Boogaloo dudes carry the news

kung manonood kayo ng sine this week, make it juno. palabas pa rin yata ito sa mga sinehan ngayon. pinanood namin ito ni jet nung christmas break at para sa akin, isa ito sa pinakamagandang pelikula na ginawa ng 2007 kahit tungkol ito sa teen pregnancy (or perhaps dahil tungkol ito sa teen pregnancy). pagpapatunay lang na hindi mo kailangan ng high tech gadgetry, sikat na artista at malaking budget para gumawa ng magandang palabas.

ang bida sa pelikula ay si ellen page. bwakaninangyan, ang galing niyang umarte. siya yata ang bago kong idol sa pag kerengkeng. hindi ako magtataka kung mananalo siya ng maraming mga best actress awards in the next few months.

ang juno ay parang pelikula ni dolphy. may kantahan, sayawan, tawanan at iyakan. nagpalakpakan nga sa loob ng sinehan pagkatapos ng palabas. bihira itong mangyari dito sa jaded california.

ang isa pang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang pelikulang ito ay dahil sa tamang pag gamit ng musika. naalala ko tuloy yung style nina cameron crowe at francis ford coppola – dahil sa galing nilang magsingit ng musika sa pelikula, nagiging malaking bagay tuloy ito sa kwento. mahirap itong gawin at kailangan na magaling ang director to pull it off.

10 thoughts on “Boogaloo dudes carry the news

  1. This is one of those movies I would always enjoy watching, kahit ilang beses ko pa siyang panoorin… the kind that’s made just for your enjoyment without turning the characters into slapstick puppets.

    May bago na palang genre ng movies ngayon… dramedy… hehe. Although maybe it’s not so new anymore. Parang marami nang ganitong movies sila Meg Ryann and Julia Roberts.

    Iniintay ko na nga ang release ng DVD nito e. And the soundtrack is also a keeper. Really a great film!

  2. We have watched the film as well dito sa Singapore… Maganda talaga syang mapanood ng teens and adults… strong ang personality ni Juno which makes the whole story glow…
    gusto ko ung soundtrack nya at pinagaralan ko ng gitarahin… madali lang kasi dalawa lang ang chords 😀

  3. great.

    buti naman at pinalabas nila riyan. they just announced the academy awards nominees – juno is nominated for best picture (i don’t think they will win though) and ellen page is nominated for best actress (i think she will win).

    ingat!

  4. gusto ko yung song sa hulihan ng movie, yung lumalabas na yung credits tapos sabay silang (si juno at ang kanyang nerdy-looking short shorts fan bf) nag-gitara tapos kumanta ng du du du du du du du du… anyone else but you. madali lang tugtugin daw ito kase dalawang chords lang.

    at oo, ang lalim ng arte ng ellen page. tagal na ng post na ito pero sige comment pa rin ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.