para makaluto ng kare-kare si eder, sinadya namin ang mga asian store dito sa irvine. hindi naman kasi typical ang mga rekado nito. buti na lang mayroon nang ready made na kare-kare mix na nabibili ngayon dito. pero nilalagyan pa rin niya ng peanut butter dahil kulang daw ang dating kung mix lang ang ilalagay. bumili rin kami ng pechay, barrio fiesta na bagoong at ox tail.
iba na ngayon sa amerika. mayroon nang tinitinda na mga animal parts na dati-rati ay hindi pinapansin ng mga amerikano. dahil sa paglaki ng asian population dito, natututo na rin silang kumain ng ulo ng isda, utak ng baboy at in the case of the kare-kare, buntot ng baka.
e ang pwet nga ng manok, peyborit pa ng husband ko e. at basta kare-kare, kahit may giyera, susugod kami!
oo nga, marami akong kilala na dumadayo ng long drive para lang makatikim ng pagkaing pinoy.
eh yung lalagyan nga ng tae habang nasa tiyan pa lang ang pinakamasarap di ba? ang isaw, bow.
isaw! sarap nga yon, lalo na pag hindi nilinis.
naku unkyel, favorite ko ang kare-kare.
yan ang request ko kay mother kapag umuuwi ako ng pilipinas. prepared the traditional way (nagbabayo ng mani, nagusunog ng bigas etc). The BEST!
totoo rin unkyel na dati hindi nila pinapansin ang mga yan. yun nga lang ulo ng salmon dati 99cents/lb lang akalain mo na almost 2dolyares na ngayon. tsaka makikita mo na rin ang mga yan sa regular groceries.
sorry napahaba na naman comment ko.
Nga pala unkyel, Goodluck sa pagtakbo mo today.
pati nga bulalo, nakakabili na ako sa regular grocery.
pinaguusapan namin yang kare-kare sa trabaho nung isang gabi. meron kasi kaming bagong nurse na Pinoy ang bf. tingin ko ang mga hindi masyadong receptive sa ganitong mga pagkain e yung mga nakatira sa midwest… they’re so gung-ho on their own old ideas of what good food is which is mostly a lot of fat and not much flavor. nakakaawa sila in a way kasi kulang sila sa exposure.
sige mylab, pakainin nga nating yang mga mid westerners na yan ng soup #5 nang matauhan.
naku Jay, you can always make OxTail stew na mechado style rin if you want….winner din yun!
hmmmm…..i think the only time i had kare-kare twice in a week was our stay with you, hahaha!!
slamat pre at n appreciate nyo yong niluto ko,pagbalik namin next yr tirahin naman natin yong pepper crab.Ingat God Bless
masarap naman kasi. next time ulit, gawin nating 3x a week.