na diyan sa bukid? BWEHEHEHE. kung di sunog, bomba, lindol, volcano at kidnap naman ang haharapin sa pinas. miss ko na kayo diyan sa mount apo.

    regards sa lahat ng mga pocholokoy.

  14. I’m very glad to know that you and Jet are safe. I was away for a while kaya ngayon ko lang uli nabasa itong site mo. It’s sad to know that the police are now on the manhunt for people suspected of starting some of the fires. There are times talaga na hindi natin maintindihan as to what drives people to do the harmful and evil things that they do. Stay safe, guys.

  15. inexplicable is the right word. what i know is that there are people who are really screwed up inside.

    thanks for the concern. it still stinks outside but the santiago fire has moved to the other side of the saddleback mountains. i hope my friends in riverside will be safe.

  16. Hi pareng batjay, simula ng magkasunog dyan, nagsimula kami ng kasama kong singles for christ dito na mga-fasting at magdasal para sa mga pinoys dyan sa california. mabuti at ligtas kayo ni jet. pero wag pa rin magkaroon ng false sense of security. maghanda ka ng tuna at salmon para pag lumapit uli ang apoy, make smoked salmon at tuna. parang if life gives you lemons, make lemonade, di ba? bwehehehee! Keep safe, be safe… ๐Ÿ™‚

  17. I’m just glad that it’s all over and that you guys are okay. Double blessing din naman at wala na kayo dun sa dati ninyong tinitirhan at hindi kayo tinamaan diyan.

    Bakit kaya me mga gagong ganyan sa mundo no?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.