With a love so hard and filled with defeat

binalita ng mommy ko kahapon na lumayas daw yung kanyang long time assistant sa bahay kamakailan tangay ang dalawang libong piso na dapat ay pang tuition ng apo kong si TJ. may bago raw itong bopyren na may drug habit at kinailangan yung pero pambili ng kung ano man yung ginagamit ng kumag. gusto kong hangaan dahil payag siyang kalimutan lahat alang alang sa pag-ibig. sa isang banda ay gusto ko rin siyang kutusan dahil payag siyang kalimutan lahat alang alang sa pag-ibig.

ang perfect example ng love is blind ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”

20 thoughts on “With a love so hard and filled with defeat

  1. sana ma-realize ng taong yan na wala siyang panalo sa pag-ibig pag drugs and kakumpitensiya niya. he he. sana okay lang ang mommy mo at makakuha siya kaagad ng matinong replacement.

  2. naku pare…..madami ng ganyang kaso…..meron din akong naging alalay sa bahay….dahil loyal at mabait…naipasok ko pa ng trabaho sa isang maayos na kumpanya….kaso na bulag din ng pag-ibig.. …hayun iniwan ang trabaho at sumama sa taong may drug habit din..

  3. meron din akong naging yaya para sa anak ko nabulag sa pagibig.. night shift ako so sila lang ng baby ko pag gabi, nung nagka boyfriend, nalaman ko na pinapapasok sa bahay namin ung boyfriend nya, tapos nagsumbong sakin auntie ko at napauwi talaga ako from work nalaman ko na pumunta daw sa bahay ang boyfriend at may dalang alak.. kaloka!!!

    pinagalitan namin, nagalit pa samin, sira ulo…at nung umalis sya, di ko alam natangay nya ung sapatos ko at ilang blouses.

    pinablotter ko, baka kasi sa susunod anak naman ng iba tangayin nya

  4. hi unkyel,
    yea, i can relate to love being blind (they say it’s being addicted to a chemical released by your body causing euoporia that hijacks your reasoning ability or something like that because it’s such a great feeling….someone also said it’s the same chemical your body releases after you run…or something like that – i may be wrong).

    im starving, i don’t feel like running this morning…unkyel, save me. dogs in the compound are leashed, and my bills are paid this month so nothing to run from….sooo lazzzze. im going to eat luch instead.

  5. Hindi naman kasing grabe ng nangyari sa mommy ninyo, pero ilang katulong din namin noon sa Pilipinas ang nagkaganyan – naglaho na lang ng walang paalam dahil sumama sa lalaki. I mean, bahala siya sa buhay niya, pero magpapaalam man lang siya dahil responsibilidad din namin s’ya. Ang alam ng parents niya ay sa amin siya tumutuloy. Kami tuloy ang lagot nung naglaho na lang syang basta.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.