Indios Bravos

ang pinaka importanteng nawala nung lumipat kami rito sa amerika ay yung authentic OFW experience. iba kasi ang feeling ng tutuong overseas filipino worker, say sa singapore kaysa sa isang immigrant sa california. nung nasa singapore kami, mayroong “us against them” na drama sa buhay namin. kahit ano kasi ang gawin mo, pinoy ka pa rin sa isang banyagang lugar. kahit na tinatanggap ka kasi ng bansang umampon sa iyo with open arms ay sinisigurado pa rin niya na banyaga ka pa rin. pakiramdam mo tuloy, para kang kulangot na biglang ipinahid sa pader. pero para sa akin, mayroon itong biyaya: yung feeling ng non-acceptance ay nagpapataas sa pinoy pride.

pero iba rito sa amerika. success means having to assimilate. yung assimilation is a sublte but sure process. first you watch their tv and listen to them talk. then you wake up one day, bigla mo na lang na realize na mayroong ka nang bagong vocabolary: “yeah right”, “what the fuck”, “uh huh”, “cool” (my personal favorite). and then after a while longer, whether you like it or don’t, you adopt the american way of life. by then, it’s already too late to go back because you’ve already gone native. ayokong maging assimilated sa amerika pero mahirap itong pigilin.

resistance is futile.

26 thoughts on “Indios Bravos

  1. may assimilation din kasi na kailangan para maka-survive ka dito. e kung pupunta ka dito at wala ring mangyayari sayo dahil lang sa hindi ka maka-adapt, parang sinayang mo lang ang pagkakataon di ba? iba naman ito dun sa medyo pilit ang pag-assimilate. gaya ng pagsabi ng ‘what the hell’ e puwedeng puwede naman sabihing, ‘ano ba yan?’, lalo na kung lahat naman ng nakapaligid e nakakaintindi ng Tagalog.

  2. Ang kadalasang ipinagyayabang ng Canadian ay dito “cultural Mosaic” instead of being “melting pot”.

    Siguro naman totoo. Pero hindi ko maikakaila na sa tagal ko rito, may mga bagay na dapat mong pakibagayan na makakapagpadali sa buhay mo. Gaya nga ng sinabi nyo, yung vocabularyo. Sanay ang mga edukadong baguhang pinoy sa Classroom english – magaling pero, sa daily conversation medyo awkward. Malalim mashado. Kailangan masanay yung conversational.

    Ang isa pang halimbawa na dapat medyo pakibagayan ay yung humour. Malaking bagay yung magamay ang humour para sa camaraderie sa ano mang sining na napasukan dito.

    Buti na lang, kahit sanay na ako sa Canadian humour na in between sa british at kano (in terms of dryness daw) andito ang blog nyo para hindi ko malimutan ang patawang pinoy.

  3. hi unkyel! to me, i don’t think you’d ever be anything but a true filipino in america. you live and breathe like any other true californian. if i know you any better and if you’re already registered yourself to , id say you probably vote democrat because you have assimilated to their culture and share a lot of their interests…..and to agree to disagree….may be….

    when i was sixteen, it was awfully hard because i was in that age where not only im trying to find out who, what am i, and at the same time where do i belong in this effed up equation…probably the same thing a typical teenagers go through, but here i was removed from isabela trying to figure out how to fit in the visitation valley area, yipes. it was tough. so yeah, i know what you mean when you say you start saying the words everybody else says. i still am the girl from isabela. only i don’t say ceremony like saying serrated knife or say the L in salmon l

  4. hi unkyel! to me, i don’t think you’d ever be anything but a true filipino in america. you live and breathe like any other true californian. if i know you any better and if you’re already registered yourself to , id say you probably vote democrat because you have assimilated to their culture and share a lot of their interests…..and to agree to disagree….get involve in good causes, raise awareness of issues in the community…and di blah di blah…..so you become a local.

    they are more accepting here so you share your culture. you will always find ways to celebrate it and also celebrate theirs. that is actually one of the things i miss about CA. i miss CA.

  5. Ang isang katangian nating mga pinoy ay ang galing nating mag adapt. Parang mga puno ng kawayan kahit anong lakas ng ihip ng hangin ay hindi ito kayang baliin, yuyuko lamang ito sandali at pagkatapos at tatayo muli. Saan ka makakakita ng bansa na ang kanyang mga anak ay marunong magsalita ng Mandarin, Fukien, Italian, Arabic, Niponggo, Russian, German, English, Ilokano, Bisaya, Waray, Kapampangan, Tagalog, Manilenyo pati na salita ng mga bakla etc, etc…. Dahil para tayong damong ligaw na kahit saan itanim ay pilit na tutubo at mamumunga. Nakakalungot lang isipin na ang iba sa atin ay nakakalimot tumingin sa kanyang pinanggalingan. Nagpapanggap na nalimot na pati pagsasalita ng Pilipino. Pero kurutin mo at maririnig mo silang magsalita ng ” aray! “

  6. tol,

    what i know based on experience is that wherever a filipino goes to live, start a family or have a career in any part of the world he will always be a FILIPINO lalu na kung Philippines born siya. i don’t think you nor the other pinoy who is now an american citizen will ever forget his/her roots. i will never be happy waiting for my last day on earth in a nursing home. would you? so, when the time comes no way but to return to motherland which i believe you and all the other pinoys will do (well, most if not all).
    for now, enjoy and make the most of what your adoptive country can give you. that goes also to all the other pinoys in every country on this earth.
    happy holloween to all!!!!

    regards (as usual)…….bong

  7. Ako rin din! Mayroon din akong muni muni na pag mashado na akong matanda at uugod ugod, hinding hindi ako magpapakabulok sa nursing home. Napasok na ako doon. Amoy na lang ayoko na. Amoy… abandonment, kung may amoy ang abandonment ganun siguro amoy.

  8. dito sa experience ko sa Japan iba. iba ang treatment sa Filipino, lalo na kung babae ka. kse ang tipikal na trabaho dito ng babae ay entertainer o talento. kaya kahit nagtratrabaho ka sa pabrika, ang iba lalo na mismo kapwa mo filipina, ang tingin sa iyo ganon ang trabaho mo. hay buhay…ayoko kagawian ang buhya dito lalo na ang hindi paliligo at pagsisipilyo ng karamihan. hay…

  9. Madali ang “assimilation” sa US para sa mga pinoy na migrante. Dahil sa atin palang “bombarded” na tayo ng kulturang kano. Mula sa pananamit, sa pelikula, sa musika at edukasyon. Dagdagan pa ng utak nating kinikilingan at hinahanga-an ang ano mang bagay na banyaga. Kaya mas pabor sa pinoy ang makisalamuha sa mga katutubo ng US kaysa sa ibang asyanong migrante. Kung ikagaganda o ikasasama ba ito ng indibidwal, hindi ko alam.

  10. Hi Idol Batjay! Nung nandito ka ba sa Singapore, sumagi ba sa isip mo na magpa-convert ng citizenship? Wala lang, may officemate kasi akong Pinoy dito na nagpa-convert na to Singaporean. Andami palang benefits din. I’m actually considering it. Kaso ang mahirap lang, ‘yung ideyang tatalikuran mo ang pagiging Pilipino mo. If ever, kailangan ko palang mag-memorize ng bagong National Anthem. *LOLz*

  11. nung nasa singapore kami? hindi. mahirap kasi at matagal ang process para sa mga pinoy. mas madali though na maging PR. pero may kaibigan kami ni jet na naturalized singaporean na pinoy – si leah at ang family niya. nung 1970’s pa kasi sila naroon.

    BV: bombarded ng kulturang kano. oo nga, minsan nagugulat sa akin yung mga kasama kong amerikano kasi mas marami pa akong alam sa kanila tungkol sa musika nila.

    qubeley: gayahin mo yung stlye ng kaibigan naming si sachiko. thriving pinay sa japan and she’s done really well

    SD: ayoko rin pumunta sa nursing home kaya pag oras na hindi ko na kayang alagaan ang sarili ko, babarilin ko yung sarili ko sa ulo habang patalon sa pasig river na tiyempong may dumadaan na speed boat.

    BA: return to motherland? sana.

    bandido: magaling nga mag adapt ang mga pinoy. parang kawayan talaga.

    mye: 3 years pa lang naman kami rito ni jet kaya wala pa sa isip namin yung citizenship much less to register and vote. but yes, mas liberal siguro ang views ko kaysa sa average pinoy.

  12. Permit me to be bold enough to claim that we’ve got the same wavelength… I was just thinking about this last night.

    Minsan kasi di ko na mapigilan magsalita sa ingles. Karaniwan tag-lish na salita ko. Nahihirapan na kong mag-isip minsan nang common na Tagalog words or minsan parang hindi ko ma-express mabuti yung point ko… otherwise malalalim (read: corny) na tagalog word ang masasabi ko na para namang overkill.

    I was just thinking last night, pag umuwi ako nang Pinas next year (attempt #infinity) pag nangyari ito (english) baka isipin nang iba ang yabang ko. Pag nagTagalog naman ako nang malalim, ang weird-o ko…

    re: feeling alien
    Alam mo I rarely feel out-of-place here in England… but when I do get discriminated against, talagang nakakapag-init nang ulo. Minsan gusto kong sigawan yung tao na “ul*l Briton ako”.

  13. common yata talaga yung alienation pag nasa ibang lugar ka, lalo na kung bago ka pa lang. at common din yung feeling ng inappropriateness pag nasa pilipinas ka at bigla kang nagbitaw ng mga english buzzwords.

  14. Yes, resistance is futile. Although we never cared for turkey, the last thanksgiving dinner we had (among friends and family)– merong kaming tatlong klase ng turkey. Three families brought turkey — iba ibang style ng luto. Actually, puede na sanang chicken — kaya lang Canadian da daw kami, eh.

  15. Ako rin di ko na rin mapigilan, sa araw-araw ba namang kasama mo sila talagang magagaya mo sila. Dati yokong kumakain ng salad nila, pero ngayon gustong gusto ko na..

    Cool! (lagi ko na rin ‘tong nagagamit) tsk. tsk.

  16. comment ng kaopis mate ko kanina ang lalim daw ng tagalog ko, sabi ko kasi iba ang dating ng mensahe pag tagalog, napipilitan lang naman akong mag english dahil kasama ko mag lunch intsik at saka el salvadoran. siguro ang isa kong naadap ky kumain ng salad weird pa nga ang salad ko kasi buffet style so mixture of lettuce avocado cherry tomatoes, pineapple, kiwi at mango at medyo iwasan na ang pilipino foods dahil ayaw kong maging fan ng lipitor at ang pangalawa ay maging straight to the point, kasi ang pinoy pag may sinasabi palaging nagpapaligoy ligoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.