Blood on the Tracks

ang mga benefit ng pag sali sa mga blood drive ng red cross:

  1. makakatulong ka sa mga nangangailangan ng dugo
  2. bibigyan ka nila ng libreng t-shirt, sticker, inumin at pagkain pagkatapos mong mag donate
  3. libreng blood test kaya malalaman mo kung may side effect yung hindi mo pag gamit ng condom nung nakipag sex ka sa mga callboy na nakatambay sa quezon memorial circle.
  4. sasabihin nila sa iyo ang blood type mo kung hindi mo ito alam.

kakatanggap ko lang ng sulat galing sa red cross. nagpasalamat sila sa akin sa pag donate ko ng dugo nung october. kasama rin sa sulat ang red cross ID card ko at isang set ng magnet bilang consuelo de bobo. nalaman ko rin sa wakas kung ano ang blood type ko. it’s “O+”, if you care to know. “O” as in Oh my God wala akong hepatitis, HIV at tulo.

later this morning, pupunta ulit ako sa red cross para mag donate. wala lang. gusto ko lang ibalik, in my small way, yung swerteng dumating sa buhay ko. sa madaling salita, imbis na sama ng loob ang contribution ko sa sangkatauhan eh dugo na lang. magdo-donate din sana ako ng isang bilaong puto kasama ng dugo ko eh kaso wala namang mabibili rito.

sana makatulong kahit papaano ang pag donate ko ngayong umaga. makahulugan ito para sa akin. i will turn 42 this month and instead of receiving, i choose to give.

20 thoughts on “Blood on the Tracks

  1. Way to go mylab! I am not at all surprised that you would do this. All your life you have been the one giving… to me, to friends, most of all to your family. And I know that we have been so blessed because you have always lived your life as a blessing to others.

    Only one among the many, many reasons why I love you so. πŸ™‚

  2. thank you mylabopmayn.

    i just got back from my blood donation. ang sakit ng nagtusok sa akn. gusto ko ng sapakin. hehehe.

    i did like the idea of giving blood. very fulfilling para sa akin.

  3. at isa pa, malalaan mo din kung nararapat na ang lipitor para sa cholesterol level mo. madali naman atang mapaltan ang nawalang dugo (is it the marrow doing this?) kaya ibig sabihin pag madalas kang mag-donate e merong ka pirming youngblood kahit di ka nagsusulat sa inquirer mwehehe.

  4. naka apat na litrong tubig na nga ako simula kanina. hinihintay ko kung may libreng shot ng whiskey. wala. nung araw ata pag nag donate ka ng dugo, may libreng alak. oo nga, hindi mo na kailangang mag murang kamatis dahil parati kang may youngblood everytime nag donate ka ng dugo.

  5. alam mo fafajay, frustration ko yang magdonate ng blood. di kasi ako makapasa-pasa sa testing eh. low blood ako. dati nung kelangan ng sister ko ng dugo, nagvolunteer ako kasi pareho kaming blood type pero bagsak ako sa test. kainis.

  6. unkle, i’m touched by your kindness, and unselfishness. wow, i have goose bumps. thank you for sharing your act of kindness. you made me reflect on how ungrateful i could be.

  7. thank you. i started donating and doing benefits when i moved here. mas madali kasi rito sa california, there are events all over at hindi mahirap maging generous.

    it’s harder in the philippines kaya ang naging priority ko nung doon pa kami nakatira ay ang pamilya. i think that’s where your charity should start – at home.

  8. Yung kumuha ng dugo mo–may pangil ba, at nakasuot ng itim na kapa?

    Seriously, kudos to your civic-mindedness (which all the vampires of the world appreciate, I’m sure)!

    I tried to donate blood noong nasa service ako (circa 1989), but they took my weight and considered me “underweight” and had to turn me away. I guess I can’t use that excuse anymore, hehehe!

  9. ang naging problema ko lang po noon na may kinalaman sa blood donation, bilang bagitong volunteer ng Red Cross, ay noong kabitan ko ng “Give Blood” sticker ‘yung bahay at kotse ng kapitbahay naming Jehovah’s Witness. ayun. XD

    pero maganda raw po ang regular na pag-donate ng dugo dahil nababawasan raw ang dami ng kung anuman ang inilalagay na lason sa dugo. hehe.

  10. hey kapitbahay gigi. type O+ ka rin pala. oo nga universal donor. i just got a letter from the red cross again, BTW, they say this coming christmas, they expect a shortage of type O blood. i’m glad i did donate last weekend.

    ingat!

  11. Hey, Batjay, I have this crazy theory to explain kung bakit feel na feel mo ang mag-donate ng dugo. Siguro dati kang bampira sa iba mong past life (that is if you believe in the theory of karma & reincarnation). Siguro marami kang nabiktima noon kaya ngayon pinagbabayaran mo ang mga sinipsipan mo ng dugo noon. Mwahhaha. Haay…wala lang, wag kang maniniwala sa akin, kulang lang ako sa tulog at sa dugo ngayon. πŸ™‚

    But I commend your charitable nature, bossing. Cheers, mate!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.