pag labas ko sa bahay kanina, pilit kong hinahanap yung back pocket ng shorts ko para ilagay ang aking pitaka. kaya pala hindi ko nakita eh baligtad pala ang pagka suot ko at yung back pocket ko, napunta sa harap. bwakanginangyan.
Category Archives: BUHAY OFW
Matandang Kalabaw
Yin and Yum
Image
Hippie Ears
kung talagang may diyos, bakit ako biglang tinutubuan ng buhok sa tenga nung ako ay nag 45 years old?
say cheese!
katatapos ko lang sa dentista. sexy raw ang bagang ko, sabi ng hygienist sa akin. thank you, ang sabi ko, sabay ngiting labas ang gilagid.
friday morning grooming
dentist appointment ko ngayon kaya dapat ay kumpleto lahat ng mga seremonyas ng umaga:
- shower
- todo toothbrush
- full shave
- gupit ako ng buhok sa ilong.
Pinoy Espanyol
tinanong ako ng bisita kong taga argentina kagabi kung bakit hindi marunong mag espanyol ang mga pinoy. sinabi ko na ito’y dahil sa kaswapangan ng mga bwakanginang colonizer at saka dahil sa trauma dulot ng mga unimaginative na spanish teacher na pilit pinapakabisado ang “mi ultimo adios” sa mga tulad kong sutil.
pwede bang supot?
masarap kasama ang mga pinoy na controls engineer. simple lang, walang porma, medyo nakakatawa at maraming mga kwento tungkol sa mga kaibigang matagal ko nang hindi nakikita. maliit lang ang mundo. malimit dumating sa buhay ko ang mga taong nakilala ko nung unang panahon, o kaya, mga taong bago kong kakilala na kilala yung mga taong nagdaan sa buhay ko.
oo nga pala: kagabi, may nakasama akong engineer na naghahanap ng boypren. tinanong ko kung anong qualification. basta raw walang putok, ang sagot sa akin. gusto ko ngang tanungin kung ok lang na supot pero nahiya ako.



