.flickr-photo { border: solid 2px #000000; } .flickr-yourcomment { } .flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; } .flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
recommendation ng kapitbahay naming si gigi na subukan itong argentine red shrimp. mura lang dito dahil naka sale at masarap ang lasa. impak, may pagka lobster ang dating. yan ang isang ok dito sa america: dahil sa laki ng mercado, makakabili ka ng pagkain na galing sa kung saan-saang sulok ng mundo. siguro naman ay galing sa argentina ang argentine red shrimp na ito.
madali lang lutuin ang stir fried shrimp. para talaga sa virgin cook na tulad kong bobo sa pagluto ang putahing ito. ginisa ko lang sa bawang ang hipon, tapos binudburan ng kaunting paminta at asin. bagay na bagay para sa friday dinner, lalo na kapag may kasabay na left over na isda at malutong na gulay.
you’re officially a better cook than I am
but hey, I’m not complaining! I am a lucky, hungry wife… hehe
labyu!
BWAHAHAHAHAHA.
hindi mylab. mas masarap ka pa rin magluto sa akin. magaling lang ako sa mga alahoy, spur of the moment na pagluto.
yum, sinigang na hipon naman ang ulam namin kangina pero mukhang mas ok yung luto mo.
sir, i hope you still remember me. we were exchanging email messages RE QIA.
nasa bookstore ako kahapon. naghahanap ng mga bagong libro na pinoy ang may akda. binili ko yun libro mo, pero sa una hindi ko alam na ikaw yun author. then habang binabasa ko yun, naisip ko most probably ikaw si Jay David ng W*
wala lang.. i’m sure narining mo n entertaining ang libro mo.. uulitin ko.. entertaining nga..
hey eva. of course naalala kita dahil panay ang bigay mo sa akin ng mga referral nung nasa pilipinas pa ako nagtatrabaho. it’s so nice to hear from you again after all these years. maraming salamat nga pala sa pagbili ng libro, buti naman ang naaliw ka kahit papano.
mas gusto ko ang sinigang pero personal preference ko lang naman ito.
sana may makita rin akong argentine red shrimp sa paborito kong asian grocery store dito sa Toronto. Haaayyy, kasarap naman nito. Napadighay ako kahit di pa man lang nakakain.
darling, baka wala kang makitang argentine red shrimp sa asian grocery store. bakit hindi mo subukan sa latin american grocery store.
May bisita kaming Judio (Messianic Jew). Hindi raw siya kumakain ng hipon at iba pang lamang-dagat (shellfish). He doesn’t know what he’s missing.
Salamat sa tip, Batjay. Hahanapin ko rin yang argentine red shrimp.
sabi kasi ng diyos nila, bawal kumain ng mga hipon dahil hindi raw ito kosher. yung diyos naman ng mga muslim, bawal naman ang baboy dahil hindi halal. yung diyos ng mga hindu at budhist, ayaw silang pakainin ng baka. yung diyos naman ng mga iglesia at yung diyos ng mga sabadista, pinababawal sa kanila ang pagkain ng ng menstruation dish. yung diyos ng mga katoliko, sinabihan naman sila na seafood lang daw pag biyernes.
hindi ko tuloy alam kung sinong diyos ang tama.
Ang Argentina Corned Beef na mabibili sa grocery dito sa Pinas ay galing din ba sa Argentina? Hehehe! = P
Bigla akong nagutom sa picture. Parang gambas ang dating. Mukhang masarap ipulutan yan. Kampay! = D
hindi, yung beef ata ng argentina corn beef ay galing sa mga kalabaw sa india – parang carabeef.
Sabi nung Messianic Jew, puede naman daw kumain ng baboy at laman dagat. This will not prevent one from going to heaven. But it might get you there sooner.
I like “spur of the moment” cooking/fixing food. This is when you discover that you can cook/fix food at no time at all and most of all really savor and enjoy it at the same time. So pat yourself in the back, you did a good job!
I agree with you, Batjay. Nakakalito itong ibat-ibang relihiyon. They might all be wrong, but they cannot all be right since they all contradict one another.
AMEN.
hi carmela. ako rin. my favorite kind of cooking is the one you do when you wake up one sunday morning, look at the ref and just cook what you find there.
salamat sa tip sir batjay. papuntahin ko si mister saan man naroon dito ang latin american grocery (at sana nga meron kami nito dito :).
good luck.
para ka namang naglilihi. pag walang argentine shrimp, pabili ka na lang ng tiger prawns.
Yehey, I’m so glad you liked the shrimp! It’s a seasonal item so I plan to stock up before it’s gone — if not I’ll have to wait until next year. We received another new item that you and Jet must try — Sweet Potato (camote) fries! You bake them — not fry — and they come out so crispy and flavorful. Ang sarap talaga — great as a side dish rin. The best part is that sweet potatoes are supposed to be really nutritious di ba?
Hey KB.
oo nga, jet loved the shrimp so much that i am going to cook it again this week, assuming na mayroon pa sa store. mukhang ok yung camote fries – masubukan din.
KB – Meron pa. 🙂 You can find the camote fries sa freezer section with the other vegetables, by the way. Let me know if you need me to set aside stuff for you so you can just pick them up on your way home from work, OK? It was so nice seeing you and Jet talaga — made my day!
Ako rin, ang naisip ko Argentina Corned beef. Ibig mong sabihin carabeef yun at galing India? Seryoso?
sarap naman nyan..pero teka…diba merong Manila Mango pero hindi naman galing sa Pinas kundi sa Mexico.
saliksikin mo…
oo yata bossing. hindi lang argentina, yung mga ibang local brand din ay ito ang ginagamit. pati nga rin ata purefoods naging involved sa carabeef meat. yan ang isang problema ng processed meat, di mo kasi alam kung ano ang mga rekado nito.
hey KB. it was nice seeing you again. dapat talaga mag get together tayo soon. i’ll leave it to you and jet to plan it. ingat!
pare sarap naman….suggest ko… lagyan mo din ng chili sauce…then stir…
tama ka pre. mayroon akong mexican chili sauce na nilalagay sa plato ko. ayaw kasi ni jet ng spicy kaya sarili ko lang timpla.
nakakagutom naman po ang presentation ng nilutong nyong ulam.may binibili ako sa grocery dito (Taipei) na parang ganyan mismo ang itsura, peeled na sya, ang org’l price nya siguro 2x as much nung sale price nya, madalas po naka-sale.ginigisa ko rin sahog ng chicken-shrimp pasta (try nyo po with italian spices), best pag sa olive oil iginisa with lots of garlic.
litrato pa lang, ulam na.