Thank you Lord for my big mouth

inimbita kami ng pamilya nina ceci for thanksgiving.  tulad ng ginawa nina eder at leah sa amin ni jet sa singapore, ang pamilya ni ceci ang umampon sa amin dito sa amerika at umalalay sa amin ni jet since coming off the boat 3 years ago. kaya nga pag may okasyon, tulad ng thanksgiving at pasko ay naroon kami sa kanila at nakikikain.

The Kare-Kare Chronicles, Part 4

actually, naka dalawang luto si eder ng kare-kare nung one week na dalaw nila ni leah sa amerika. una, rito sa california at ikalawa sa las vegas nung dinalaw namin ang kaibigan nilang si pareng egay. twice in one week – record ata ito sa akin para sa pagkain ng ox tail.

wala naman akong magawa kasi hindi ako nakakatanggi pag may nakaharap sa aking kare-kare at bagoong, kanin at malamig na sopdrink (preferably diet pepsi with lime) na may yelo. tao lang naman ako na may puso, damdamin at tiyan ng isang pinoy na sabik para sa pagkaing nakalakihan niya sa perlas ng silanganan.

The Kare-Kare Chronicles, Part 3

ano ba naman ang masama sa ox tail kahit malapit ito sa puwet? wala naman. sa katunayan, masarap ang ox tail, lalo na kung rekado ito sa kare-kare. pag pinakuluan mo ito ng matagal, nagiging malambot siya at malasang malasa. perfect counter point sa ginisang bagoong.

Continue reading

The Kare-Kare Chronicles, Part 2

para makaluto ng kare-kare si eder, sinadya namin ang mga asian store dito sa irvine. hindi naman kasi typical ang mga rekado nito. buti na lang mayroon nang ready made na kare-kare mix na nabibili ngayon dito. pero nilalagyan pa rin niya ng peanut butter dahil kulang daw ang dating kung mix lang ang ilalagay. bumili rin kami ng pechay, barrio fiesta na bagoong at ox tail.

iba na ngayon sa amerika. mayroon nang tinitinda na mga animal parts na dati-rati ay hindi pinapansin ng mga amerikano. dahil sa paglaki ng asian population dito, natututo na rin silang kumain ng ulo ng isda, utak ng baboy at in the case of the kare-kare, buntot ng baka.

The Kare-Kare Chronicles

nung nagpunta sina eder at leah rito last week, ang isa sa mga wish ni jet ay magluto si eder ng kare-kare. wala kasi sa aming dalawa ang marunong magluto nito. ayaw naman naming matuto dahil baka magluto kami nito parati at magka highblood ng tuluyan.

masarap magluto si eder. typical na makikita sa pinoy na gumagalaw sa isang environment na kailangang marunong kang magluto para makakain. kadalasan nakikita ko ito sa mga OFW at mga taong nasa construction industry or in the case of eder, both.

suwerte rin si leah dahil mayroong nagluluto para sa kanya ng pagkaing pinoy. napaka importante nito, lalong lalo na sa mga tulad nating mga wala sa bayang magiliw na pilit inaabot ang pilipinas kahit sa panlasa man lang.

Mr. Pogi and Mr. Mas Pogi


halloween 2008. first time kong nag costume ever since dumating kami rito sa amerika 3 years ago. hindi na ako nahihiya magsuot ng nakakatawang damit ngayon. patunay na nga yata na patuloy na ang americanization ng batang kaning lamig. kasama ko sa larawan ang kaopisina kong si pat. batang california pero yung mga magulang niya ay taga dumageute via hawaii. english lang ang alam niyang salita pero pinoy to the bone. mahilig kumain ng adobo at tulad ng maraming mga filipino, marunong din siyang mag mr. pogi pose.

We are legion

sabi sa business world:

“There are around 200 million migrants around the world, eight million of which are Filipino overseas contract workers. The Philippines ranks fourth in terms of remittances received from overseas contract workers. Remittances, which represent around 10% of gross domestic product, are expected to reach $16.6 billion this year.”

ang dami na palang OFW nakakalat sa kung saan-saan, no? walong milyon – wow. that’s almost 4 times the population of singapore. at $16.6 billion in remitances: ang laki na pala ng abuloy ng mga OFW sa bayan. kaya nga lang, hindi naman napapakinabangan ng pilipinas ang talent (lalo na yung talent ko sa pagjakol). ang panaginip ko nga, kung pwede sana umuwi na tayong lahat sa pilipinas para mapaganda natin ang bayang magiliw. pero sa ngayon siguro pipe dream lang ito dahil malamang gutom lang ang abutin natin. tangina naman kasi yung mga ibang naiwan doon, kung bakit kasi sobrang garapal.

Indios Bravos

ang pinaka importanteng nawala nung lumipat kami rito sa amerika ay yung authentic OFW experience. iba kasi ang feeling ng tutuong overseas filipino worker, say sa singapore kaysa sa isang immigrant sa california. nung nasa singapore kami, mayroong “us against them” na drama sa buhay namin. kahit ano kasi ang gawin mo, pinoy ka pa rin sa isang banyagang lugar. kahit na tinatanggap ka kasi ng bansang umampon sa iyo with open arms ay sinisigurado pa rin niya na banyaga ka pa rin. pakiramdam mo tuloy, para kang kulangot na biglang ipinahid sa pader. pero para sa akin, mayroon itong biyaya: yung feeling ng non-acceptance ay nagpapataas sa pinoy pride.

Continue reading

Leon Guerrero


maraming mountain lion sa paligid ng opisina namin. in fact, dito nangyari yung infamous attack doon sa dalawang bikers nung 2004. yung last sighting doon sa trail na tinatakbuhan ko tuwing lunch time ay nung may 21st. no big deal – kailangan lang naman ay alam mo ang gagawin in case na may makita kang mountain lion sa paligid.

  • una: dapat hindi ka tatakbo kahit gusto mo dahil yung paboritong pagkain ng mga lion ay yung mga hayop na mahilig tumakbo.
  • pangalawa: make yourself appear larger than you actually are – kung may dala kang bata, put the child on your shoulder. if you’re with your wife, climb on your wife’s shoulder.
  • ikatlo: kung ginawa mo ang una at pangalawang tip ay inatake ka pa rin ng mountain lion eh kailangan mo nang makipagbasag ulo sa kanya. in short, if attacked – fight back.

ang mountain lion attack tips na ito ay hatid sa inyo ng birchtree holland powder milk, ang gatas ng dalagang ina.