ano ba naman ang masama sa ox tail kahit malapit ito sa puwet? wala naman. sa katunayan, masarap ang ox tail, lalo na kung rekado ito sa kare-kare. pag pinakuluan mo ito ng matagal, nagiging malambot siya at malasang malasa. perfect counter point sa ginisang bagoong.
nakakatawa sa opisina, pag kinukwento ko sa mga kasama kong amerikano na kumakain ako ng ox tail, parang nandidiri sila. siguro yung visual ng buntot ng baka na nambubugaw ng langaw ay masagwa sa kanila. pag nakikita ko na medyo squimish ang mga kinukwentuhan, lalo ko pang ginagatungan.
sinasabi ko rin na mahilig akong kumain ng chicken ass. bukod doon, idadagdag ko, kumakain din ako ng sisig na may utak ng baboy, balot, menstruation dish (dinuguan), paa ng manok, ulo ng isda, sawa, bayawak (it’s a lizard kako sa kanila, only bigger) at oo nga pala, nakakain na rin ako ng aso.
siyempre para mas may audience impact, sasabayan ko pa ito ng tahol. ARF!
dito sa qatar lang din ako nakatikim ng ox tail bulalo. yun nga ang peborit ko kaso iwas na rin dahil sa gout. hehehe. =D
may nilagang buntot din sa indonesia, malaysia at singapore. paminsam minsan, inoorder ko ng lunch. sop buntut (buntot soup) – yummy!
yung bulalo naman ay tulang ang tawag nila. bulalo ng kambing.
masarap nga ox tail na bulalo. pero parang diretso sa puso ang effect.
may chicken ass daw ba na available dito? naghahanap kami. π
hi jet!
try mo sa mga kapinoyan na lugar (west covina, cerritos) baka sakaling may chicken pwet.
nyahahaha! what about pusit? parag d rin yata feel ng mga kano ang squid.
i pusit to the limit. ngyehehe. mahilig sila sa fried calamari – squid na may batter that’s deep fried. yung kinakainan nami ni jet, inka mamas, they have great calamari.
paminsan minsan pag nag fishing yung mga kasama ko sa opis, may nagbibigay sa amin ng squid steaks.
Favorite ko rin ox tail. Isa yan sa mga “cholesterol fix” ko π
Pare – nakatikim din ako ng Civet Coffee last weekend. Medyo nasuka lang ako noong nakita ko yung picture ng unprocessed beans. Pero sa totoo lang masarap siya.
Sabi ng opis mates ko disgusting daw.
hehehe. narinig ko na yang civet coffee. sana makabili ako rito.
ano ba yang civet coffee at bakit nakakasuka ang beans niya?
Pa, healthy eating tayo for now hanggang bago magpasko para may paglagyan ka ng cholesterol from the noche buena, ok? hehehe π
sige mylab. gulay lang araw-araw para pwede tayong mag pig out sa holidays.
civet coffee – yung coffee beans ay ipapakain sa civet (it’s like a wild cat). tapos kukunin yung ebs niya at gigilingin.
oh yeah… na-encounter ko na nga yang civet animal na yan, fineature nung isang taga-pansitan sa blog niya… may alaga ata siyang ganyan. pero hindi ako ganyan ka-adventurous ha. wag mong maluto-luto yang civet coffee na yan sa coffee maker natin π¦
sarap!